ELAINE's POV
"What's the problem?" tanong sa akin ni Eduard. He insisted na sumama sa akin sa pag meet ko kay JFS. Actually dapat talaga si Felip ang kasama ko ngayon kaya lang, nagtatampo at naiinis pa rin ako sa kanya dahil sa ipinost nung Marguax na yun! Ang mas lalo nakakinis ay hindi niya sinabi kagabi sa akin na kasama niya si Marguax.
'Meeting with someone?' Tapos si Marguax yng someone na yun! At isa pa, dis oras na ng gabi! Ano naman ang paguusapan nila ng mga ganoong oras?
Sinamahan ako ni Eduard dahil alam niyang hindi maganda ang mood ko ngayon. Kanina na ang huling shoot namin para sa last vlog na ksama niya ako.
"Ahm, something came up dun sa kausap ko. may emergency yata siya kaya nagsabi na hindi siya makakapunta." sabi ko. Sayang at excited pa naman akong makilala si JFS.
"Ang lungkot lungkot mo naman, gaano ba kaimportante sayo yung kukunin mong sa JFS na yun?" tanong nito sa akin.
"Ahm, Sobrang importante." sabi ko na lang. Yun na lang kasi ang gamit ko na makapagpapaalala kung gaano ko ini-stan si Felip noong mga panahon na hindi ko pa siya boyfriend. Yun ang isa sa mga bagay na makapagpapaalala sa akin na minsan akong naging Die Hard Sisiw ni Ken Suson.
"Ahm, Elaine, may sasabihin pala ako sayo." sabi ni Eduard
"Go Ahead. Ano yun?"
"Well, may in-offer kasi sa akin sa Europe na dalawang slots para sa training for Pastry Baking. I think ibang experience yun since ibat'ibang mga Proffesional Pastry Chef ang magtuturo dun. At naisip ko rin na i-offer sayo yung isang slot. Kung gusto mo." ani Eduard
"T-talaga!?" bakas sa mukha ko ang excitement pero agad naman din yung nawala.
"Salamat Eduard ha, kasi inalala mo pa ako para sa training na yun. I really appriciate lahat ng ginagawa mo para sa akin. Kaya lang alam mo naman diba?, kaya nga nag quit na ako sa Collaboration ko with you. Kasi i need to focus sa Bakeshop, Tsaka isa pa.." nag-aalangan akong sabihin sa kaniya.
"Nagseselos sa akin si Ken? Tama ba?" SI Eduard na ang nagsalita.
"Naiintindihan ko, Hindi ko gustong ganun ang maramdaman ng Boyfriend mo, Now i can assure na sobrang mahal na mahal ka niya. Pero if ever, na magbago ang isip mo about dun sa training sabihan mo lang ako." sabi nito."Tara! Arcade tayo! Para naman ma-divert yang mood mo." pagyaya nito sa akin. Pumayag naman ako dahil feeling ko kailangan ko ring magkalimutan ang mga nagpapa-stress sa akin ngayon.
Hindi na namin namalayan ang oras dahil sobrang nag-enjoy kami sa Arcade. Nakakuha pa nga si Eduard ng Stuff toy na sisiw eh, at ibinigay yun sa akin. Kahit na kay Eduard yun galing si Ken pa rin ang naaala ko kapag tinititigan ko ito. Nandito na kami ngayon sa kotse at ihahatid na ako ni Eduard pauwi.
I checked my cellphone, nakita ko na nakailang tawag na pala si Felip sa akin. At nakailang text na rin. Pero i decided to not to reply. Sa bahay na lang kami mag-uusap mamaya.
Ang then i checked my X nang makita ko ang post ni Marguax.
Kahit pa hindi naka-tag si Felip yun. Alam ko na siya ang nasa post ni Marguax.Nandoon na naman siya? Hindi niya ba naramdaman na ang cold ko sa kanya today? Hindi man lang niya inalam kung bakit? Tapos ito? ito na naman?!
"Hey, May problema ba?" napansin yata ni Eduard ang pagiging un-easy ko.
"Ahm, w-wala naman." sabi ko na lang pero ang totoo gusto nang sumabog nang puso ko.
Nang makababa ako sa kotse ay agad na akong nagpaalam kay Eduard. Pagod na rin kasi ako at gusto ko nang magpahinga
"Thanks, Eduard" sabi ko.