CHAPTER 17

1.6K 37 1
                                    

Edited

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Edited. Happy Reading.
-----

Samantha/ Sabrina's Point of View

"What?" Gulat na tanong ko ng marinig ko ang sinabi ni Amy.

Tama ba ang narinig ko? Engagement? Kailan pa? Tsaka si Samuel papayag na makipag-engage sa babae?  Lalo na sakin? Luh?

Well, except kay lady everly. Sure na papayag yon, teka bat tunog bitter yon? Ah, wala-wala.

Ang alam ko hinding hindi papayag si Samuel na ma-engage siya, lalong lalo na kay sabrina. Naalam ng lahat na patay na patay sa kanya. Simula nung magkakilala sila.

Iyon ang pinapakita sa nobelang 'to, na kahit anong mangyari. Hinding hindi magugustuhan ni Samuel si Sabrina.

Which is super sakit sa part ni Sabrina.

Pero bakit ngayon. Ano ito? Anong engagement? Ni wala ngang nabanggit sa sunset with you na naging ex-fianceé ni Samuel si Sabrina.

Walang binanggit doon. Ang tanging nabanggit lang doon ay kung paano ka patay na patay ang babaeng 'to at kung  gaano ka laki ang pagka-disgusto ni Samuel kay Sabrina.

Pero bakit ngayon, ganito na? I mean expected ko na maraming mangyayari na hindi nakaayon sa daloy ng storya dahil sa paghimasok ko at hindi pagsunod sa dapat mangyari.

Pero hindi ganito ang inaasahan ko! Hindi ganito! Ang layo nang inaasahan ko na mangyayari kapag dumating ako rito tsaka para naman iyon kay Samuel.

Sa kaligtasan niya.

"Para nga lang ba iyon sa duke o para sa'yo? Para magustuhan ka niya?"

Rinig kong sambit ng babae, dahil sa sinabi niya. Hindi ko na alam kung ano ba ang ginagawa ko.

Para nga ba ito sa misyon ko o para sa'kin? Nahuhulog na nga ba ko ng sobra kahit hindi ko pa masyadong nakakausap o nakikilala si Samuel? Na kahit sa libro ko lamang siya nakilala at hindi sa personal. Hulog na hulog na ba ako?

"Alalahanin mo sam, andyan ka upang itama at iayos ang dapat hindi nangyari sa kwentong yan. Wala dapat damdamin ang masasangkot sa misyon mo"

Dahil sa mga katangang iyon para akong nagising sa katutuhanan na. Andito lamang ako upang iligtas si Samuel. Hindi ako maaaring mahulog o mahalin man siya.

Kahit anong mangyari kailangan ko pagtagumpayan ang misyon ko, upang makabalik ako sa tunay na mundo.

Kung saan ako nabibilang.

Hindi rito ang lugar ko. Hindi ako dapat narito, narito lang ako upang tumulong at wala nang iba pa.

Walang damdamin ang dapat mainvolve sa misyon na 'to. Kahit aminin ko pa sa sarili ko na mahal ko na siya, na nainlove ako sa kanya nung isa palang akong magbabasa nitong nobela pero hindi pwede isa itong misyon.

"My lady" natauhan ako sa pagtawag ni Amy sa'kin. Blanko at walang ganang tinignan ko ito.

"Paki sabi masama ang pakiramdam ko ngayon at nais ko na magpahinga" walang ganang saad ko.

"Ngunit my lady—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Amy at agaran ko nang isinara ang pintuan ng kuwarto ko.

Mula sa labas rinig ko ang buntong hininga ni Amy at ang pagsabi nito ng salitang 'get well soon my lady'.

Hindi ko na ito pinansin at imbis na sa kama ang diretso ko ay dumiretso ako sa veranda, upang magpahangin at makapag-isip isip.

Malamig na simoy ng hangin agad ang sumalubong sa pagapak ko palang sa veranda.

Madilim at nagniningning na mga bituin ang tanging nakikita ko nang tumingala ako sa langit.

Gamit ang sinag ng buwan nakita ko ang papaalis na karwahe na sa tingin ko ay ang duke ang sakay.

Mula rito sa aking kinatatayuan ay biglang nagtindig ang balahibo sa katawan ko nang mahuli niya pa rin ang mata ko kahit nasa malayo na siya.

Ramdam ko ang lamig at seryosong titig niya na nakakapanghina sa pakiramdam at tuhod ko.

Kung hindi nga lang ako napahawak sa railings ng veranda baka natumba na ako sa uri nang titig niya.

Nakakalusaw at nakakabaliw na para bang dinadala ka sa ibang panig sa uri nang tingin na iyon.

Ang nararamdaman kong ito ay kailangan nang matigil.

Ngunit, papaano? Kung hindi pa nga lang niya ko kilala ay mahal ko na agad siya? Ipinikit ko ang mga mata ko.

At alam ko na sa gabing iyon ay tuluyan na talagang nagbago ang takbo ng istorya at wala na akong magagawa pa ron, dahil iyon na ang nakasaad sa tadhana at hindi ko na maaring baguhin pa.

Hindi ko na alam ang susunod na mangyayari sa kwentong ito.

Lalong lalo na ngayon na alam kong hindi na ang nararamdaman ni sabrina ang dahilan kung bakit parang gusto ko ang duke.

Dahil sarili ko ng nararamdaman ito at hindi pwedeng mas lumala pa ito.

Pagkagising ko palang sa umaga ay diretso agad ako sa paliguan o sa bathroom.

Naghilamos ako at agaran kong sinampal ang sarili ko, upang mas magising ako sa katutuhanan.

Na mali ito, mali ang nararamdaman ko.  Kailangan ko tatagan kung gusto ko pa bumalik sa mundo ko.

Kaya ko 'to! Alam kong bukas o sa makalawa ay wala na akong katiting na mararamdaman para sa kanya o kahit sino man na karakter sa nobelang ito!

Hindi ko maaaring guluhin ang nakatakdang mangyari! Ang kailangan ko lang na gawin ay ang ayusin ang ibang parte ng kwentong ito.

Iyon ay ang mabuhay lamang ang duke at maging maayos ang lahat.

Kahit ayaw ko sa female lead ng nobelang ito kailangan ko pa rin na siguraduhin na makukuha niya ang happy ending ng love story niya.

Nang makaayos na ako ay lumabas na ako sa paliguan at sakto ang pagpasok ni Amy.

"My lady? Bakit hindi niyo po ako tinawag? Edi sana natulungan kita sa iyong pagaayos, nako naman my lady" problemadong saad nito na parang walang nangyari kagabi at parang hindi ko siya sinungitan.

"Ayos lang" simpleng saad ko at ito na naman si Amy. Ayaw na naman magpatalo.

"Nako. My lady, hindi po ayos iyon" reklamo niya habang nakapamaywang pa.

Parang nanay naman itong si amy, kung sabagay hindi siya sanay na hindi nagpapatulong si Sabrina sa kanya.

Siguro isa rin ito sa kailangan kong ayusin dahil kinakailangan ko palang magpanggap na ako si Sabrina, kaya dapat kung ano ang ginagawa niya ay gawin ko rin. Well except sa pagiging maldita niya.

"Stop" ani ko at sinenyasan pa siya kaya natigil naman si Amy sa pagdadakdak niya at itinikom ang bibig.

"Prepare my breakfast. I'm going to eat here in my room" utos ko.

Agad naman itong tumango. Di na ito nagtanong at umalis na sa kuwarto upang ikuha ako nang makakain.

Another day, another acting.

Operation, Save The DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon