12

17 1 0
                                    

ELAINE's POV

"Nakikiramay kami, Eleng, Lucy." sabi sa amin ng kapitbahay. Sobrang dami ng nakikiramay pero hindi ko sila kayang harapin pa sa ngayon.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa in ako makapaniwala na iniwan na kami ni Lola. Parang kailan lang marami kaming bisita dahil birthday niya. Pero ngayon mga nakikiramay na sa pagkawala niya.

"Magpahinga ka na muna sa kwarto mo Eleng, kagabi ka pa walang tulog." sabi sa akin ni Tita. Ang totoo kahit anong antok at bigat ng mata ko ay hindi pa rin ako makatulog. Maski umiyak ay hindi ko magawa kaya sobrang bigat ng dibdib ko.

Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari kay Lola. Wala na siya. Iniwan na niya ako. Humiga ako sa kama habang pilit na humahanap ng tiyempo para makatulog. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

KEN's POV

"Uy! Felip! Bai! buti nakapunta ka, Buti pinayagan ka sa Maynila na pumunta dito."

'Nagpaalam naman ako ng maayos." sabi ko kay Balat at Nano na nakasalubong ko dito sa bakuran nla Lola Remy. Dito na ako dumeretso galing ng airport. "Si Eleng kamusta? nasaan siya?" tanong ko sa dalawa.

"Nandoon siya sa loob, nakakaawa nga eh, masyadong pinapagod ang sarili niya para hindi masyadong isipin ang nangyari kay Lola Remy." sabi ni Nano

"Oo nga Felip! pilit niyang pinapakita sa mga tao rito na okay lang siya. Parang hindi pa nga namin siya nakikitang umiiyak simula pa kagabi. Sinusubsob lang niya ang sarili sa pagtanggap ng mga bisitang nakikiramay." sabi ni Balat.

"Kanina nga ay narinig kong pinagsabihan siya ng Mama mo, sinabi kasi ni Ate Lucy sa Mama mo na kausapin si Eleng para kumain dahil kagabi pa siyang hindi kumakain. Pero kahit kausapin na siya ng Lola at Mama mo ay wala pa rin."ani Nano.

Pumunta na ako sa loob, una kong nakita si Mama, kausap si Ate Lucy.

"Felip, buti naman at nakarating ka." sabi sa akin ni Ate lucy na nag-uumpisa na namang tumulo ang mga luha.

"Si Ate po ang nagbalita sakin sa nangyari kaya nagpa-book agad ako ng flight papunta rito." sabi ko.

"Salamat ha, buti nga at nandito ka na, hindi ko alam ang gagawin ko kay Eleng, simula pa kagabi hindi na siya kumakain." namomroblemang sabi ni Ate Lucy.

Maya-maya pa ay pinapunta na ako ni Ate Lucy sa kwarto ni Eleng para makausap ito. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong mahimbing na itong natutulog.

'Kita-kita ko sa mukha niya ang matinding lungkot.'

'Halatang mugtong mugto ang mata niya at halatang may bigat na nararamdaman.'

Lumapit ako sa kama kung saan siya nakahiga.Inayos ko at kinumutan siya. Pinagmasdan ko ang mukha niya at inayos ang buhok nitong nakatakip sa mukha niya. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang nagmulat ang mata niya. Nagising ko yata siya.

"F-Felip?" nagtatakang tanong nito sa akin. Siguro ay nagtataka siya kung bakit ako nandito.

"Kamus--"

"FELIP!"sabi nito at tsaka biglang bumangon para yakapin ako. Ramdam ko ang pag nginig ng buong katawan niya dahil sa pag-iyak.

Kung totoo ang sinasabi nila na hindi pa ito umiiyak simula kagabi ibig sabihin ngayon pa lang niya nailalabas ang lahat ng bigat ng nararamdaman niya.

"Feliiip..W-wala na si Lolaaaa." hagulgol nito wala naman akong magawa kundi ang hagurin ang likod niya."I-iniwan...na..niya...akoooo..Wala na si L-Lola.....M-mag-isa na lang akoooo.."patuloy na hagulgol nito.

"Shhhh.. Hey, hindi ka mag-isa.Marami pa kaming nagmamahal sayo na nandito."kinalas ko muna ang pagkakayakap niya sa akin para makaharap siya.

"Nandito pa si Tita Lucy, kailangan ka rin niya, masakit din sa kanya ang nangyari kay Lola Remy." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha sa mata niya.

MY FAN THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon