KEN's POV
Nakauwi na silang lahat. Kami na lang ni Elaine ang naiwan dito sa Condo. Naabutan ko siya sa sala sofa na nakaupo at nakatungo lang habang pinaglalaruan ang mga daliri nito. Umupo ako sa may harap niya at hinawakan ang mga kamay nito.
Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay nakita ko ang nangingilid na luha sa mga mata niya.
"H-Hey, Love Bakit? Akala ko ba naiintindihan mo na lahat?" nag-aalalang tanong ko. Binawi niya ang mga kamay niya na hawak hawak ko at pagkatapos ay hinawakan ang mukha ko. Nakita ko kung paanong tmulo ang luha mula sa mga mata niya.
"L-Love,, I-Im S-Sorryyyy," sabi nito at tsaka nagtuloy tuloy naman sa pag-iyak. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na matawa sa itsura niya. Para siyang bata na humihingi ng sorry dahil nalaman niya na may kasalanan siya.
"Shhh... Okay lang yun, na mis-understand mo lang ang nangyari, tsaka may kasalanan rin ako. I should tell you about Ate Van. Sorry kasi sa dami ng mga gingawa ko this days hindi ko na naikwento ang tungkol sa kanya."
"Sorry din kasi wala akong time sayo, hindi man lang kita natawagan. I'm Sorry Eleng ko." sabi ko rito. pinunasan ko ang mga luha sa pisngi nito bago ko siya hinalikan sa noo.
"N-No, a-ako ng may kasalanan, sabi ko magtitiwala ako sayo , alam ko sa sarili ko na hindi mo yun kayang gawin sakin pero still, nag-doubt pa rin ako." sabi niya, Natuwa naman ako sa naging realization niya. Ibig sabihin malaki na pala ang tiwala niya sa akin noon pa lang.
"Let's just forget about it. Ang mahalaga okay na tayo ngayon." sabi ko at yumakap naman sa kanya.
"I love you Love, Sorry ulit."sabi niya
"Its Okay, I love you too. Elaine."
Kumalas naman ito sa pagyakap sa akin bago magsalita."Pero pano na ngayon yan? Nagtrend ka sa X, anong balak mo?" nag-alalang tanong nito. "Pwede mo naman ideny yun eh." sabi nito.
"Huh? Why would i do that? Hindi no, Edi aminin natin." kalmadong sabi ko
"Ha!? Gusto mo bang gerahin ako ng mga sisiw mo ha?" nag-aalalang tanong nito. natawa naman ako sa asinabi niya.
"Hahaha, hindi naman siguro. Tsaka hindi naman sila gaanun, tsaka para namang hindi ka naging isa sa kanila." sabi ko at tumungin pa sa kanya ng nakakaloko.
"Haha! Teka niyayabangan mo ba ako ha? Jhon Felip?"
"Di uy! nagsasabi lang ako ng totoo no! Bakit hindi ba?"
"O-oo na! napaka naman neto. Pero di ba sabi mo naman na hindi naman nila nakita ang mukha ko. Wag mo na muna kayang sabihin sa kanila. Yung nagterend pwede mo naman sigurong ideny muna----"
"Hindi ka ba proud sa relationship natin?" tanong ko sa kanya.
Nagulat naman siya sa itinanong ko. agad naman niyang ipinatong ang magkabila niyang braso sa balikat ko.
"Ha? Ano ka ba! Ano ba yang mga iniisip mo?""Eh bakit parang ayaw mong malaman ng tao yung relasyon natin?"
"Felip, hindi sa ganun, iniisip ko lang yung career mo, at tsaka yung mararamdaman ng mga fans mo." sabi nito.
"Mas mahalaga pa pala yung mararamdaman nila kesa sa mararamdaman ko?" sabi at tsaka tumayo. Alam ko naman ang ibig sabihin ni Elaine. Wala lang gusto ko lang magpalambing hehe.
"Uy!" tawag nito ssa akin tsaka yinakap ako mula sa likod.
"Makinig ka nga muna sakin." sabi niya at iniharap ako sa kanya. "Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. Ang akin lang, mas maeenjoy natin ang relationship na meron tayo kung hindi alam ng marami.
