KEN's POVIlang oras ko nang tinititigan ang journal na nasa ibabaw ng center table. Sobra akong naku-curious sa kung ano ba ang laman at nakasulat sa loob nito. Alam ko na wala akong karapatang pakialaman ang gamit ni Elaine pero parang may nagtutulak sa akin na basahin at alamin ang nasa loob niyon.
'Hindi naman siguro niya malalaman kung mababasa ko 'to.'
'Pero hindi ko talaga ugaling buksan ang private property ng
Wala akong magawa at nakita ko na lang ang sarili ko na hawak hawak ko na ang journal na nasa harapan ko ngayon.
"Hindi ko naman pala ito mabubuksan dahil may Code Lock." sabi ko sa sarili ko. Pero sa sobrang kakulitan at kuryusidad ko ay pinilit ko parin buksan ang six combination code na lock nito.
"0.7.2.3.9.8" sinubukan ko ang birthday niya. Pero syempre gaya ng inaasahan ay hindi naman ito ang password niyon.
'Kung fan siya ng SB19 eversince pwedeng yung petsa ng debut namin!'
"1.0.2.6.1.8...Hindi pa rin? Wag na nga" sabi ko at inilagay ulit ang Journal sa may center table. "Sign na yan Felip na huwag mong pakiaalaman ang hindi sayo!" sabi ko habang kinakausap ang sarili ko.
Pero hindi ko pa rin mapigilan, Kaya sa huling pagkakataon ay kinuha ko ulit ito at sinubukang buksan.
"Kapag ito hindi ko pa nabuksan, ibabalik ko na talaga ito sa Storage Room!" at pinagkiskis ko na muna ang mga palad ko bago subukang buksan sa huling passcode na susubukan ko para mabuksan ito.
"This is it! 0.1.1.2.9.7 Let's--Ayun!" sabi ko ng biglang nabuksan ang lock niyon. Napangiti ako ng malamang Birthdate ko ang Passcode sa lock iyon.
Nang mabuksan ko ang First page ng Journal ay natigilan agad ako.
Ibig sabihin ang journal pala na ito ay tungkol sa akin at pagiging Fan niya.
Talagang never siyang pumalya na padalhan ako ng cake noon. Natatandaan ko na tuwang tuwa yung apat na bOys kasi nga halos araw-araw ay may cake akong natatanggap.
Kaya siguro laging su Justin ang una niyang binabati noon, bakit? bentang benta kaya sa kanya ang ka-cornyhan ni Jah?
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa n Journal ni Elaine ng biglang tumawag sa akin si Ate.
"Hello Ate,?"
"Hello Felip, wala na ang Lola ni Eleng. Wala na si Lola Remy." sabi nito.
"Ha?!"
Walang ibang pumasok sa isip ko kundi si Eleng. Kailangan niya ako doon. Kailangan ako ni Elaine.
ELAINE's POV
Maaga akong nagising para mag-asikaso ng almusal. Balak kong magluto ng suman na paborito ni Lola. Tamang-tama lang ito mamaya paggising niya ay bagong luto ito at masarap partner-an ng mainit na kape.
Habang nag hahanda ako ng almusal ay bigla kong naisip si Felip. Nakauwi na kaya siya? Kamusta na kaya si Pablo?
Paniguradong malungkot yun dahi hanggang ngayon ay walang may alam sa amin kung saan siya nagpunta.Dumagdag pa itong si Vivienne na bigla ring bumalik sa Amerika.
Ano bang nangyayari s amga kaibigan at biglang mga nawawala.
Maya-maya pa ay naalala ko na naman ang journal na napasama sa idineliver kay JFS. Nakalimutan ko kasi na doon ko pala iyon nailgaya sa isa sa mga bulsa ng hood jacket na kasama sa mga ibinenta ko sa kanya.
Buti na lang mabait itong JFS na ito at mabilis na napaki usapan.. Kaya hindi ko siya matawagan. Nahihiya naman akong istorbohin siya. Sinabi naman niya na nasa kanya nga ang journal at mukha namang safe ito sa kanya.