10

35 1 2
                                    

ELAINE's POV

Nang magising ako past 10:00 am na. Paano ba naman, Hindi ako nakatulog dahil sa kaiisip ko sa ginawa ni Ken kagabi!

Ang lokong yun, ang usapan manliligaw lang tapos humalik na agad sa pisngi ko! Napakaloko talaga! nang magising ako ay binuksan ko kaagad ang phone ko.
----------------

Gising na si Pablo, hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung saan namin hahanapin si Eirine.

-----------------

Until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari, iniisip ko kung nanaginip lang ba ako pero hindi, sa tuwing nakikita ko ang text sa akin ni Ken ay doon ko napapatunayan na totoo nga ang mga nangyari kagabi.

Ken admit his feelings towards me, ang his planning to court me. Pero bakit ganun? imbis na matuwa ako dahil finally napansin na ako ng taong matagal ko nang gusto,ay napangingibabawan pa rin ako ng takot at pag-aalala.

Hindi sa, hindi ko pinaniniwalaan ang sinasabi ni Felip, pero pakiramdam ko kasi sobrang bilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang, Hinahabol-habol ko siya, tapos ngayon, biglang babaligtad ang lahat? naguguluhan ako.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo Apo?"
biglang tanong sa akin ni Lola.

"A-ah, wala po Lola," sabi ko pero ang totoo sobrang naiistress na ako sa mga iniisip ko.

"Si Felip ba ang iniisip mo o si Makoy?" tanong nito sa akin.

"Lola!? Kaibigan lang po ang turing ko kay Makoy." paliwanang ko.

"Eh kay Felip, alam kong matagal mo siyang naging kaibigan noon, pero hanggang ngayon ba hanggang kaibigan pa rin ang turing mo sa kanya.?"

"Alam mo Eleng, nung araw na umalis ka, medyo nahuli lang ng dating si Felip dito. Pero ginawa niya ang lahat para mahabol ka." sabi ni Lola.

"Po?"Napatingin naman ako sa kanya dahil ngayon ko lang narinig ang kwento na ito.

"Oo! gamit-gamit niya noon yung bisekleta ni Balat, para lang mahabol  ka sa Bayan, Kaya lang sa kagustuhan niyang mahabol ka ay naaksidente siya.

"PO?! Naaksidente po?! Bakit? Ano pong---"

"Kumalma ka nga muna, hindi pa naman ako tapos eh, Ikaw na bata ka talaga!" sabi nito at pagsaway sa akin.
" Nabangga siya ng isang motor, hindi naman sobrang malala ang sinapit niya, may kaunting galos lang siya noon." kwento ni Lola, hindi ko alam na gnaun pala ang ginawa niya. Samantalang nakaramdam pa ako noon ng tampo sa kanya dahil hindi man lang siya nagpakita sa akin.

"Ayaw na sana niyang magpadala noon sa Clinic ng barangay para mahabol ka sa bayan, pero nagpumlit yung nakabangga sa kanya na dalhin siya dun dahil nga may galos siya." bakit ngayon ko lang nalaman lahat to? ilang beses na akong nakauwi galing ng Maynila pero wala ni isa ang nagkwento sa akin na ganito pala ang nangyari.

"Pakiramdam ko Apo, noon pa lang ay mahalaga ka na para kay Felip." sabi ni Lola napatingin naman ako sa kanya at hinawakan iya ang kamay ko.

"Eleng, panatag ang loob ko kapag si Felip ang kasama mo, mawala man ako sa mundong ito, alam ko na may mag-aalaga at magmamahal sayo."

"Lola! wag nga po kayong nagsasalita ng ganyan. Alam niyo naman po na ayaw ko ng mga ganyang klaseng usapan eh." saway ko kay Lola, sa totoo lang nagiging emosyonal ako kapag ganito ang mga sinasabi niya. Sa tingin ko ay  hindi ko kakyanin kapag dumating ang araw na iyon.

Hindi pa ako handa para doon. Isa pa si Lola at Tita lucy na lang ang natitirang pamilya ko.

"Sinasabi ko lang, Apo, na mabuting tao si Felip, kaya kung nag-aalinlangan ka sa kanya ay pwede mong pag-isipan ang mga sinabi ko sayo.

MY FAN THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon