18

13 1 0
                                    

ELAINE's POV

Nakabalik na kami ngayon dito sa resort. Sinamahan ako ni Felip na umuwi rito. Dahil katatapos lang ng concert nila, ay may ilang araw silang pahinga kaya we decided na dito na lang mag-stay sa resort.

"Hi Kambal!" bati ko kay Pollo at Polly na naglalaro dito malapit na silang mag 3 years old. Next month lang ay birthday na nila. Kasabay ng mga ito ay birthday rin ni Paulo.

"Kamusta Mars? mukhang pagod na pagod ka yata ah. Marami bang tao?" tanong ko. Nakita ko naman na kalaro na ni Felip ang kambal.

"Hindi naman, na-handle ko naman sila pareho nung wala ka, hindi naman sila ganun kalikot haha." sabi ni Eirine."K-Kamusta ang c-concert?" tanong nito.

"Sus. yung concert ba ang kinakamusta mo? o si Pablo?"sabi ko kay Eirine nakita ko naman na lumingon sa gawi namin si Felip.

"Well, as usual, sold out ang tickets ng concert nila, day 1 and day 2. Kaya siguradong pagod na pagod silang lima. Buti nga at may free days sila this week para makapagpahinga. Kaya ilang araw rin dito magstay si Felip."  sabi ko.

"Alam mo ba, dapat kasama namin ung mga boys ngayon dito. Gustong gusto kasing puntahan to ni Stell at Pablo."
sabi ko

"Pero sinabi ko nalang na under-renovation pa tong resort kaya hindi na sila sumama. Lalo na na nandito rin Vien." sabi naman ni Felip na nandito na pala sa likod ko.

"Kundi, madidiscover nila na ang resort ni Felip dito sa Davao, ay naging taguan ng mga undiscovered child."sabi ko. napansin ko na man na natigilan si Eirine sa sinabi ko.

"Sorry Mars, eh kasi naman eh, wala ka bang balak sabihin kay Pablo ang lahat? Alam mo kung makikita mo lang siya ngayon, maawa ka rin sa kanya, pareho lang kayong nagpapaka-miserable sa buhay niyo, kung tutuusin kaya namang sulusyunan ang problema niyong dalawa.

"Eirine, alam ko na nahihirapan ka na rin sa sitwasyon mo, pero kahit anong gawin mo, si Pablo pa rin ang tatay ni Pollo at Polly." sabi naman ni Ken.

"Ken pasensya ka na ha, Alam kong naiipit ka sa sitwasyon. Kaya lang sa ngayon hindi ko pa talaga kayang aminin kay Pablo ang lahat."

"I understand, tsaka never ka naman naging abala.Mas okay na yung alam namin na safe ka rito."

"Salamat, Ken."

"Nga pala sila Vien nasaan?" tanong ko kay Eirine

"Ahh, umuwi saglit ng Rizal may aasikasuhin si Vien doon pero si Star nandoon sa kwarto tulog na. Sige na pahinga na kayo. pinaprepare ko na kay Kuya Dan yung kwarto niyo."

"Thanks, Marsie."
"Salamat Eirine."- Ken

Ilang araw na nandito si Felip. Wala siyang ginawa kundi ang magpahinga. Yun naman talaga dapat ang gawin niya. For sure sa mga susunod na weeks sunod sunod na naman ang trabaho niya.

Kasalukuyan kaming nandito sa beach side nakikipaglaro siya kay Pollo at kay Polly. Nakakatuwang makita na close na close siya sa mga anak ni Paulo. Naiwan na nagtatakbuhan ang dalawang bata nang umupo si Felip sa tabi ko.

"Pagod?haha." tanong ko rito dahil hinihingal siya.

"Grabe parang hindi nauubusan ng energy yang kambal na yan, lalo na si Polly. Manang-mana kay Pablo!" natatawang sabi nito. Nakakatuwa na sa dalawang kambal ay kay Polly talaga mas close itong si Ken. Si Pollo kasi medyo tahimik lang. Si Polly ang mas energetic at mas makulit sa kanilang dalawa.

Nasa ganoong sitwasyon kami ng bigla siyang humiga sa hita ko. Tumagilid ito ara pagmasadan ang kambal na hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa buhanginan.

MY FAN THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon