CHAPTER 4

260 10 0
                                    

(A/N: Edited

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(A/N: Edited.)

[Samantha/Sabrina's Point of View]

Tama yan Sam, good decision para hindi ka mapahamak pero mapapahamak din naman na ako kung lalapit din ako sa Ganda duke hindi ba?

Hayst! Bahala na nga basta ma-enjoy ko lang ang buhay ko rito at makita ang gusto kong male lead, okay na ako ron.

Bonus na lang pagnaging kami, char.

Anyway back to the plan, my second plan is to act as if you are Sabrina.

Tama naman para magawa ko ng tama lahat tsaka ano pakinabang nang pagbabasa ko noon ng nobelang ito kung hindi ko kilala ano dislike and like ng villain, lalo pa at masyadong detalyado yung pagsulat ng writer sa nobela.

Kaya literal na malalaman ko lahat, na kahit weakness ng female lead alam ko except sa male leads kasi gusto ng writer na makita sila as strong hero ganon.

Daming eme ni author-nim tapos i-deds lang pala ang male lead, sarap hanapin at kaltukan eh no.

Bago pa ako rito ma-i-stress ay isinulat ko na ang pangatlong plano

The third is to make some money, leave this place, and leave some notes or letters for Sabrina.

Yes, make some money. I love it!

Ang genius ko talaga eh no? HAHAHA money come to mama.

Leave this place kasi para sa safety ng bebe Sabrina at leave some notes para maintindihan niya kung gaano ka-delikado ang buhay niya kung mananatili pa siya sa lugar na ito.

Lalong lalo na ang laki ng possibility na mapahamak siya knowing na kung makabalik man ang dating Sabrina dito sa katawan niya, edi todas tayo niyan kung hindi mag-iiwan ng notes or letter kung bakit siya andon sa lugar na iyon.

Hindi ba? Basta yon na iyon.

Pagkatapos kong maisulat lahat ay tinignan ko pa nang maigi ang papel at ang nakasulat rito, sabay ay ngumisi ako habang nakatingin dito.

This is a perfect plan.

Ang Kailangan ko lang gawin ay magawa at masunod 'tong plano na 'to bago mangyari ang pangyayaring iyon.

Not just to save the Duke but also save Sabrina from death pero ano ba pwede gawin ngayon? Bawal naman akong lumabas kasi based from my memories na nabasa ko sa nobelang 'to ay grounded si Sabrina.

Naaksidente kasi si Sabrina sa timeline na ito tapos ayon grounded, ewan ko nga ba kung ano nasa utak ng tatay ni Sabrina at grounded siya.

Tsaka pak sila kasi oh hindi ba? Si Sabrina na nga naaksidente siya pa ang na grounded sa huli.

Kaya never ko na gustuhan ang character ni marquess eh, siniset aside niya ang biological daughter niya pero pagdating sa bastarda niya ayon fight na fight.

Tatay na tatay ang datingan sa isang anak pero pagdating sa legal na anak ayon parang tangang tatay. Baliw eh no.

Tsaka akala mo naman isang babasaging baso o pingan na tinatago ng mga nanay tas ilalabas lang kung kailan may bisita kung pahalagahan nila yong babaeng iyon pero si Sabrina na naaksidente ito walang dumalaw grinounded pa.

Mapapa-agoy agoy ka na lang talaga sa buhay ni Sabrina. No wonder uhaw sa atensyon at pagmamahal ang gaga.

Hindi ba naman mahal ng pamilya, wala pang nanay sa tabi, habang yung mga kapatid don sa half sister pumapanig.

Kawawang bata mas maganda pa sigurong umalis na lang siya rito. At least wala siyang responsibility na maging novel lady pero wala siyang yaman kaya need muna talagang yumaman siya bago umalis.

Kasi kulang sa aruga ang Sabrina na iyon dito sa kulungang ito, but anyways hindi naman ako si sabrina kaya di ako maapektuhan sa cold treatment nila kasi mas okay pa yon para less hassle at di ako mapagod sa paga-acting or pretend na si Sabrina pa rin ang nasa katawang ito.

Edi easy job ako n'yan, tapos mararanasan ko pa ang yaman at matitikman ko ang masasarap na pagkain rito ng walang iniisip kung kakasya ang pera kong dala.

Tapos makakakita pa ako ng mga gwapo tsaka pwede pa humanap ng ka-forever rito, ang kaso nga lang baka bumalik agad ako kapag natapos na ang misyon.

Wala rin naman kapag bumalik na ako sa mundo kong ewan.

Ibinaba ko na ang hawak na papel tsaka ko ito itinago sa safety box at itinago sa isang secret drawer dito sa table ko.

Kinuha ko ang bell na itinuro sa akin ni Amy kanina kung tatawagin ko siya tsaka ko ito pinatunog.

Agad rin namang kumatok si Amy kaya pinapasok ko ito.

"My lady" tawag ni amy sa akin.

Ipinatawag ko nga pala ito para sa gusto kong ipagawa sa kanyang importante.

Dahil sa oras na ito ay sisimulan ko na ang plano ko at si Amy ang pinaka-una at malakas na pawn ko na gagalawin ko ngayon, upang simulan ang dapat gawin.

Kasi sa case ko ngayon para akong naglalaro ng chess paunahan kami ni kamatayan sa pagkuha kay grand duke.

At syempre as a competitive person, kailangan kong mag take ng risk para mailigtas lamang si grand duke at mapasakin char.

Ayoko pa mamatay no, hindi nga mamatay sa kamay ng isang male lead, mamamatay naman sa kamay mismo ng favorite kong male lead dahil sa kakulitan ko kaya admiring from afar na lang ako.

Okay Sam, focus sa goal. Fighting girl!

"You need to find this person right now and bumalik ka na lang kapag napapayag mo na siya" utos ko rito tsaka ko ibinigay ang papel na sinulatan ko.

Hindi ang plano ah, nakatago na iyon. Safe na iyon at walang makakaalam.

"Roger my lady" agad na sagot nito sa akin at kinuha ang papel sa kamay ko.

"You may go" utos ko rito. Umalis naman agad ito pagkasabi ko.

Nakangisi akong tumingin sa labas ng bintana at nakita ron ang isang ibon na magisa sa langit na lumilipad.


The Drama starts now at sana manalo ako sa laban kontra sa kamatayan na iyan.

Hanggang hindi pa dumadating ang araw at panahon na iyon kailan ko ng matapos agad ang lahat at sa tulong iyon ni Amy.

Kaya Amy, nagtitiwala ako sa iyo na magagawa mo lahat ng utos ko ngayon o sa hinaharap man.

Sana...

Operation, Save The DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon