Edited. Happy Reading.
-----Samantha/ Sabrina's Point of View
No. Hindi pa rin tama ito, kailangan ko pa rin maging aware sa lahat ng kilos ko.
Siguro ngang sa orihinal na bersyon ay hinahabol siya ni Sabrina pero hindi agad sumusunggab si Sabrina.
Si Sabrina yung tipo ng babaeng mahiyain at mahinhin kung makikilala mo talaga siya, sadyang na bahiran lang siya ng kasamaan dahil sa nae-expercience niya sa Manor na ito.
Pero hindi siya yung tipo ng susunggab sa isang lalaki agad agad porket gusto niya ito.
"Ah... Duke I think... I need to breathe" kinakabahan kong sabi rito at sinubukan kong umalis sa pagkakakulong sa pwesto namin.
Pero nung lulusot na ako ay mas binabaan niya ang pwesto ng braso niya dahilan kung bakit hindi ako nakaalis sa pwesto ko.
Napatingin na lang ako sa braso niya, halatang batak na batak ang braso niya dahil may mga ugat pa na lumalabas roon.
Napapikit na lang ako ng mata, upang pakalmahin ang puso ko na naghuhurumintado na para bang may nagaganap na karera, sa sobrang bilis nito.
Kailangan kong kumalma, hindi ito ang oras para kiligin at maging fangirl ka Sam. Kailangan mong umalis bago pa maging awkward ang lahat para sa iyo.
"Are you going to stay like that?" Nakakapanindig balahibo na tanong nito. Hindi ko nga namalayan na bumaba na rin siya upang lumevel sa akin.
Nanatili lang akong nakapikit at pinapakalma ang sarili dahil sa ginagawa niya.
Chill lang Sam, kaya mo yan.
Sige self, magnanakaw tayo ng halik sa kanya bago tayo umalis sa mundong ito, baon natin o reward natin kasi nagtagumpay tayo sa misyon.
Napatigil ako at tuluyan na ngang ayaw ko na idilat ang mata ko dahil hinawakan niya ang baba ko.
Ramdam ko na ipinaangat niya ito at ipinaharap sa kanya.
"Open your eyes" may awtoridad sa boses nito habang inuutusan akong buksan ang mga mata ko.
Hindi ko nga namalayan na sinusunod ko na pala ang utos niya at ang malalim at malamig na mata niya agad ang bumungad.
Gusto ko na lang matunaw at ilibing ang sarili ko dahil mas bumabangibabaw na sa katawan ko ang pagiging Fangirl ko.
Maga-eye to eye contest ata kami eh, hindi siya nagsasalita, hindi rin ako nagsasalita.
Paano nasa pisngi ko na ang malaki niyang kamay, ramdam na ramdam ko ang paghaplos niya sa pisngi ko.
Naninindig na lang ako balahibo ko sa batok dahil sa ginagawa niya. Gustong gusto ko na sumigaw at maglupasay.
Parang I want to kiss him, huy! Joke.
But seriously kung ibang reader ang nandito sa pwesto ko ngayon, siguradong sigurado hundred percent. Susunggaban nila itong si Samuel, kasi si Samuel na yan eh.
BINABASA MO ANG
Operation, Save The Duke
FantasySamantha. The Independent college student who love to read inside her apartment. On the holiday she decided to read the best selling Historical, Fantasy and Romance Novel entitled as "Sunset with you". Continuing to read the story and reaching the m...