CHAPTER 9

1.8K 51 0
                                    

Edited, Happy Reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Edited, Happy Reading.
-----

Samantha / Sabrina's Point of View

Nakarating kami ni Amy sa harap ng isang engrandeng pintuan at may lalake sa gilid nito na hinihintay na lang ata akong tumango upang ianunsyo niya na ang pagdating ko.

Nilingon ko si Amy at pinalapit sa akin, agad naman itong lumapit sa akin.

Pinanatili ko ang elegante kong galaw at ibinulong ko kay Amy ang nais kong sabihin rito.

"Stay close Amy" maikli ngunit diretso kong bulong rito at agaran namang tumango si Amy sa sinabi ko.

"Roger, my lady" sagot nito kaya ngumiti ako at pinabalik na si Amy sa pwesto nito at iyon ay nasa likod ko.

Lalong lalo pa't puro aristocrat ang mga bisita, unting pagkakamali mo lang ay pagtsi-tsismisan ka na ng mga babaeng nandito. Gagawa pa sila ng isang kuwento para mas mapasama ka sa mata ng lahat.

Wala ritong social media, tanging d'yaryo lamang ang nagsisilbing tagapaghatid balita sa mundong ito at ang tsismis ng mga walang magawa sa buhay.

Sila ang tinatawag na sinaunang chismosa. Bago pa maglakbay ang isip ko ay tinaguan ko na ang tagapag-anunsyo.

"Lady Sabrina Anately" sigaw ng lalaking tagapag-anunsyo ng mga pangalan ng mga dumating dito sa birthday party ng nakakatandang kapatid ni Sabrina.

And here we comes. Kitang kita ko ang pasimpleng bulungan ng mga babae habang gamit ang mga pamaypay nila.

See, ganyan sila kung mag-tsismisan. Patakip ng pamaypay pa, halata namang nag-tsismisan. Gusto ko mang iikot ang mga mata ko ay hindi ko magawa dahil maraming nakatingin at nanonood sa aking mga galaw at naghihintay na magkamali ako, upang may mapuna sila sa akin.

Nasa likod ko lamang si Amy na nakasunod sa akin at nagmamasid sa paligid, lalong lalo pa't sikat din dito ang assassin at bandido na babayaran, upang manggulo sa isang kasiyahan.

Nagsimula akong maglakad papalapit sa kapatid kong si Sebastian or let just say sa kuya ni sabrina.

Ayaw ko man itong lapitan pero kailangan baka kasi isipin nito na ang weird ko at di ako lumalapit tapos biglang manghinala, edi malalagot pa ako niyan pero speaking of...

Wala naman silang magagawa kung malaman nila na hindi ako si Sabrina, bahala na nga sila basta hindi nila ako pinapahirapan at sinasaktan, goods kami at di ko sila guguluhin.

Nang makalapit ako, agad akong bumati kay Sebastian.

"Happy Birthday brother" sambit ko na may paskil na plastik na ngiti sa labi ko. I still need to act!

Kahit wala akong pake kung mahuli ako pero ayoko rin mahuli no, but anyways hindi rin naman ako mahihirapan dito sa isang ito since wala lang naman itong pake sa akin.

Literally.

Tango lang ang isinagot nito kaya nagsalita ulit ako para makaalis na rito sa harap niya na di matawag na rude kuno ng mga nanonood o pasimpleng nakikinig sa sinasabi ko.

Pero bago ako umalis kailan ko munang ibigay ang regalo ko, upang walang masabi ang mga chismosa sa paligid na nagkakalat.

"I have gift for you brother" sambit ko at sininyasan si amy na ibigay sa akin ang regalo.

Kinuha ko ito at nakangiting ibinigay ito kay sebastian, well happily kinuha naman nito ang regalo at ibinigay sa butler na nasa likod nito.

Mukha rin siyang walang pake sa regalo ko kaya napa-ikot na lang ako ng mata sa loob loob ko, masyado talagang cold ang isang ito. Parehas sila ni Samuel.

"Sorry for my rudeness but I need to excuse myself brother, happy birthday again" paalam ko at umalis na sa harapan ni Sebastian, kahit hindi pa ito nagsasalita.

Wala rin naman masasabi ang mga chismosa dahil alam naman nila na hindi ako sasagutin ng isang iyon, kaya okay na rin na hindi ito sumagot sa akin.

Halos mapahawak ako sa dibdib ko nang makaalis ako sa harap ni Sebastian kasi di man halata pero ambilis nang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

I forgot na magaling pala iyon mag-observe sa paligid niya kaya siya ang heir ng house of Anately, dahil sa akin niyang talento kuno.

Well, magaling naman talaga siya mag-manage at magaling siyang mangilatis pero sa magkakapatid ang pinakatuso ay si Sabrina, sumunod siya tsaka ang sunod ay si Sean.

Kaya nga dahil sa pagiging tuso ni Sabrina, hindi tuloy niya namalayan na nagiging careless na siya at na ki-carried away ng emosyon niya.

Ayon tigok tuloy siya sa kalagitnaan, tanga rin.

"My lady okay lang po ba kayo?" Natauhan ako sa tanong ni amy na nasa likod ko pa pala kaya nilingon ko ito at nag-ayos ako nang tayu.

Ibinalik ko rin ang eleganteng postura ko habang nakaharap ako kay Amy.

"Yes, I'm okay" tugon ko at naglakad ako para maghanap nang mauupuan. Hirap na hirap na ako sa heels na suot ko.

Nasaan ba ang mga upuan dito? Bakit wala kahit isa? Ano nakatayu lang kami buong party? Walang uupo? Ganon?

Oh, I forgot sanay nga pala ang mga babae dito ng ganitong party kaya okay lang sa kanilang wag umupo at palaging nakatayu. Kainis.

"My lady" tawag ni amy sa atensyon ko at agad akong sumagot sa pagtawag niya.

"Hmm..." Bigkas ko habang tinatanaw pa rin ang paligid kung mayroong upuan sa gilid at kung swene-swerte ka nga naman may nahanap din ako sa gilid.

"Am-" hindi ko na tapos ang pagtawag ko sa pangalan ni Amy dahil sa anunsyong narinig ko mula sa engrandeng pintuan.

"From the House of Delhi, Grand Duke Samuel Delhi!" Sigaw nito na halos mabingi ako dahil sa gulat.

He came? Akala ko hindi siya mahilig sa ganitong okasyon? Bakit siya nandito?

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko, habang sini-sink in ko pa rin sa utak ko ang narinig.

Oh shit, why now? Hindi ito ang araw na magkikita sila ni sabrina o let just say kami!

Hindi dapat ngayon. Oh my gosh, I need to hide!

Pero saan ako pwede magtago nang hindi niya nakikita? Saan ba pwede? Paano ba ito, jusko naman hindi ko pa nae-enjoy ang mga pagkain dito tapos problema agad ang bumungad.

Saan ako nito magtatago para hindi niya ako makilala? Paano na ito?

Operation, Save The DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon