A/N: Edited, Comment down below. I want to read some feedback.[Samantha/ Sabrina's Point of View]
"My lady, andyan na po ang mag-aayos sa inyo" pagpahayag ni amy sa akin ngunit di ako sumagot at tumango lang.
Andito ako ngayon sa bathtub at nasa paligid ko naman ang mga katulong na nagpapaligo sa akin.
Yeah, that's right nagpapaligo sa akin. Well, this is the perks of being the marquess's daughter. A better life but at the same time worse
But if someone asks me about the better life and the worst. I would say Sabrina's Life is Worst.
Being neglected by your own family and never feeling the love of your own family is frustrating to the point na hahanapin mo sa ibang tao yung pagmamahal na iyon.
Yung tipong ibibitay ka na nga, hindi ka pa nila dinalaw kahit sa huling sandali hindi ka nila kayang bigyan ng atensyon.
Ganon ang buhay ni Sabrina sa nobela, kaya nakakaasar kasi super unfair ng writer sa kanya.
Lahat ng kontrabida sa istorya well except sa kanya nabuhay at hindi binigyan ng death penalty pero siya hindi pinagbigyan.
Although hindi rin maganda yung ginawa niya pero mas worst pa rin yung ginawa nung ibang kontrabida sa Main characters pero siya lang yung kamatayan yung parusa.
Maraming loopholes yung nobela para sa akin, dahil nasa isip ko pa rin yung tanong na bakit hindi pinarusahan ng kamatayan yung main villain ng istorya?
Bakit itinapon lang sila sa isang lugar na malayo? How about Sabrina? Even though she did some bad deeds still she deserves to live but the author wants her to die.
Wala na kaming readers magagawa, alam ko after mamatay ni Sabrina naging issue ito eh.
As in maraming nagulat kasi natapos nila yung nobela tas isang kontrabida lang yung pinatay.
Sinimulan ko ang pagbabasa ng Sunset with you nung pumutok yung issue na iyon.
Na-curious din kasi ako dahil sobrang hype ng story kaya trinay ko basahin at ending naiiyak ako sa malapit ng ending dahil namatay si Samuel.
At ending napahiling pa ako ng hiling na hindi ko alam kung magagawa ko pa ng tama o hindi.
Anyways back to the reality, nasa bathtub pa rin ako at yung isa ay mina-masahe ang ulo ko at balikat tsaka yung dalawa naman ay nasa magkabilaan kong braso, meron din sa paa ko.
Habang may dalawang coin cut na cucumber sa mata ko.
Nare-relax ako sa ginagawa nila kaya hindi ko napigilan na lumalim ang pag-iisip ko sa mga bagay bagay tungkol sa mundong ito.
Gumalaw ako signal na tumigil na sila kaya tumigil sila. Tinanggal ko ang dalawang coin cut cucumber sa mata ko at sumignal ulit sa mga katulong para ihanda ang roba na susuotin ko.
Agad nilang kinuha ang roba at Isinuot naman nila ito sa akin. Inaayos ko ang tayo ko at tumingin ako kay Amy na mukhang naghihintay sa utos ko.
"Let's go and amy lead the way" utos ko kay amy.
Hindi na sumunod ang mga katulong na nagpaligo sa akin dahil hanggang don lang ang trabaho nila.
Tanging si amy lang ang kasama ko ngayon na nangunguna sa paglalakad dahil sa utos ko.
Nakarating kami kung nasaan ang mag-aayos sa akin para sa itsura ko ngayong gabi.
Pagpasok ko palang bungad na ang ngiti nila at pagbati kaya tumango lang ako bilang sagot at umupo sa upuan sa harap ng isang salamin.
"My lady, ano po yung gusto niyong maging itsura for tonight?" Tanong ng nag-aayos habang nakatingin sa mukha ko sa salamin at hinahaplos haplos ang buhok ko.
"I want a simple but elegant look" sagot ko rito kaya ngumiti naman ito.
"Sige po my lady, papamukhain ko po kayong pinakamagandang dalaga mamayang Gabi" sabi nito habang hinahaplos haplos ang buhok ko na parang alagang alaga niya ito.
Ngumiti at tumango na lang ako kaya sinimulan niya na ang pag-aayos, mukhang uso na agad rito ang skin care dahil may inilagay ito sa mukha ko para raw hindi dapat mamuo ang ilalagay niya sa mukha ko.
Tumango na lang ako sa bawat sasabihin niya dahil alam ko naman na kung ano iyon.
Pagkatapos ng pagkahaba haba niyang pagsasalita at pag-aayos sa akin ay sa wakas natapos din.
Nang matapos ay isinuot na sa akin ang gown na pinili ko, mula sa ipinakitang mga gown ni amy.
"Perfect!" natutuwang sambit ng nag-aayos.
Bagay ang make up sa gown na suot ko, mukhang alam na ng make up artist na ito ang gagawin nung sabihin kong simple at elegante lang ang itsurang gusto ko.
Ipinakita siguro rin ni Amy ang damit ko sa make up artist na ito kaya siguro alam niya na, anyways if I'll rate him. I'll give him 10/10.
"You're so gorgeous my lady" Compliment ng kasama nung nag-aayos sa akin.
Huh, small things.
"I'm sure you're the most beautiful lady in the party my lady" gatong pa ni amy kaya napailing na lang ako sa kanila.
Alam ko naman na pero pinapalaki naman nila masyado ang ulo ko.
Grabe naman sila, masyado pa akong maganda.
Syempre maganda talaga ko mana ko sa nanay ko, nevermind na lang sa tatay. Ayoko sa marquess na iyon, mas maganda pa kung sa nanay ni Sabrina siya nagmana.
Tumingin ako sa orasan bago pa mas lumalim ang pag-iisip ko and I think the party will start any minute now.
Kailangan ko ng maghanda pa sa mga taong makikilala ko ngayong gabi na sa nobela ko lamang nababasa.
"Thank you" pagpapasalamat ko na ikinagulat nila pero binalewala ko lang iyon.
Alam ko naman na di sila sanay na magpasalamat si Sabrina pero wag naman nila ipahalata, dahil ako nahihiya eh.
"We need to go my lady" aya ni amy na kinakuha ng atensyon ko kaya naglakad na ako at pinagbuksan ako ng pinto ni amy.
Tsaka namin tinahak ang daan papunta sa entrance ng venue kung saan gaganapin ang party.
I can't wait to see their reaction.
BINABASA MO ANG
Operation, Save The Duke
FantasySamantha. The Independent college student who love to read inside her apartment. On the holiday she decided to read the best selling Historical, Fantasy and Romance Novel entitled as "Sunset with you". Continuing to read the story and reaching the m...