CHAPTER 1

2.9K 72 0
                                    

(A/N: Ito po ay edited na at may naidagdag po akong mga senaryo na wala sa orihinal na gawa ko at hiniwalayan ko na rin ang chapter na magkaka-dugtong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(A/N: Ito po ay edited na at may naidagdag po akong mga senaryo na wala sa orihinal na gawa ko at hiniwalayan ko na rin ang chapter na magkaka-dugtong. Ngayon lang rin ako nagka-oras dahil may inatupag pa kong requirements para maka-moving up hehe yon lang, thank you sa mga nagbasa nito sa orihinal man o edited.)

დ დ დ

[Samantha Point of View]

Madilim, madilim ang lugar kung nasaan ako ngayon.

Wala akong maaninag kahit ano pero bat parang gising ako?

Anong nangyayari?

Sinubukan ko pisilin at kurutin ang braso ko pero nasaktan lang ako sa ginawa ko.

Bakit ganito? Bakit ang dilim? Nasaan ang mga gamit ko? Nasa kuwarto ako hindi ba?

Anong nangyayari?!

Nasaan ako?

Bakit ang dilim?

"Samantha."

Isang tinig ang tumawag sa akin sa kawalan. Wala akong makitang tao kahit lumingon ako nang lumingon. Wala talaga.

Pananginip ko nga lang ba ito? Na nanaginip na naman ba ako? Pero bakit parang kakaiba ang pananginip na ito?

Bakit ang dilim? Eh sa tuwing na nanaginip ako hindi naman ganito ang paligid. Hindi ganito kadilim pero bakit ganito ngayon?

May bago na naman ba akong pananginip?

Sa kagustuhan kong malaman kung sino ang taong tumawag at kung nasaan ako kaya ako sumigaw.

"Sino ka?!" Sigaw na tanong ko pero isang katahimikan ang isinagot nito.

Guni-guni ko nga lang ba ang boses na iyon?

"Nasaan ba ako?!" Tanong ko ulit pero tanging isang ihip ng hangin lang ang isinagot nito sa'kin.

Ilang minuto ang lumipas at tsaka lang nagsalita ang kung sinong nasa likod kung bakit ako andito sa madilim at nakakatakot na lugar na ito.

"Kumalma ka na ba? Siguro naguguluhan ka kung nasaan ka ngayon at kung bakit ka andito pero samantha ang iyong kahilingan ay nadinig ko at nais ko itong tuparin at sana mangampanan mo ito at mapagtagumpayan."

Paliwanag nito sa akin kahit naguguluhan ako ay nakinig pa rin ako pero ano nga ba ang kahilingan ko na tinupad niya?

Wait! What the heck?!

"Don't tell me?" Nanlaki ang mata ko sa naalala ko may sinambit ako kanina pero hindi ko akalain na may nakarinig non at hindi ko aakalain na matutupad iyon.

Isa lamang iyong kahilingan ng bawat mambabasa sa tuwing namamatay ang paborito nilang karakter sa kuwento pero bakit naman sineryoso.

"Pero—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ulit ito.

Ni-hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.

"Mag-iingat ka samantha at hiling ko ay mapagtagumpayan mo ang nais mo, paalam" pagkatapos niya magsalita ay isang liwanag ang lumamon sa akin at hindi ko na makayanan pa kaya napapikit na lamang ako.

Pambihira, ito na nga ba? Final na ba ito? Paano ang mid term exam namin? Paano na ang second sem? Tiyak na iiyak na naman iyon si yna dahil sa dami ng ire-review, bat ba kasi ako humiling?

Yan lang ang mga katanungan na nasa isip ko bago pa ako tuluyan nawalan ng malay at hilain ng liwanag na kumakalat na sa buong paligid.

დდდ

Iminulat ko ang kanang mata ko para mag-adjust sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha ko at nang maka-adjust ay iminulat ko na rin ang kaliwang mata ko at isang babae ang sumalubong sa'kin.

Gulat itong nakatingin sa direksyon ko na parang nakakita ng multo.

