CHAPTER 3

2.3K 62 0
                                    

(A/N: Edited, in this timeline malalaman niyo why gusto agad or mahal agad ni Sam si Samuel kaya stap na sa pag-comment na andali niyang mainlove kasi una pa lang in-love na talaga siya kay Samuel, balik sa simula and try to understand it

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(A/N: Edited, in this timeline malalaman niyo why gusto agad or mahal agad ni Sam si Samuel kaya stap na sa pag-comment na andali niyang mainlove kasi una pa lang in-love na talaga siya kay Samuel, balik sa simula and try to understand it. (っ╥╯﹏╰╥c))

დდდ

[Samantha/Sabrina Point of View]

Before I start my move, kailangan ko munang gumawa ng plano.

Although mayroon na ako pero hindi ko pa ito alam kung ano ang dapat kong gawin para maiwasan ang mangyayaring masama dito sa katawang ito ni Sabrina.

Una kong dapat iwasan ay teka sino nga ba ang naging dahilan ng masamang mangyayari kay Sabrina sa kwentong ito?

Ang duke? Pero imposible kasi wala naman itong pake sa akin. I mean kay Sabrina.

Wait- oh right the lovely female lead is the reason.

That bitch, argh! Why kasi nainlove ron ang duke? Tsk.

Before I made a plan, I need paper and pen pero saan naman ako kukuha?

Oh right again, may bell palang gamit dito si Sabrina pantawag sa personal maid niya.

Sanaol may maid, good thing na andito rin ako napunta at least maginhawa pero mamatay nga lang kapalit pero nevermind.

All I need to do is ring the bell and order amy to bring me some paper and a pen.

Oh, shala si ate mo girl, ume-english. Wala kayo.

"Lady Sabrina, ano po kailangan niyo?" Tanong agad nito at kalmado ko naman siyang hinarap.

Kunyare ako si Sabrina tsaka nasa katawan ako ni Sabrina kaya act like Sabrina ang peg muna natin ngayon.

"I need some paper and a pen" utos ko at tumango naman ito.

Alam kong nahihiwagaan pa rin siya sa kilos ko, lalong lalo na ngayon dahil hindi naman mahilig magsulat ng letter si Sabrina at si Amy ang inuutusan nitong magsulat, dahil tamad ang gaga.

"Sige po my lady, ikukuha ko po kayo ng panulat at papel na kailangan niyo" walang tanong tanong ito at agad na sinunod ang pinag-uutos ko.

Mabuti naman at di na nagtanong, kahirap mag-explain baka sabihan pa ako na baliw.

Habang nagiisip ako ay napadungaw ako sa bintana, kitang kita mula rito ang magandang tanawin.

Ang garden ng nanay ni sabrina na mukhang maganda naman siya kung aayusin o lilinisan.

Maganda ito para sa'kin kahit hindi na ito tulad ng nai-describe sa nobela. Simula kasi ng mawala ang nanay ni Sabrina napabayaan na rin ito.

Hindi rin naman nag-aksaya ng oras ang gaga para ayusin ito kasi wala namang may gustong ipaayos ito.

Waste of time raw kasi ito eh. Siraulo rin sila eh no? Di talaga nila deserve ang nanay ni sabrina at si sabrina kahit may kasamaan ito.

Ah basta, bahala sila sa family problem nila basta ako ay magpapakasaya sa yaman na mararanasan ko.

Minsan lang ito no kaya itutudo ko na para walang regrets kung bumalik ako sa mundo ko at dati kong buhay.

Tsaka all I need to do lang naman ay maitama ang lahat. I mean mailigtas ang duke tsaka masiguradong buhay siya at humihinga.

Then, tsaka na ako aalis sa lugar na ito ng tahimik at bumalik sa totoong mundo ko kung saan ako nanggaling.

"At sisimulan ko ito ngayon!" Pursigidong sabi ko, itinaas ko pa ang kanang braso ko habang naka-fist ako.

"My lady?" Napatigil ako at nanigas sa kinauupuan ko.

Don't tell me andyan na siya kanina pa?

Tumikhim muna ako bago ko nilingon si amy na parang walang nangyari at wala akong ginawa.

"Where's the paper and the pen?" Kunyaring seryoso kong tanong rito.

Agad namang ini-abot nito sa akin, sininyasan ko ito na umalis na kaya tumango na lang ito at walang nagawang lumabas sa kuwarto ko.

Ayoko pa dagdagan ang kahihiyan na gagawin ko sa harap ni Amy baka mas isipin noon na nababaliw na ang my lady niya.

Edi ipapatingin pa ako sa isang mage tas bigla nilang malaman na hindi pala ang kaluluwa ni Sabrina ang nasa katawan niya.

Iwinaksi ko na lang ang pag-o-over think ko sa bagay bagay at sinimulan ang pagsusulat ng plano ko.

Dapat ang masiguro ko na pulido at walang loopholes na mangyayari sa plano ko at kung mag-failed man ito kailangan may plan B, plan C at iba pang plan.

Kahit umabot man iyan sa plan Z basta ready ako sa lahat ng possibility na mangyayari.

Kung mag successful naman, edi goods at least di ako mahirapan ng sobra.


"At ngayon simulan na natin" nakangising bulong ko habang hawak hawak ko ang pen at nasa study table naman ang papel.

Sinimulan ko nang mag-isip ng mga pwedeng plano pero kailangan ko munang isulat ang mga kailangan kong gawin parang base ba.

Kailangan na munang alamin ang kailangan kong alamin lalong lalo na may mga iba't ibang karakter sa nobelang ito at sobrang dami pa nila.

Hindi ko na nga matandaan kung gaano karami ang male leads ng female lead eh.

Basta ang alam ko ay harem itong nobela ng Sunset with you. Andami kasing scene na connected sa sunset eh.

Katulad nang pagligtas ng isang male lead kay Female lead tas natapat pa na sunset noon.

Then another scene ay naabutan ng sunset ang isang pang ulit na male lead at si Female lead, dahil paggagala nila.

Then yung isa pa yung nagtagpo yung landas ng another male lead at ni female lead sa isang beach at sunset pa noon.

Ewan ko at bakit trip na trip ng author na palaging sunset nagtatagpo o naiinlove ang male leads sa female lead.

Sunset with you nga Samantha eh, syempre connect sa sunset.

Na babaliw na siguro talaga ko dahil pati sarili ko kinakausap ko.

Basta sa dinami-rami ng male leads yung main male lead pa yung namatay tas reason ay si female lead na parang ewan.

Iyak lang ambag sa istorya, napaka-dali lang naman na ipokpok sa ulo nung kidnapper yung dos-por-dos na hawak niya pero hindi niya magawa dahil umiiyak siya.

Ending nalaman na andoon siya, ayon mas naging complicated pa, sinalo tuloy ng duke yung bala na tatama sa puso niyang tanga siya.

Hays na i-stress lang ako sa plot ng nobelang ito. Nakakapanggago.

Kaya para masigurado ang kaligtasan ng magandang ako, dahil ako na ang nagmamay-ari ng katawang ito pansamantala ay ang una kong gagawin para di ako madamay sa lintik na love story nila ay...

First is avoid the other evil male leads of the female lead, well except my honey my love so sweet Grand Duke.

Operation, Save The DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon