ELAINE's POV
"Wala na tayong nakalimutan Kenneth?" Tanong ko rito. Maaga naming ipri nipare ang mga gagamitin namin bukas dahil may malalaki kaming orders ng cake na ibe-bake.
"I think ok na po lahat Ms.Elaine." sabi naman nito. Wala pang isang linggo simula ng makabalik ako galing ng Davao pero naging busy ako kasi ang dami ko pa palang dapat na ayusin lalo na't dalawa na ang branch ko ngayon.
"Ahm, Kenneth, may alam ka bang nabibilhan ng Nougat?"
"po?! Anong nougat Ms.Elaine?"
"yung Kendi na puti.. ay.. di bale na lang.. sige na umuwi ka na, alam kong napagod ka." Sabi ko rito. Nagugutom na naman ako. Samantalang kakain ko lang kanina.
Pansin ko parang maya't maya akong nagugutom. Tapos ang pili pili ko sa kakainin ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip kung anong kakainin ko ng biglang tumawag sa akin si Eirine.
"Hello? Eiri---"
"Hello, Elaine si Paulo to." Nagtaka naman ako kung bakit siya tumawag sa akin.
"Oh, Paulo, bakit? May problema ba?"
"Tumawag kasi sa akin si Mamang at si Xi-Ann, kakahatid lang nila kay Ken sa condo.. nilalagnat daw. Ayaw naman magpa asikaso sa mga staff..baka pwedeng, paki silip naman oh."
Nilalagnat si Felip?
"Ah, oo sige, pupuntahan ko." Hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan si Felip sa Condo niya. Wala pang 20 minutes ay nakarating na ako doon at umakyat na agad sa unit nito.
"Felip?" Tawag ko rito pero wala tao sa sala. Pumasok ako sa kwarto pero wala ring tao. Nang tinignan ko ang kusina ay wala rin siya dun.
"Nasaa--" nagulat ako mg higlang may kumalabog sa may CR ng kwarto niya.
"Felip!" Nakita ko siyang nakahiga na sa sahig. Inalalayan ko pa siya. At ganun ako nag-alala ng maramdamang sobrang init ng katawan niya!
Masyado niyang sinubsob ang sarili niya sa pag tatrabaho. Hindi na siya nagpapahinga. Inihiga ko siya sa kama, pero tinanggal ko na muna ang pang itaas niyang damit.
"Felip, ano bang ginagawa mo sa sarili mo ha? Bakit hindi ka nagpapahinga?" Tanong ko rito habang inaayos ko ang pagkakahiga niya sa kama.
Agad akong pumunta sa kusina para kumuha ng tubig at ng pamunas para sa kanya. Nang makuha ko na iyon ay pinatay ko ang aircon sa kwarto niya at binuksan ang bintana.
"Xi-Ann ano ba! Iwanan mo ko dito, k-kaya kong mag i-isa" pagdedeliryo niya. Agad ko siyang nilapitan
"Love, bumalik ka na sa akin please. Sorry na, mahal na mahal kita.. Elaine" sabi nito.Hindi ko alam na bigla na palang tumulo ang luha ko.
"Pero, dahil gusto mong lumayo ako sayo, s-sige lalayo ako..m-mahal na m-mahal kita Eleng, Mahal na mahal."
Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Kaya pala, alam niyang gusto ko siyang iwasan, kaya pala siya ang lumalayo sa akin. Kaya ba? Kaya ba pinapagod niya ang sarili niya? Dahil sa akin? Kasalanan ko ba.?
"Love,n-nandito na ko.s-sorry... s-sorry h-hindi ko g-gustong mahirapan ka.n-natatakot lang kasi ako..I-Im sorry Felip, sorry" sabi ko at niyakap ko siya. Medyo napapaso ako sa init na inilalabas ng katawan niya pero wala akong pakialam.
"Sorry Love, Sorry.. I love you. I love you." Sabi ko habang umiiyak pa rin habang yakap yakap siya.
I took care of him all night at hindi ako umalis sa tabi niya. At hindi na ako aalis pa.
Kinaumagahan, agad akong nag umpisang magluto, at nilinis ko na rin ang buong condo niya. Nang matapos akong makapag luto at hanapan siya ng maiinom na gamot at saka ko lang napansin ang isang kwarto na nakabukas iyon.