20

19 3 0
                                    

KEN's POV

"Hoy!, bakit nakataas ang kilay mo diyan?" tanong sa akin ni Stell,ibinigay ko sa kanya ang cellphone ko,
katatapos lang ng concert namin dito sa Japan.

"Oh bakit ganyan ang hitsura niyan?!" kakapasok lang ni Pablo ng dressing room.

"Papaano Jellyace yan dun sa chef na vlogger na basta! yung kapartner ni Elaine sa collab" sagot ni Stell kay Pablo.

"Haha, kasi naman papayagan mo tapos magseselos ka?"

"Hindi ko naman alam na lalaki yun eh! alam ko ba? alam ko ba!" naiinis ako dahil paulit-ulit  sinabi ko na nga hindi ko alam na lalaki yun!

"Tsaka malay ko na may magiging kasunod pa ang mga vlog na yun! ang banggIt sa akin ni Elaine isang beses lang! parang ige-guest lang siya nung Edmon na yun--"

"Edward!"  sabay nilang sabing apat.

"Whatever! kung ano man ang pangalan nung chinitong hilaw na yun!"

"Bat ka ba nagagalit sa amin ha! Dinadamayan ka nga eto!" sigaw sa akin ni Stell.

"Well, siguro naging due to public demand yung unang vlog, kasi diba mukhang nagviral ung unang collab video nila. Baka maraming nagrequest kaya nandoon na siya lagi." sabi naman ni Josh.

Kinuha ni Justin at Josh ang cellphone at binasa ang mga comments na nandoon.

"Super bagay silang magkasama sa kitchen, sana sa totoong buhay rin!" pagbasa ni Jah.

"Super ganda ni Ms.Elaine and napaka gwapo naman ni Chef Eduard--" ani Josh pero pinutol ko ang pagbabasa nito.

"Gwapo na yun? Maputi lang siya!"-ako

"Classmate namin noong College yang dalawang yan! Noon pa man ay loveteam na namin sila, sana maging real couple na talaga sila!"

"In your dreams!"- sagot ko

"#LaineUard #MulingIbalikAngTamisNgPagIbig" ani Justin

"Mukha niyo!"

"Kilala ko yan si Ms.Elaine. A'tin siya and if im not mistaken, She's rooting for Ken Suson. Nakita ko sa Insta niya na may picture sila together."

"Yan mga ganyang comment dapat."- sabi ko.

"Kaya lang, may nagreply sa comment na yun." sabi naman ni Josh. Tinaasan ko lang sila ng kilay bago niya binasa ang comment.

"Sorry ha, Im not againts on Ken's Visual kaya lang.." natigilan ito at tumingin muna sa tatlo bago nila saby-sabay n binasa ang susunod

"For me, mas gwapo si Chef Eduard kesa kay Ken." 

"Joke lang! HAHAHAHA!" nakakalokong tawa ni Josh

Dumadagdag pa ang isang to sa inis na nararamdaman ko.

"May isa pa akong problema mga Dre"  sabi ko sa kanila nang maalala  ko ang pinag-usapan namin ni Elaine nung birthday ko.

"Ano yun?Ang dami mo  namang problema!" ani Stell.

"Gustong makipagkita  ni Elaine dun sa taong binentahan niya noon ng mga collections niya, Ang problema,hindi ko nasabi na ako yung taong yun."sabi ko

"Nako, problema nga yan." sabi ni Pablo.

"Bahala ka diyan!1 Ha!Goodluck sayo!  Suyuang matindi yan!" sabi naman ni Stell.

"Hala!Lagot!"-Jah

"Yari  ka, Dre! HAHAHAHA!"  Pang-aasar pa lalo nitong si Josh

MY FAN THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon