PART 1

84 1 1
                                    


ELAINE GRACE 'S POV

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong sa akin ni Vien.Nandito sila ngayon sa Condo ko at kakapasok lang nila sa kwarto ko.

"Anong, anong nangyari?" tanong ko habang binubuksan ang sliding door dito sa may terrace.

"Bakit ganito ang itsura ng kwarto mo,asan na yung maraming picture at portrait ni Ke----" hindi ko na pinatapos pa ang sasabin niya.

"Padeliver tayo ng Pizza at tsaka Chicken! Ay kahit pizza na lang pala!"sabi ko at bilang nagbabago ng isip ko sa kung ano ang gusto kong kainin.

Dumeretso ako sa kitchen para magtimpla ng inumin nilang dalawa. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila sa akin.

"Elaine, g-galit ka ba sakin?" natigilan ako nang magsalita si Eirine.

"Huh?! Anong sinasabi mo?" pagmama-ang maangan ko pa.

"Galit ka ba sa akin dahil sa narinig mong umamin sa akin si Ken na m-may g-gusto siya sa akin.?"

"May gusto sayo si Ken?" gulat na reaction nitong si Vien.

Totoo, narinig ko nang gabing iyon kung paanong umamin si Ken nang nararamdaman niya para kay Eirine.Oo nakaramdam ako ng lungkot pero ano ba ang mgagawa ko. Hindi ko naman kontrolado ang nararamdaman niya. At sigurado ako na hamak na tagahanga lang naman ang turing sa akin ni Ken.

"Eirine, hindi ko ipagpapalit ang friendship na meron tayo sa kahit na sinong tao,oo aaminin ko na nasaktan ako kasi nagkagusto siya sayo ng wala kang ginagawang effort. Samantalang ako--- eh basta! hindi ako galit sayo, Okay?"

'Samantalang ako ginawa ko lahat para mapansin ako. Kahit pa ang magpaayos ng mukha ginawa ko, para maging confident ako sa pagdadala ng sarilil ko. Pina--enhance ko ng konti ang labi, ilong at baba ko. Gusto kong maging maganda ako sa pangingin ko at sa paningin na rin ng ibang tao.

"P-pero bakit kailangang ligpitin mo ang lahat ng litrato ni Ken, i-ilang taon mo nang inipon yun diba.?" Totoo yun, simula ng malaman ko ang tungkol kay Ken,sinubaybayan ko na talaga siya. Well, sinusuportahan ko din naman yung apat na kasama niya, si Josh, Pablo, Justin at Stell. Pero ika nga nila ang bias ko ay walang iba kundi si Ken.

"Haha.. ano ka ba!madali lang yun no,yung ibang maliliit na pictures ipapamimigay ko na lang sa ibang mga kasisiw ko sa A'tin, yung mga portrait, balak kong ibenta, and yung mga hoods, cap and tshirts,,,hmm ano ba? ibebenta ko na lang din siguro, magkakapera pa ako. Oh diba? mindset ba mindset! haha"

Matagal na panahon kong inipon ang lahat ng gamit na may kinalaman kay Ken, magmula sa mga Pictures,unan, Lomo Cards, Posters,headband, light stick, tote bag, stickers, keychain lahat. Maski yung mga hoods, jacket Tshirt na siya mismo ang nagdesign binili ko, nagkikipag -unahan ako sa iba mabili ko lang ang lahat ng yun.

Pati ang mga Solo album niya ay meron din ako. Walang araw na hindi ko ipini-play sa Spotify ang lahat ng mga kanta niya.Nagpagawa rin ako ng malalaking Portraits niya at inilagay yun sa dingding ng kwarto ko. Pati mga standee niya sa bawat Music Video ng SB19 ay mayroon din ako.

"Seryoso ka ba talaga sa ginagawa mo?'' Hindi makapaniwalang tanong ni Vien. Maging sila kasi ni Eirine ay alam na alam kung gaano ko kagusto ang pagsuporta sa SB19. Lalong lalo na kay Ken.

"Oo nga Vivienne! bakit ba hindi ka naniniwalang ayoko na siyang i support ha? wala ka bang tiwala sakin ?" Maski ako hindi ko lubos maisip na darating ang araw na susuko ako sa pagiging fan niya.

"Hindi sa wala akokng tiwala sayo, eh kasi naman iba ang kinikilos mo sa sinasabi mo."

"Alam kong mahirap pero susubukan ko! A-ang l-laki na rin n-naman ng nagagastos ko no!"
hindi ko mapigilan ang luha ko. HIni ko alam pero matinding lungkot ang nararadaman ko ngayon. Ilang taon na rin akong nasanay na ikabit ang SB19 at si Ken sa buhay ko. At hindi yun ganun kadaling kalimutan.

"Oh see.? alam mo sa sarili mong hindi mo kayang pakawalan yung mga gamit na ikaw mismo ang nagpakahirap makuha." panenermon sa akin ni Vien

"Elaine, we cannot please someone to love and like us back."

"A-alam ko n-naman yun! I'm just a fan okay? a mere fan that hoping someday mapansin man lang ako yun lang!

H-hindi ko naman hinihiling na mahalin niya ako eh! Ano ko baliw? International Performer siya tapos ako fan lang maghahangad ako ng ganon.? and besides sa dami ng fans ni Ken hindi naman ako kawalan no!

T-tsaka dumadating talaga sa punto na nagla lie low ang fans from their idols no!" sabi ko sa kanila.Pero alam ng sarili ko na nagsisinungaling lang ako.

'Oo, I'm a fan but for me im not just a Fan.'

---------------------------------------------------------------

ELENG's POV

"Eleng, pangit! Eleng pangit! Eleng Pangit!" pang-aasar sa akin ng mga ka eskwela ko. lagi na lang ganito ang ginagawa nila kada mag-uuwian kami galing eskwela.

"Hoy!anong ginagawa niyo ha! umuwi na nga kayo!" taboy sa kanila ni Felip, "ayaw na ug balik dinhi ha!" sabi nito at pinulot pa ang nalaglag kong mga gamit.

"Ayos ka lang Eleng.?tanong sa akin ni Felip. "Oo naman, naanad na ko (sanay naman na ako)"
lagi naman akong inaasar ng mga ka eskwela ko kaya hini na bagong bagay sa akin ang asarin nila.

"Sabihin mo sa akin kapag ginulo ka pa nung mga yun ha, bubugbugin ko sila! Nakikita mo ba to? iuumpog ko sila dito. Ano ayos ba?" sabi nito, natawa naman ako dahil tinaas na pa nito ang braso nito.

"Paano mo sila bubugbugin eh, di hamak na mas malalaki sila kaysa sayo. tignan mo nga ang payat payat mo oh!" natatawa kong sabi sa kanya.

Matagal ko nang kilala si Felip, Dalawang taong gulang pa lang ako nung iniwan ako ng Mommy Daddy ko dito sa lola ko, nagtatrabaho sila sa abroad pareho kaya dito ako nakatira sa bahay ng lola ko.

Kaya siguro magkasundo rin kami ni Felip, dahil halos pareho kami ng sitwasyon, mula pagkabata ay nasa abroad din ang mga magulang nito.

"Tara! ihatod ko nimo (ihatid na kita)" pagyaya nito sa akin. Ang totoo hindi ako masyadong nakikisalamuha sa ibang tao, alam kasi ng mga taga rito na hindi naman talaga ako dito nakatira,, iniwan lang ako ng mga magulang ko dito sa lola ko.

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay malay

Kumakanta si Felip habang naglalakad kami papauwi. Ang totoo maganda ang boses niya. Nakakatuwa siyang pagmasdan kumanta dahil ninanamnam niya ang bawat letra ng kinakanta niya.

Na tinuruan mo ang puso
Na umibig ng tunay

"Eleng! naniniwala ka ba na balang araw magiging sikat na singer ako?" bigla niyang tanong sa akin.
"Ha?! oo, Siguro. Kung hindi ka naman hihinto sa pangarap mo eh, at sa tingin ko kung hindi ka susuko na abutin ang pangarap mo, walang imposible, basta maniwala ka lang sa sarili mo." sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na nagliwanag ang mukha niya.

"Oo! Tama! Ang galing mo Eleng, Apir!" sabi nito at nakipag-apir pa sa akin at tsaka tumuloy sa pagkanta.

"Lalalala,,lala--ooooy!" Kumakanta lang ito ng biglang nawalan ng balanse at nadapa sa putikan!

"Hala!hahaha" hindi ko napigilan ang tumawa dahil nakikita kong itsura niya.

Nang makarating kami sa bahay ay nagulat ang lola ko sa itsura ni Felip.

"Ginuo, Unsay nahitabo nimo, Felip? (Anong nangyari sayo?)" natatawa namin kaming pareho kaya hindi namin nasagot ang tanong ni Lola.

"Salamat sa paghatud ssa akong apo ha. Ingat ka sa pag-uwi." sabi sa kanya ni Lola pagkatapos papaliguin at pahiramin ng damit para makapagpalit.

"Opo! Salamat po. Babye Eleng!"paalam sa akin nito.

"Babye Felip!"

Ang totoo sa lahat ng tao dito, bukod sa lola ko, Kay Felip lang ako kumpertable. Pakiramdam ko na wala akong dapat ikabahala basta nandiyan sa tabi ko.

....to be continued.......

MY FAN THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon