KEN'S POV
"Nako, Lola may nakalimutan pa po pala ako, kulang pa po ako ng whipping cream, sandali lang po babalik ako doon." sabi ni Eleng.
"Samahan na ki---" pero pinutol niya ang sasabihin ko.
"Hindi na. Kaya ko namang mag-isa Ken." sabi nito. Alam ko naman na medyo naiinis na siya sa akin kanina pa, wala na kasi akong ginawa kundi ang sundan siya nang sundan.
"Sigura--"
"Siguradong-sigurado Ken, Siguradong sigurado." pag-uulit pa nito bago umalis. Wala naman na akong nagawa kundi ang mag-stay na lang sa tricycle kasama si Lola Remy.
"Ayos ka lang ba diyan Felip?" tanong sa akin ni Lola.
"Ayos lang naman po La,"
"Salamat sa pagsama mo sa amin ha, nga pala, wag mong kalimutan na pumunta mamaya sa bahay ah, sabihan mo na rin ang lolo at lola mo, pati ang mama at papa mo, wag kang mawawala ha!" bilin sa akin ni Lola.
"Syempre naman po Lo--" hindi ko naituloy pa ang sasabihin ko dahil napakunot ang noo ng makita kung sino ang kasama ni Eleng pabalik.
"Nako, salamat Makoy ha, buti na lang sinamahan mo ko,"
"Ah wala yun Eleng, basta pag kailangan mo nang kasama nandito lang ako, para hindi ka magancho ng mga nanamantalang tindero dito."
"Salamat ulit."
"Wala yun, bumabawi lang ako sayo sa mga pang-aasar ko sayo noong mga bata pa tayo, alam mo na, medyo bully pa ako nun eh." sabi pero habang ngiting ngiti kay Eleng, halata namang nagpapacute tong mokong na to eh!
"Tss. Medyo daw. Napaloko mo nga eh, hindi ka na nga gwapo lokoloko ka pa." bulong ko pero sapat para marinig nila.
"Felip? Uy! Felip ikaw pala yan! Kamusta ka? Sikat na sikat ka na ah," sabi nito. at nakita ko naman na parang umirap si Eleng sa sinabi nito.
"Hindi naman."
"Maayong Adlaw Lola Remy! Happy Birthday po." bati nito kay Lola nagpasalamat naman sa kanya si Lola,
"Nga pala, Makoy, kung wala kang gagawin mamaya, punta ka sa bahay ha," pag-iimbita sa kanya ni Eleng.
"T-Talaga? iniimbitahan mo ba ako? S-sige .. Salamat, Eleng" sabi nito at malawak na malawak pa ang ngiti. Nakakaramdam ako ng inis, pero hindi ko alam kung bakit.
"T-tara na!" sabi ko "Ang init po dito Lola no?" baling ko kay Lola Remy. "Uwi na po tayo, mukhang tapos na yata si Eleng." sabi ko, masyado na yatang matagal ang usapan nila nitong si Makoy.
"Sige, salamat ulit ha, Makoy." muling sabi ni Eleng.'Bakit paulit-ulit?'
"Sige,ingat ka. este kayo, ingat kayo." sabi naman nito.
Nang makaalis na kami sa may bayan, ay hindi ko mapigilan ang sarrilii ko na mayamot sa nakita ko kanina.
'Ano yun, ayaw niyang samahan ko siya? Pero nagpasama siya dun sa Makoy na yun?'
'Psh. Ayos ah! Parang noon, ako ako nagtatanggol sa kanya sa pangbu-bully nung Makoy na yun sa kanya, tapos ngayon biglang close sila? Hanep!
'Di hamak naman na mas gwapo ako---'
"HOY! Ken! " rinig kong sigaw ni Eleng, para bumalik ako sa ulirat ko.
"Ha?! Bakit?"
"Anong Bakit? Lagpas na tayo sa bahay ni Lola!" ssigaw nito sa akin. Saka ko lang napansin na ilang bahay na nga ang pagitan ng makalagpas kami sa bahay ni Lola Remy!