KEN's POV"DIPAPHY HARTBY Tita Bubbles!" sabay-sabay naming bati sa Tita ni Eirine. Nandito kami ngayon sa bahay nila dahil naimbitahan kami. Kumpleto kaming lima kasama si Eirine at si Vien na halatang ilang-na ilang sa presensya ni Stell.
"Anong nililingon-lingon mo diyan ha?" nang-aasar na tanong sa akin ni Josh
"W-wala, masama bang lumingon? Sakalin kita diyan eh!" sabi ko. Lagi na lang akong pinagti-tripan netong si Josh.
Maya-maya pa ay bumukas ang gate at dumating si Elaine. Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng saya ng makita ko siya. Pero agad yong napalitan ng pagkadismaya nang biglang may sumulpot na lalaki mula sa likod niya.
"Happy Birthday Tita!" bati nito.Alam ko na nakita niya na ako pero patay malisya itong lumapit kay Tita Bubbles at humalik sa pisngi nito.
"Naku tita, pasensya ka na ha, nagdala pa ako ng plus one. Si Kenneth po pala, assistant ko po siya sa bakeshop."
"Nako walang problema, salamat ha, sige kain na kayo."
"UY! Ms. E-Elaine, d-diba s-sila y-yung S-SB19??" gulat na reaksyon nitong Kenneth nung makita kami.
"Ah, oo Iho, pero sana, atin atin lang ito ha, Bawal malaman ng iba na pumunta sila rito. Okay lang ba?" Sabi sa kanya ni Tita Bubbles.
"Oo naman po syempre!" sabi nito
"Close niyo po pala sila Ms. Elaine sayang po at ibenenta niyo po yung mga----hmmm""Masarap ba yung puto Kenneth?" tanong ni Elaine habang isinubo ang puto sa bibig ni Kenneth,
"Hmm.masarap po.!" sabi nito habang punong puno pa ng pagkain ang bibig.
Nang makatapos kumain ang lahat ay nagkayayaan ang lahat na kumanta sa videoke.
"Ha?! Ako pa talaga ang gusto niyong pakantahin ha? Gusto niyo bang lumindol ha?" sabi ni Vien dahil pinakakanta ito ni Tita Bubbles." Ito po si Elaine, yan ang may pinaka magandang boses sa amin eh."
Naramdaman ko naman ang pagsulyap sa akin ni Josh pero bahagya ko siyang siniko dahil mang-aasar na naman siya.
Hindi naman na nakatanggi pa si Elaine dahil halos pinipilit siya pakantahin ng lahat."Go Elaine!" Jah
"Go! Marsie!"-Eirine
"Go!Ms. Elaine! Wooh Ilove you agad! ayy.sorry po!" sabi nito dahil nagkatinginan kaming lahat sa kanya.
Di ako makapaniwalang
Ikaw ay nasa aking pilingTotoo nga ang sinabi ni Vien, totoong maganda nga boses ni Elaine.
Di ako makapaniwalang
Ako'y iyong hinahagkan.Tuwang-tuwa naman ang laahat nang nandito dahil ikinakaway pa nila ag kanilang mga kamay habang kumakanta si Elaine
Kung ikaw ay isang paniginip
Ayoko nang magising"Yiiiiieee, ang tanong panaginip ka ba?" nag-uumpisa na namang mangulit itong si Josh
Kung ikaw ay isang panaginip
Ayoko nang magisingHindi ko alam ang nararamdaman ko, pakiramdam ko nangyari na ito dati pa. Medyo pamilyar sa akin ang eksenang ito, maging ang kantang kinakanta niya.
Nang matapos ang kantahan ay nagpasya na kaming umuwing lima. May naka line--uup pa kasi schedule para bukas. Iniwan naming ang mga girls kasama ang Kenneth na yun na nagkakasiyahan at nag-iinuman.
"Ka babaeng tao ang lakas uminom." nandito lang ako sa sala. Nililinisan ko kasi yung mga gitara ko . Hindi ko maintndihan sa sarili ko kung bakit nakakailang balik na ako para lang silipin sila Elaine sa kabilang bahay.