CHAPTER 10

199 9 0
                                    

Edited, Happy Reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Edited, Happy Reading.
-----

Samantha/ Sabrina's Point of View

"L—let's go amy" Shit. I stuttered but what should I do? Hindi pa ito ang oras para magkita kami. Oh my god.

Nagpapanic na ako kung ano ang gagawin kong pang iiwas, lalong lalo pa't wala akong makitang tataguan.

Dahil sa kahit anong sulok ata rito sa lugar na ito ay magkakatago pa rin kami.  Pagmina-malas nga naman.

"Amy" nagpapanic na tawag ko ulit kay amy at nang hindi ito nagsumagot ay tsaka ako lumingon.

Halos mapaatras ako sa taong sumalubong sa akin. Hindi ko enexpect na nasa likod ko na pala siya.

The Duke is behind me!

Malamig na tingin ang sumalubong sa akin, natulala ako ng ilang segundo.

Bago nag-sink in sa utak ko na nasa harapan ko na ang lalakeng pinagpapantasyahan ko sa mundo ko.
I clear my throat before I speak.

"Ehem, G-greetings to the Grand Duke" pagbati ko at yumuko pa ako bilang pagbigay galang sa kanya.

Oh shit, why now? Nasaan na ba si amy? Nasaan ang gaga 'yon, bat ngayon pa siya nawala kung kailan kailangang kailangan ko siya.

Hindi ako mapakali na kaharap ko si Samuel, grabe nakaka-intimidating ang aura niya. Feel ko babagsak ako anumang oras dito dahil sa presensiya niya pa lang.

Hindi pa iyan nagsasalita ah, paano pa kaya kung magsalita edi matu-tumba talaga ko niyan.

"Greetings too, Lady sabrina" malamig na tugon nito.

Malamig ang tingin niya pa rin sa akin, parang hinuhukay ang kaloob-looban ko sa tinginan niya.

Napakalalim at sobrang lamig. Unti na lang kailangan ko na ata magsuot ng sweater at scarf tsaka gloves dahil sa lamig niya tumingin.

Nakakapanindig balahibo, mukhang totoo ang sinasabi ng iilan na side characters dito sa nobela na nakakatakot nga si Samuel.

Tipong tatabihan ka pa lang pero feel mo na dinudurog ka na, kahit wala pa siyang ginagawang masama sa iyo. Ganon ang atake ng presensiya sa akin.

Natauhan na lang ako nang biglang magsalita si Samuel gamit ang malamig at nakakapanindig balahibo niyang boses.

"Are you done?" Malamig na tanong nito sa akin.

Nakatulala na pala ako sa kanya ng hindi ko namamalayan, my gosh nakakahiya but still okay na rin ito para malaman niya na may gusto pa kuno si sabrina at para ma-execute ko ang plano ko na iligtas siya sa kamatayan niya.

Pagkatapos niyang sabihin yon ay nilagpasan niya ako na para akong hangin lang na nasa harap niya.

Ouch naman, hindi man lang ako pinasagot sa tanong niya, pambihirang Samuel ito. Mabuti na lang at hindi si Sabrina ang nandito sa katawang ito.

"Excuse me, Grand Duke samuel" tawag ko sa atensyon nito at ramdam ko na tumigil ito sa paglalakad.

Humarap pa rin ako rito kahit nakatalikod pa ito sa akin, hindi rin naman ako mage-expect na haharap siya dahil alam kong hindi siya haharap pero ita-try ko pa rin siyang tanongin.

Baka lang naman nakita niya ang Amy na yon, kung saan nagsusuot.

"Did you see my personal maid?" Tanong ko pero ang walang hiya nga naman, di man lang ako sinagot dahil naglakad na ulit siya.

See, tama ako hindi niya rin naman sasagutin pero bat ko pa nga ba tinanong.

Gulo ko naman, pati ako naguguluhan sa sarili ko. Siguro, kulang lang ito sa tulog lalo na di ako natulog kanina kakaayos nila sa akin.

Ano ba yan?! Nasaan na ba si Amy. Sa paghahanap ko na tagpuan ko si Amy na nasa gilid at parang kinikilig na ewan at nag daydream pa talaga siya.

Kung ano ano na naman nasa imahinasyon nito, kaya siguro mas naging malala pagka-gusto ni Sabrina dahil ginagatungan din nitong gagang ito.

"Amy" tawag ko sa atensyon nito, upang matigil ang pag-daydream niya dahil nagmumukha siyang tanga riyan sa gilid.

"Yes, My lady?" Tanong agad nito na halata pang kinikilig.

Well, I can't blame her since she's the top shipper of Samuel and Sabrina. Kung hindi ko lang alam na villain pala si Sabrina, I think I will also agree with her ship. Bagay na bagay kasi sila.

No wonder, sila ang shini-ship ng ibang may galit sa female lead. Ewan ko ba, bat hindi sila ang ginawang main.

Akala ko nga dati si Samuel and Sabrina ang Main Character, dahil na rin sa mga post na naliligaw sa news feed ko noon.

But since sinimulan kong basahin ang Sunset with you and the Female lead got introduce nakalimutan ko na yung akala ko na yon para mabawasan ang dissapointment ko sa characters at tinuloy na lang ang pagbabasa ng nobela.

But for now, I know that the original story flow has already changed starting here or maybe starting when I came here in this world.

And I don't fucking know. What will happen to me? Argh, this is so... Annoying.

"Let's go back to my room," I said and started walking away from that bullshit birthday party.

Na puno lang naman ng mga plastic at manggagamit na mga tao, no wonder why maraming napaparusahan na kabilang sa noble at ang dahilan lang naman ng mga 'yon kung bakit sila umabot sa puntong ganon ay dahil sa pagta-traydor sa kanila ng mga kauri nila.

Sa mundong ito, kailangan mong maging tuso, dahil kung hindi ka tuso sasagasaan ka nila hanggang sa hindi mo namalayan na wala na pala sa leeg mo ang ulo mo.

Uso rin dito ang paggawa ng kuwento upang madiin ka sa salang, hindi ikaw ang may gawa.

Uso ang arranged marriage sa mga batang babae na tumuntongtong sa edad na 16 years old.

Masyado pang bata pero para sa kanila nasa tamang edad na para mag-asawa pero since 18 years old na si Sabrina at single pa rin siya, dahil na rin nasa mataas na posisyon ang kanyang ama.

Hindi rin ito masalungat ng iilang kabilang sa aristocrat dahil na rin ang tanging pwede sumalungat nito ay ang mas nakakataas sa Marquess at iyon ang Grand Duke.

Hindi rin pwede makialam ang emperor dahil hindi niya sakop ang lupain kung nasaan kami, sa madaling salita parang kabilang bansa ang nasasakupan ng emperor at ang namumuo sa bansang ito ay ang Grand Duke na hindi pa ata gusto gawing empire itong nasasakupan niya.

Bago pa ako makaalis ng tuluyan sa kuwartong iyon, nilingon ko ulit ito at malalim na bumuntong hininga tsaka ako tumalikod upang ipagpatuloy ang paglalakad ko habang nakasunod lamang sa akin si Amy na naguguluhan sa aking inaasta.

Operation, Save The DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon