ELAINE's POV
Ilang buwan pa ang lumipas at naging normal na para kay Ken ang magpabalik-balik mula Manila papunta rito sa Davao at pabalik. Lagi ko naman soyang sinasabihan na hindi naman na niya yun kailangan gawin pero nagpupulilit pa rin siya.
Ewan ko ba, hindi naman siya ganito kakulit noon, dati nakikinig pa soya sa mga sinasabi ko pero ngayon, wala napaka kulit niya.
"Hindi ka ba napapagod?" isang gabi ay tinanong ko siya. Kadarating lang niya galing ng Maynila.
Imbes na sumagot ay nakitako umiling siyaa bilang sagot sa tanong ko. Nakaupo siya ngayon sa tabi ko pero nakapikit siya.
"Liar, impossibleng hindi ka mapapagod, nagsisinungaling ka lang eh " sabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan gawin ito ni Felip.
"Hindi ako nagsisinungaling, nagsasabi ako ng totoo." sabi nito at tsaka ipinilig ang ulo niya sa balikat ko.
"Siguro, masasabi kong napapagod ako kapag papunta ako rito galing sa Manila." sabi nito at napalingon naman ako sa kanya. "Pero ewan ko ba, kapag nakikita na kita sa kabila ng haba ng binyahe ko, natutunaw lahat ng pagod na nararamdaman ko." sabi niya niya magrereact pa sana ako sa sinabi niya pero inunahan niya na agad ako.
"Oh, iisipin mo na naman. na binobola kita, bakit kaya ganun? noon naman agad kang naniniwala sa lahat ng sinasabi ko. Ngayon kapag may sinasabi ako sayo hirap na hirap kang paniwalaan ako."
"Felip, kapag ba binigyan kita ng assurance, hindi mo na ba papagurin ang sarili mong magpabalik balik rito."
"What do you mean." sabi nito habang ganito pari ang itsura na nagpapanhinga sa balikat ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ituloy ang sasabihin ko.
"ahm, k-kapag ba, kapag ba snabi ko sayo na mahal kita at papayag na akong maging girlfriend mo, hindi mo na ba pipilitin at papagurin ang sarili mong magpabalik balik rito.?" dere-deretso kong sabi sa kanya. Nabigla naman ito at biglang napabangon mula sa pwesto niya kanina."A-anong sabi mo?!" gulat at hindi makapaniwalang tanong nito.
"Kapag naging boyfriend kita, susundin mo ba ako kapag ssinabi ko sayong huwag mong papaguri-----oy!" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla akong kabigin ni Felip at yakapin
"Teka nga, wala pa naman akong sinasabi eh."
"Eh diba parang ganaun na rin yun?"
Hinawakan ko ang mga kamay ni Felip bago ako ulit magsalita.
"Ayokong napapagod ka, Felip, Alam ko kung gaano kahirap ang ginagawa mo. Tapos nagpapabalik-balik ka pa rito. Nag-aalala lang ako sayo.." sabi ko
"Kasi.?"
"Ha?! Anong kasi?"
"Nag-aalala ka sakin kasi?"
"S-syempre no! kawawa naman yung ka grupo mo kapag nawalan sila ng isa----"
hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan."Sasabihin mo lang na mahal mo ko di mo pa masabi." sabi nito at tsaka nagtatampong tumayo.
"Uy! Eto naman, syempre biro lang.!" sabi ko at tsaka yumakap sa bewang niya at tumingin sa kanya " Nag-alala ako kasi syempre Love kita eh. Kaya i promise mo sakin na hindi ka na magpapabalik balik rito ha.. Ayoko ko lang mapagod ka ng sobra."
Nakita ko naman ang pagbuntong hininga niya.
"Ang totoo, kaya rin ako bumabalik dito ay nagbabakasali ako na magbago na ang isip ni Eirine." sabi nito at hinawakan ang mga kamay.