23

19 1 0
                                    

EIRINE's POV

"Dont worry Ken, ako nang bahala sa kanya." sabi ko kay Ken over the phone. Nagulat ako kaninang madaling araw ng bigla na lang dumating rito si Elaine na namumugto ang mata. Nag-away silang dalawa ni Ken kaya dito siya pumunta sa resort.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Vien na naka-videocall sa cellphone ni Elaine. Kababa ko lang ng tawag ni Ken.

"Nakakaasar siya! wala siyang tiwala sa akin! Anong gawin ko kung sobrang ganda ko! Kasalanan ko ba na umamin sa akin yung tao na ay gusto siya sakin?"

"Loka ka! nakuha mo pang magbiro habang umiiyak ka! Oh! Tubig" sabi ko sabay abot sa kanya ng isang basong tubig.

"Nagseselos siya kay Eduard? Pero siya kung makalapit dun sa Marguax na yun! Mas nakakaselos kaya yun! Ex niya yun!  EX!" sigaw nito habang umiiyak.

"Wag kang sumigaw baka marinig ka ni Polly." saway ko rito.

"Itinigil ko na nga yung Collaboration ko kay Eduard kasi alam kong nagseselos siya, tapos sasabihin niya sakin na hindi siya mahalaga sakin?! Engot pala siya eh!"sabi nito habang panay ang hugot na tissue sa box

"Alam mo, dapat hindi ka muna umalis don." sabi ni Vien "Dapat binigyan mo rin ng chance si Ken na magsalita, baka naman may dahilan kung bakit niya kausap yung ex niya."

"Oo nga---" sang ayon ko naman

"Ano ba kayo? Sinong bang kaibigan niyo rito ha? Ako o si Felip?!"

"Syempre ikaw! ipinapa intindi lang rin naman sayo na pwedeng may malalim na dahilan si Ken kung bakit niya yun ginawa." sabi ko.

"And knowing Ken, hindi yun masyadong naglalapit sa babae no, siguro kaya lang yun ginawa kasi..." naputol ang sinasabi ni Vien dahil hindi niya rin alam ang susunod niyang sasabihin.

"WAAAAHHHH..O-Oh diba? maski ikaw hindi mo alam kung bakit?" patuloy naman sa pag-iyak nitong si Elaine.

"Siguro mahal niya yung Marguax na yun! Baka ginamit lang niya ako para--"

"Hep-hep-hep, wag ka ngang judgemental diyan! Hindi naman ganoon si Ken no! "

"Bahala siya! Tutal ganon naman ang iniisip niya bakit hindi ko panindigan!" sabi nito.

"Hoy! Babae anong binabalak mo ha?" tanong ko rito. Kinuha naman niya ang cellphone, pinatay ang tawag kay Vien at tsaka nag walk-out para pumasok sa kwarto nito.

KEN's POV

3 WEEKS. 3 weeks na since nung nag-away kami ni Elaine. Hanggang ngayon ayaw niya pa rin akong kausapin.Hindi niya ako nirereply-an at hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko. Pati sa socmed ay blinock niya ako. Ganun siya kagalit s akin.
My mali rin naman ako. Nagselos ako kay Eduard pero ako, hindi ko naikwento sa kanya si Marguax. Kung sinabi ko na agad yun sa kanya edi sana hindi nagkaganito at naayos namin agad ang problema namin.

Hindi ko alam kung paano ba kami napunta sa ganitong klaseng sitwasyon. Okay na okay naman kami tapos bigla na lang naging ganito.

Kababa ko lang ng eroplano. Nandito ako ngayon sa Davao. May tour kami rito nextweek pero nagpaalam ako na pupunta ako rito ng maaga. Dumeretso na agad ako sa resort para makausap si Elaine.

'Hindi ako aalis rito sa Davao na hindi ko siya kasama! Kailangan magkaayos kami.'

"Tito Felip!! salubong s akin ni Polly at nakasunod naman agad si Pollo. Ibinigay ko sa kanila ang dala kong pasalubong galing Manila. Lumabas naman si Eirine na parang gulat na gulat na nakita ako.

"Ken?"

"Eirine si Elaine, i need to talk to her.."

"Halaa, Tita Elaine rides on an airplane with Tito Pogi." sabi ni Polly.

MY FAN THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon