Edited, so ayon wag ko na pala dagdagan HAHAHAH Happy Reading.
------Samantha / Sabrina's Point of View
Nang makauwi ako ay dali-dali akong pumasok sa kuwarto ni sabrina.
Hindi ko gusto ang pagtitig ni Samuel, kahit isa pa siyang Grand Duke ang creepy niya pa rin. Seriously? Until now feel ko pa rin ang tinginan niya tsaka naninindig pa rin ang balahibo ko.
Grabe rin ang tibok ng puso ko, na hindi ko maintindihan kung bakit ito nagkakaganito. Wala naman atang sakit sa puso si sabrina.
Healthy naman ata itong namatay. Sa katangahan naman siya namatay hindi sa kalusugan niya.
Lang yang sabrina to. Hinayaang mamatay ang sarili nang di inaayos ang mga gusot niya. Ito tuloy, ako yung nahihirapan at naglilinis ng kalat niya.
Buti na lang maganda siya kung hindi baka kanina ko pa sinabunutan at nijumbag ang katawan na ito tas lalabas ako rito ako na maghahanap ng katawan na papasukan ko.
Ayos rin, yon kung posible. Eh sa imposible nga na mapagtagumpayan ko mission ko. Yon pa kayang humiwalay sa katawan na'to.
"Ayaw mo ba sa katawan na yan samantha?"
Rinig kong may bumulong sa tenga ko. Hinawakan ko agad ang tenga ko.
Luh? Sino yon? Gagi baka na eengkanto na 'ko? Hala o baka iyong naglagay sa akin rito.
"Hindi ako engkanto gaga" rinig ko na bulong ulit kaya tinakpan ko ang tenga ko.
Please lang kung siya man iyon, pakyu na lang sa kanya.
"Luh? Di kita rinig. Wala ako narinig. I'm blind" saad ko habang tinatakpan ang tenga ko.
Siguro kung may makakita sa'kin dito. Aakalain na baliw ako sa pinaggagawa ko. Ikaw ba naman kumausap sa kawalan. Eh sa kawalan naman talaga kinakausap ko.
"Mukha ka talagang tanga, tanggalin mo takip mo sa tenga samantha. Naririnig mo ko ngunit hindi sa tenga kung hindi nasa utak mo" saad nito kaya sinunod ko na rin ito at tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip sa tenga ko.
"Ano bang kailangan mo? At nasaan ka? Bakit naririnig kita pero hindi sa tenga?" Sunod-sunod na tanong ko rito.
"Hinay-hinay lang sa pagtanong. Una nais lang kitang paalalahanan" saad nito sa'kin.
Paalalahanan ng ano? May kailangan ba ko malaman?
"Nang ano naman?" Tanong ko sa kawalan.
"Magiingat ka sa misyon mo, hindi dahil nasa kapahamakan ka kung hindi dahil sa nararamdaman mo. Alalahanin mo na ikaw si samantha at hindi si sabrina. Hindi mo rin maaaring angkinin ang hindi para sa iyo. Kung tatanongin mo kung nasaan si sabrina. Naririto siya sa taas kasama ko at ang katawan mo ay nakaratay sa higaan mo."
BINABASA MO ANG
Operation, Save The Duke
FantasySamantha. The Independent college student who love to read inside her apartment. On the holiday she decided to read the best selling Historical, Fantasy and Romance Novel entitled as "Sunset with you". Continuing to read the story and reaching the m...