ELAINE's POV
Nakakapagod na araw ang dumaan, marami kasi ang mga naka-book na guest ngayon dito sa resort kaya marami rin akong inassikaso. Pinagpahinga ko muna si Eirien dahil ayokong maistress siya. Kawawa naman ang mga inaanak ko pag nagkataon.
Magpapahinga na sana ako ng bigla kong marealize na hindi man lang ako nakapagtext kay Felip maghapon, at ganun din naman siya sa akin. Minsan talaga dumadating yung time na hindi kami nagkakapag-usap. Pero ok lang yun sa akin dahil naiintindihan ko naman.
Natutunan ko kay Eirine na intindihin at suportahan ang trabaho ni Felip. Dahil ganun din ang ginawa niya nung naging sila ni Pablo.
You should know what kind of industry his working on. Idagdag pa rito ang mga recording at rehearsals. Kaya unti-unti ko rin iyong na-aadopt sa relasyon namin ni Felip.
Tinawagan ko siya, para kamustahin ang maghapon niya. For sure na pagod yun dahil napanood ko ang interview na kanina sa isang livestream.
Sobrang sayo kung sinago na niya ang phone, But suddenly napalitan yun ng gulat ng marinig kong babae ang sumagot noon.
I doubled check kung tama bang si Felip ang tinawagan ko, tama naman pero bakit ganon.
"Hello? Hello? Are you looking for Ken? He's in shower right now, try to call him back la---" hindi ko na pinatapos at pinatay ko na phone ko.
Parang biglang may dumagan na kung ano sa puso ko.
'Sino ang babaeng yun?'
'At sinabi nitong nasa shower pa si Ken, Anong ginawa nila? Ano bang nangyayari?'
Ayokong mag-isip ng kung anu-ano, may tiwala ako kay Felip. Hindi na niya yun kayang gawin sa akin. Tsaka isa pa nangako siya na hinding hindi niya ako sasaktan.
Pero kahit na ganoon hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari. Hindi ako maakali. Kaya naman kailangan kong alamin ang totoo.
Ilang araw pa ang lumipas ay dumating na tawag na hinihintay ko.
"Hello Ms. Elaine!" bungad na bati ni Kenneth. Pinakiusapan ko ito na silipin at alamin ang ginagawa ni Ken sa Maynila. Hindi ko sinabi sa kanya na naghihinala ako.
"Nandito po ako ngayon sa tapat ng Condo ni Ken. Kakapasok niya lang po sa loob. Mukha naman siyang ok lang Ms. Elaine." sabi nito pero bumilis ang tibok ng puso sa sunod na sinabi ni Kenneth.
"Kaya lang, may kasama po siyang babae eh."
"H-ha? B-Babae? Staff ba 1Z?''
"Hmm mukhang hindi po, kasi maayos po ang pustura eh, mukhang sosyal. Actually kanina pa po siya kasama ni Ken, Ito din po yung babaeng nakita ko na kasama niya kanina nung lumabas ng Company nila eh." tuloy tuloy na sabi ni Kenneth. Hindi ko naman mapaliwanag ang nararamdaman ko buong buong ang tiwala ko Kay Felip.
Ayoko sanang maniwala sa mga ikinukwento sa akin ngayon ng assistant ko, pero paano ko paniniwalain ang sarili ko gayong halatang halata naman na may ibang kasama na babae si Ken sa Maynila.
Isa ng ang paraan para malaman ang totoo.
KEN's POV
Nandito kami ngayong lahat sa Condo ko. Hindi ko alam kung ano bang meron dito at mas gusto nilang tumambay dito kesa sa kani-kanilang bahay.
"Wala pa kayong balak umuwi ha? Gabing-gabi na kaya." sabi ko. Anong oras na kasi at nandito pa sila. Gusto ko nang magpahinga tsaka ilang araw ko nang hindi nakakausap si Elaine.
Pero hindi natinag ang mga taong ito. Magkasama si Josh at Jah na nagpunta sa studio room ko. Kasama ko naman ngayon si Stell na tulala na nag-liligpit ngmga pinagkainan namin at syempre ang nag-iisang babae na prenteng nakaupo sa sofa.
Si Ate Van.
(1 WEEK AGO)
Nabulabog kaming lahat ng biglang sunod-sunod na tumutunog ang doorbell sa baba. Nandito kami ngayong lahat sa apartment dahil may gagawin kaming TV Guesting mamayang gabi.
Halos kasabay namin ni Justin na lumabas ng kwarto sina Josh at Stell. Agad naman kaming bumaba para harapin kung sino man ang taong umistorbo sa tulog namin.
"Sino ba yan?, Ang aga-aga naman oh." inis na sigaw ni Stell habang pababa ng hagdan.Ito rin ang sumugod sa may pintuan para alamin kung sino ba ang nandoon.
"Sino ba---- Ate V-van?! ARRRRRRAAAAAAYYY,,!" pag-inda ni Stel nang piningot ni Ate Van ang tenga niya.
"What took you Guys so long to open this door ha!?" sabi nito habang nakatingin sa amin at pingot pingot pa rin ang tenga ni Stellvester.
"Ate Van? What are you doing here." tanong ni JOsh at sinalubong ito para bumeso.
"Well, na miss ko kasi kayo, Hello Bunso." salubong nito kay Justin.
"And aside from that" sabi nito habang akbay akbay si Stell at lumapit sa akin at inakbayan rin ako. "For a revenge and explanation!" sabi nito at sabay kaming ni-headlock ni Stell.
"Bakit hindi kayo pumunta sa kasal ko ha! SAGOOT!" ipit na ipit na kami ni Stell at hindi namin alam kung paano mag eexplain.
"Ahhh,,Atee! Wait, m-mag eexplain na kamii.... Aray kooo..." indi na naman ni Stell.
"Sige Baby Bro, mag explain ka, just make sure, na mako-convince mo ako ha!" sabi nito sa akin.
"Well, kasi, biglang minove ng mas maaga yung world tour namin., Actually nung nasa Vancouver kami, hinanap ka kaya namin, kaso saglit lang kaming nag stay doon kasi puupunta pa kami nun ng Japan." sabi ko. Nakatayo lang naman ito at naka krus ang mga braso na nakatingin sa akin.
"Hmm.'. Okay! Apology and Explanation accepted."ngiti nito at tsaka umupo sa sofa. "Hindi ko alam kun matutuwa or maiinis ba ako sa pagsikat niyo." sabi nito.
"Well, im really really happy on what you were now, Guys, God knows how i prayed this day to be happen. Kaya ako ang unang unang masaya para sa inyo, alam niyo yan.Pero on the other side, naiinis at nalulungkot ako, dahil hindi ko na kayo basta-basta makakasama, unlike before." Si Ate Van ang isa sa mga nagmotivate sa amin na abuutin namin ang mga pangarap namin.
She encourage us, na wag sumuko sa hamon ng buhay. She also said na ang bawat Star ay may mga kanya-kanyang oras para kuminang. And when the star and time is ready, it will shine and people will noticed it.
Isa siya sa mga pinasasalamatan namin, kung hindi dahil sa kanya, baka matagal na kaming sumuko lahat.
"My God, bago ko pa malaman ang addres niyo na to sangkatutrak na staff pa ang pinagtanungan ko alam niyo ba yun!? Buti na lang at nakilala ko si Mamang kaya sa kanya na ako nagtanong! Kaloka kayo, di na kayo ma-reach!"
"Pero Ate Van, Nasaan yung asawa mo, tsaka bakit bigla ka na lang dumating, sana sinabi mo sa amin para---"
"Para ano? pagtaguan ako! Kayo ha, Terror lang ako sa inyo, pero lahat yun may dahilan, And for sure alam niyo rin ung bakit ako nandito ngayon!" sabi nito.
"Nakakainis kayo ha, para na tuloy akong others, Kung hindi pa sinabi sa akin ni Tita Grace ang lahat hindi ko pa malalaman" sabi nito at muli pinagkrus ang mga braso.
"So, where is he? Where is your 'Brokenhearted' PINUNO?" sabi nito at nakataas pa ang kilay! Ate Van is Pablo's Cousin. 'Terror Cousin'
Nagtinginan muna kaming apat bago sabay sabay na itinuro ang daan kung saan ang kwarto ni Pablo.
"Okay, It's SHOWTIMEEE! JOHN PAAAULOO!" sigaw nito a tsaka agad na pumanhik sa taas.
'Kawawang Pablo.'