ELAINE's POV
"Hi Lola!" bati ko kay Lola Remy hindi nya kasi alam na uuwi ako ng biglaan ngayon.
"Eleng?? Ikaw na ba yan Apo? Ang ganda-ganda mo naman." sabi ni Lola sa akin at niyakap ako. Ilang taon na simula nang huli akong makauwi dito. After graduation kasi ay sobra na akong naging busy. Hanggang sa naipatayo ko yung Elaine's Sweetcakes mas lalo pa akong naging busy kaya hindi na ako nakakauwi rito sa probinsya.
"Ang laki-laki na ng pinagbago mong bata ka, halos hindi na kita nakilala." sabi sa akin ni Lola.
"Ako pa rin naman po ito Lola,kamusta ka na po?"
"Ayos naman ako Apo, buti naman umuwi ka miss na miss na kita." sabi ni Lola at halos maaiyak na.
"Pasensya ka na po Lola ha, masyado lang po akong naging busy sa Manila eh,hayaan niyo po Dito po muna ako ng mga ilang buwan para makasama ko po kayo." sabi ko at muling niyakap si Lola.
Nagdecide muna akong mag stay dito sa probinsya ng mga ilang buwan,gusto ko munang makatakas sa stress sa Manila. Masyado na akong naiistress sa mga nangyayari dun isa na run ay ang pagkawala ni Eirine.
Nasaan na kaya ang babaeng iyon. Maski kami hindi namin alam kung saan ba nagpunta. Hindi siya nagrereply sa mga text namin sa kanya. Nag-aalala tuloy ako. Dumagdag pa sina Stell at Vien. Naloloka ako sa mga lovelife ng mga kaibigan ko pati ako ay naiistress na rin.
"Hah!! akala mo naman kung sinong maganda, nagpa-doktor naman!"rinig kong sabi ni Eunice. Bata pa lang ay mainit na ang ulo nito sa akin. HIndi ko naman alam kung anong dahilan niya. Pero noon ay naririnig kong may gusto ito kay Jhon Felip.
Nandito ako ngayon sa tindahan ni Aling Loleng, nakakatuwa na malaki na rin ang pinagbago nito, mula sa dating sari-sari store ay wholesale store na ito ngayon.
" Alam mo Eunice, hanggang ngayon hindi ka pa rin talaga nagbabago no?" sarkasstikong tanong ko rito. Kung noon ay hindi ako umiimik sa mga sinasai niya sa akin, pwes iba na ngayon. Hindi ako yung Eleng na pumapayag na tapak-tapakan lang nila.
"Oo naman, ikaw lang naman ang nagbago eh," sabi nito ang tinignan pa ako mula ulo hanggang paa "Nagpabago ng mukha! hahaha." natatawang sabi nito kasama ang mga barkada niya.
"Alam mo Eunice, nagbago man ako ng mukha, pero hindi naman ako nagbago ng ugali, ako pa rin to. Tama ka nga, dahil mula noon, hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang ugali mo, mapag mata ka pa rin sa kapwa mo."
"Aba! at malakas na ang loob mo ngayon ha! Ang yabang mo na ngayon Eleng! Porket nakapunta ka na sa Maynila eh akala mo kung sino ka na!"
"Of course not, sweetheeart.. natutunan ko lang sa Manila na dapat nakadepende ang ugali mo sa ipinapakitang ugali ng mga taong nakakasalamuha mo, like you, gusto mong ma-offend ako sa mga sinasabi mo sa akin? Pero ikaw, naiinis ka na kapag nakakarinig ka ng masasamang bagay tungkol sayo! Pwede ba yun? Its unfair darling." at tinalikuran ko na siya.
Hindi na bagong bagay sa akin ang mga sinasabi sa akin ni Eunice. Dahil hindi naman ito ang Unang uwi ko simula nung nagpa-enhance ako ng mukha. Lagi kong sinasabi na i did this for myself. Ginawa ko to dahil gusto ko madagdagan ang confidence ko sa sarili ko. Basta alam ko na wala akong tinatapakang tao.
Nang papauwi na ako sa bahay ay nadaanan ko yung puno na lagi naming tinatambayan ni Ken, este ni Felip noon. Nadesisyon akong umupo at tumambay muna doon ng kakaunting oras.
'Ambilis ng panahon, its been ten years since nung nandito pa ako kasama si Felip. Si FFelip na si Ken na ngayon, one of the most popular idols in country, in mean in the world.