"Lady Sabrina"  tawag nito sa pangalang hindi akin.

Sabrina? Hindi ako iyon ah? Samantha ang pangalan ko at hindi Sabrina.

Muling nagsalita ang babaeng hindi ko kilala at tuwang tuwa pa itong nakatingin sa akin.

"Lady sabrina gising ka na nga" natutuwang sambit nito.

Pinagmasdan ko ang babae, napansin kong nakapang-maid uniform ito at tila nasa european era kami sa style ng suot niya.

Lumingon lingon pa ako sa paligid, puro makaluma ang nakita kong mga gamit sa loob nitong silid kung nasaan ako nakahiga ngayon.

"Nasaan ako?" Iyon agad ang lumabas sa bibig ko ng mapansin kong sobrang kakaiba ang paligid ko.

Ang tanging naalala ko lang ay ang patulog ko at ang pagbagsak ng libro na binabasa ko.

"Nasa sariling silid niyo po kayo my lady" sagot ng babae, sa pagsagot nito ay parang ginagalang niya ko at nakakataas ako sa kanya dahil sa ginamit niyang salitang 'my lady'.

"My lady? Sabrina? Sino iyon?" Tanong ko rito.

Dahil sa tanong ko, nakita ko na napawi ang ngiti sa mga labi nito at tila napalitan ng gulat ang reaksyon nito.

"Oh my lady! Siguro po dahil sa pagkakahulog niyo sa tubig kaya kayo walang maalala ngayon, kawawa naman ang my lady ko" super oa na paliwanag pa nito sa akin tsaka umarte pa ito na parang may pinupunasan na luha na tumu-tulo sa pisngi nito.

Pansin ko ang eleganteng galaw nito sa pamamagitan ng galaw na iyon, ilang minuto ang lumipas tsaka ko na realize ang sinabi nito.

Nahulog ako?

Hindi, hindi pwede! Hindi ako pwede magkamali ang alam ko ay nasa kuwarto ko ako pero...

What the heck?!

Don't tell me nasa loob ako ng nobela na binabasa ko?!

Bigla na lang lumabas sa utak ko ang memorya na may kausap ako sa isang madilim at nakakatakot na lugar at dahil don ay narealize ko kung anong gulong pinasok ko ngayon.

Natupad ang sinabi ng kung sinong kumausap sa akin? Nagtindigan ang balahibo sa balat ko at hindi makapaniwalang tumingin sa paligid.

Grabe, hindi ko akalain na may ganon pala. Akala ko naglu-lucid dream ako pero bakit naging totoo naman?!

Naiiyak man ay dali-dali akong tumayo at pumunta sa harap ng salamin, hindi ko inalintana ang nawe-weirduhan na tingin ng babae sa akin.

Dahil nais kong malaman kung sino at na saang katawan napunta ang kaluluwa kong ito.

Sana naman hindi sa isang villainess kasi utang na labas ayokong maranasan ang  pakiramdam na maputol ang ulo ko.

Tinignan ko ang mukha ng karakter sa salamin at ang masasabi ko lang ay lintik na buhay na ito, napakamalas.

Paano, ang mukhang nakita ko ay ang mukha ni Sabrina Anately!

Ang babaeng nakatakdang mamatay dito sa loob ng nobela dahil sa paglabag nito sa batas dahil sa ngalan ng lintik na pag-ibig na hindi niya narasan sa taong mahal niya.

Ang babaeng mapuputol ang ulo dahil sa pagtangkang pagpatay sa isang super mahalagang karakter sa nobelang ito at iyon ay ang female lead!

Bakit sa dinami-dami ng karakter, bakit kay Sabrina pa? Kaya pala Sabrina ang tawag ng babaeng iyon.

Lord naman! Alam kong marami akong kasalanan pero bakit naman ipinasok mo ako sa ganitong sitwasyon?!

Buti sana kung sa side karakter lang napasok ang kaluluwa ko pero bakit sa babaeng nakatakda pang putulin ang ulo?!

Ano ba?! Ibalik niyo na lang ako sa mundo koooooo!

Operation, Save The DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon