Edited, Happy Reading.
------
Samantha/ Sabrina's Point of View
Hah, what a great day. Ang presko talaga ng hangin, lalo na kung malaya ka na.
Mukha akong bata na ngayon lang pinalabas at pinalaro at nae-enjoy ko ang tanawin dito sa labas. Ang ganda rin kasi talaga nitong garden nila sabrina at sobrang ganda rin nung lawa kung sana ako natagpuan.
Yung itsura ng lawa parang may mga diyamanteng nakakalat roon at sobrang kumikinang talaga parang ansarap tumambay roon.
Ang kaso itong nakasunod sakin over protective. Huwag raw ako lumapit sa lawa dahil malas raw ito sa akin at baka raw mahulog na naman ako.
Sus, dati iyon tsaka hindi rin naman sadyang magpahulog ni Sabrina eh.
Naisip ko na rin na kung narito ako sa katawan ni sabrina. Nasaan yung kaluluwa ni sabrina?
'In peace' parang may hangin na bulong sa akin at iyon ang nadinig ko.
In peace, huh? Sino ba nasa katawan ko ngayon? Wala! So everything should be back into their right place yung deserve talaga nila at para na rin makaalis na ako rito.
Hindi ko naman sa minamadali lahat kasi may plano pa naman ako mag-enjoy, ang kaso nga lang paano ang buhay ko sa mundo ko?
Paano yung pag-aaral na pinaghirapan ko ng maraming taon? Edi masasayang lang ganon?
Napalingon ako nang magsalita si Amy na nasa likod ko lang at binabantayan ang galaw ko.
"My lady, it's already lunch time" paalala ni Amy.
"Let's go then" sabi ko at naglakad na kami patungong kusina at surprisingly nandito sila lahat na parang ako na lang ang hinihintay.
"Finally, andito ka na" sabi ni Sean. Sabrina's second older brother.
Sean, ang pinaka-protective pagdating sa half-sister niya at mas tinuturing pang kapatid ang half-sister niya kasya kay Sabrina. Isa rin sa tuso sa magkakapatid pero wala eh mas tuso pa rin si Sabrina.
"Sit down sabrina" malamig na utos ng daddy ni sabrina kaya umupo na lang ako sa tabi ni sebastian at kaharap ko ngayon ay si lendra na pasimple na inirapan ako ng makita ako nito.
"Let's eat" sabi ng tatay ni sabrina at sumenyas pa ito kay butler na dalhin na ang mga pagkain.
Madami. Madaming pagkain sa hapag tsaka nakakatakam at mukhang masasarap dahil sa itsura at amoy nila.
Dahil nagpapanggap akong si sabrina ay elegante akong kumain pero pagsubo ko palang nung karne ay gusto ko na itong iluwa.
Nyeta, hindi pa luto! Ano ba yan marunong ba sila magluto? Simpleng karne di maluto nang maayos. Sunod ay tinikman ko ang kanin baka ito okay pa pero nagkamali ako.
Isa rin di rin masarap. Mukhang luto nga pero ampangit ng lasa. Mas masarap pa luto ng kaibigan ko eh. Mas edible pa yon kaysa rito.
Para di nila mahalata ay pinagtiisan ko na lang ang pagkain, kahit gusto ko na ito iluwa.
Sa awa ng Diyos ay naitawid ko ang pagkain na iyon habang hindi ito nginuguya, kumbaga isusubo ko tas diretso lunok.
Kaya ayon muntikan tuloy ako mabilaokan, buti na lang hindi na tuloy.
Ngayon andito ako sa café na ipinatayo ko. Hindi pa ito bukas pero okay na ang lahat. Si Amy at ang kapatid nito na nag-ngangalang Aren ay narito rin, dahil gusto raw nila matikman ang luto ko.
Kaya ito ako. Nagbe-bake ng buko pie. Which is hindi pa rito naiimbento, in short ako palang ang magluluto nito rito.
Puro kasi tinapay lang ang nag-e-exist dito na isinumulat ng manunulat nitong nobela.
Ni-wala ngang milktea, frappe at fruit tea rito eh, wala ring softdrinks kaya ending iyon na lang naiisip kong ilagay sa menu.
Pati yung mga sikat na kape sa mga coffee shops wala rin eh, sadyang purong kape at tea lang talaga ang nandito.
Siguro different kinds of tea, meron dito like tea na gawa sa flowers, o tea na gawa sa dahon na di ko alam kung anong klaseng dahon, basta kung ano anong tea pero hindi katulad nung sa mundo ko.
Hinintay ko lang na maluto ang pie kaya habang hinihintay ko ito ay gumagawa ako ng black coffee.
Para kapag kumain sila ng pie at sabayan ng black coffee ay malalasap nila ang kalangitan.
Nang tumunog na ang oven ay kinuha ko na ang buko pie at tinanggal ito sa nilalagyan nito tsaka ko ito pinag-transfer sa isang malinis na plate at nag-slice ng dalawa tsaka inilagay sa dalawang platito.
Nilagyan ko rin ito ng fork para matikman na nila ang pie.
Agad naman nilang tinikman ito at halos kuminang ang mata ni Amy at Aren.
"My lady this is so delicious" puri nito at sumubo pa kaya napailing na lang ako.
"I agree my lady" saad naman ni Aren na kumakain rin tulad ng kapatid niya.
I smile at them at tsaka ko inilapag sa harap nila ang black coffee.
"This is a pure black coffee without any milk" paliwanag ko nang makita ko ang kaguluhan sa mata nila.
Tumango sila at tinikman rin ito, nakatingin lang ako at naghihintay sa reaksyon nila at katulad ng ene-expect ko ganon ang reaksyon nila.
Yung lasa kasi ng buko pie ay may pagka-maalat at matamis, ang maalat ron ay ang crust at ang matamis ay ang palaman na buko.
Ang sabi ng teacher ko noon sa bread and pastry production ay dapat talaga ganon ang maging lasa para kapag kinain na ay dapat maghalo ang pagka-maalat at tamis ng isang pie para masarap.
"Wow! My lady I think I will never eat dinner later" saad ni Amy at sumangayon naman si Aren.
This two, alam ba nila na mas may masarap pa rito sa luto ko? But hindi ko naman mapagkakaila na masarap luto ko.
Mana ko sa nanay ko eh, masarap magluto at tsaka dati akong bread and pastry production at cookery student nung TLE namin sa Junior highschool.
Kaya natutunan ko kung paano gumawa ng tinapay, cake at mga pie's tsaka paano magluto ng iba't ibang dish at kung ano ano pa and that's all thanks to my teachers, really I learned a lot from them.
Lahat ng alam kong dessert at drinks ay ilalagay ko rito sa café ko. I think I already smell my success.
BINABASA MO ANG
Operation, Save The Duke
FantasySamantha. The Independent college student who love to read inside her apartment. On the holiday she decided to read the best selling Historical, Fantasy and Romance Novel entitled as "Sunset with you". Continuing to read the story and reaching the m...