Edited. Happy Reading.
-----Samantha/ Sabrina's Point of View
Narinig ko ang katok mula sa labas. Siguro si amy na yan.
Kanina pa siya umalis pero hanggang ngayon hindi pa bumabalik, magfi-fifteen minutes na siyang wala. Nagugutom na ko, oh.
"Come in" utos ko. Rinig ko lang pagbukas ng pintuan ngunit hindi ko kita dahil nakatalikod ako at nakaharap sa study table ko.
Pinagko-compute ko kasi ang sales ng café ko ngayong month. Ngayon ko lang ito naasikaso dahil din sa mga nagdaang events o what's over na kinakain time ko, kaya nawawalan ako ng time para sa pag-compute sa kita namin.
Well, meron naman akong staff para dito na inassign kapag di ako available pero mas maganda pa rin kasi kung ikaw mismo nakakaalam kung magkano ang kinikita ng negosyo mo, dahil hindi rin maiiwasan ang tukso pagdating sa pera.
Hindi ko pa rin nilingon si Amy, dahil busy pa ako dito sa ginagawa ko at alam niya naman iyon eh.
"I thought you wouldn't let me in."
Napatigil ako sa pag-compute at halos manigas ako sa kinauupuan ko, dahil sa narinig kong malamig na boses.
Lumingon agad ako rito. "Duke" sambit ko ngunit malamig na tingin lang ang isinagot nito.
"Duke Samuel? What are you doing here? Where's Amy? I thought—" sunod sunod na tanong ko rito pero ang ikli at simple lang nang isinagot nito sa akin. Tatlong salita lamang.
"Engagement and kitchen?" maikli ngunit malamig na saad nito.
Ayan na naman sa engagement na yan.
Huminga ako ng malalim at tumingin nang diretso sa mata ng duke."I thought you don't want me to go near at you?" Matapang na tanong ko rito ngunit nanatiling tahimik lang ito.
Sige, nice talk Duke. Keep it up!
"HA-HA-HA-HA Funny" sakastikong saad ko habang nakadiretso pa rin ang tingin sa mata ng duke.
"Cancel the engagement" saad ko ngunit na natili lang itong parang bato habang nakikipagtitigan sakin. I need to act as if I was Sabrina, ganito siya umarte lalo na kapag ginaganon siya ni Samuel.
Wala akong nagawa. Huminga ako ng malalim at umiwas nang tingin sa kanya.
Hindi man lang niya ko sinagot at ang tanging narinig ko lang ang yapak niyang papaalis at ang pagsarado ng pintuan.
Bumuntong hininga na lang ako.
Ano bang nasa utak ni Samuel? Bakit ganito? Hindi ko na alam ang susunod na mangyayari.
Natatakot na ako na baka... Umiling ako dahil sa naiisip ko.
Impossible naman na iba ang tahakin ng storyang ito? Pero possible rin na mangyari iyon.
BINABASA MO ANG
Operation, Save The Duke
FantasySamantha. The Independent college student who love to read inside her apartment. On the holiday she decided to read the best selling Historical, Fantasy and Romance Novel entitled as "Sunset with you". Continuing to read the story and reaching the m...