Edited, Happy Reading.
------Samantha/ Sabrina's Point of View
I'm here in my room, I just came back from fixing some things in my café and I'm tired from all the things that happened today.
Nahiga ako sa kama at tumunganga sa kisame. Lahat ng nangyari ngayong araw ay sobrang nakaka-drain. Huh, ganito pala pakiramdam ng kailangan mong mag-adjust sa buhay na hindi mo nakasanayan, napa-iling na lang ako at idinikit ko ang dalawang palad ko sa magkabilang pisngi ko at dahil na rin sa pagod hindi ko namahalayan na nakatulog na ako.
Nagising ako sa katok mula sa labas ng pintuan. Tunog nang mga huni ng ibon at ang sinag ng araw ang tumatama sa mukha ko.
Napabangon ako dahil sa katok at sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kahit hindi pa ako gising na gising ay umayos na ako nang upo sa kama tsaka ko inayos ang sarili ko.Sinigurado kong walang laway sa pisngi ko at thank god hindi naman ako naglaway.
"Come in" utos ko at bumungad agad ang naka-ngiting si Amy sa akin. Umagang umaga ang saya nito ah, maganda siguro paggising nito pwede ako hindi. Kulang pa rin tulog ko at antok na antok pa ako.
"My lady! Good Morning!" Masiglang bati nito sa akin kaya tamad na tumango lang ako sa kanya.
"I will ready your bath my lady" ani nito at tumango na lang ako, dahil wala pa ako sa mood makipag-usap kahit kanino.
"I'm so excited" pakanta kanta pa nito kaya napakunot ako ng noo sa sinabi niya na kahit inaantok at tinatamad pa ako ay tinanong ko ito.
"Why?" lumingon ito sa akin dahil sa tinanong ko at nanlaki pa ang mata nito na tila ay gulat na gulat na di makapaniwala sa sinabi ko. Ang OA naman ng reaksyon.
"Did you forgot my lady?" Tanong nito sa akin at bahagya pa itong lumapit sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"About?" Tanong ko sa kanya pa balik, kita ko ang dissapointment sa mukha niya dahil sa tanong ko sa kanya.
Ano naman kinaka-dramahan nito? May nakalimutan ba ako ngayon? Birthday niya? Birthday ko? Parang wala naman atang may Birthday ngayon eh.
Napatitig pa sa akin ng matagal si Amy at kalaunan ay napabuntong hininga na lang dahil tinignan ko lang siya.
"Today is the opening of your café, my lady" paalala nito kaya napatawa naman ako at tumango.
Shux, I forgot. Ngayon nga pala ang opening ng café ko na matagal na atang hinihintay ni Amy.
Ilang weeks na rin lumipas nung matikman nila yung lahat ng bago ko kunong imbentong pagkain.
Medyo okay naman ang reaksyon nila nung natikman nila 'yon, sarap na sarap nga sila eh.
Halatang gusto pa magpagawa pero nung naalala na ako ang gumawa nahiya bigla eh.
"Okay, go on. Do your job" utos ko rito para hindi na mapahiya pa lalo sa harap ni Amy, lalo na ako yung owner pero di ko alam na ngayon na pala iyon. Mabuti nga at agad naman itong tumalima kaya nakahinga ako nang malalim..
Nang makaalis ito sa harap ko ay tumayo ako at inayos ko ang silk robe na suot ko.
Naglakad ako papuntang teresita ng kuwarto ko. Malakas na hangin at hindi mahapdi na sinag ng araw ang sumalubong sa akin pagapak ko palang rito.
Tanaw ko na ang mga abala na mga kasambahay ng mansyon na ito.
"My lady, okay na po ang papaliguan niyo" rinig kong sabi ni Amy, kaya naglakad ako papasok sa loob at dumiretso na sa bathroom.
Agad akong tinulungan ni amy sa pagtanggal ng damit ko at nagbabad agad ako sa bathtub.
Ramdam ko agad ang maligamgam na tubig na dumikit sa balat ko at na amoy ko agad ang kung anong scent na niligay ni Amy sa paliguan ko, nanunuot ito sa ilong ko at sobrang bago. Halatang isang klaseng bulaklak at dahil doon ay nare-relax ako.
Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid ko. Alam ko na nagsipasukan na ang mga ibang kasambahay.
Hanggang may naramdaman akong mga kamay na humihilot sa balikat, noo braso at mga kamay ko.
Relaxing ang umaga ko at kailangan ko ito dahil mahaba haba na namang araw ang gugulin ko para matupad ang mga plano na ginawa ko.
----
Someone's Point of View
"Sir..." Narinig kong tawag ng aking butler, pagkatapos nitong isabi sa akin ang mga ginagawa ngayon ni Sabrina.
Dahil sa mga nagdaang araw ay tahimik siya at wala siyang ginagawang gulo na makakakuha sa atensyon ng lahat.
Parang ngayon ay tahimik siya kung kumilos, walang ingay at walang atensyon na kukuha sa lahat.
Is she changing for the better?
"Is that what she's doing?" I coldy ask my butler.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko dahil knowing her, but if it's true then...
Napangisi ako sa naisip ko kung totoo nga iyon.
"Yes" he said. Really huh?
Hmm... This is interesting, Lady Sabrina.
----
Samantha/ Sabrina's Point of View
"My lady, everything is going on your plan. Andaming tao ang curious sa pagkain na nasa menu natin" pagbalita sa akin ni amy.
Nandito ako sa office ko kung saan asa labas lang ang busy ngayon na café ko.
Unang araw palang at bagong bukas palang itong Café pero madami na agad ang tao sa loob tsaka may iba pa ngang nakapila sa labas, na nagbabaka sakaling mayroon pang-upuan rito sa loob.
Kaya tuloy wala akong nagawa kung hindi ipaayos na yung second floor na sa sunod na week ko pa sana bubuksan kung sakaling mag-boom ito, kaso unang araw palang grabe na ang customer.
Andali talaga lumaganap ng chismis dito sa lugar na ito eh. Wala pang isang araw alam na ng lahat.
May nabalitaan pa ako kay Amy na kahit yung sa kabilang empire gustong pumunta rito matikman lang ang mga nasa Menu.
Maganda siyang balita for me pero napapa-overthink din ako na baka makialam si Samuel, dahil dito at ipag-utos na dalhin sa kanya kung sino may-ari nito.
Susko, nakakatakot pa naman iyon.
"That's good to hear" sabi ko na lang habang sumisipsip sa mainit na tea na hawak hawak ko para kumalma ang utak ko kaka-overthink.
Hindi naman siguro siya makikialam, unless kung yung ibang kasali sa aristocrat mainggit at mag-request kay Samuel pero bahala na sila at least ako kumikita.
Easy money, ey, ey.
"If this thing will continue, everything will be okay" I said and Amy just nod as if she's agree of what I've said.
"Anyways can you give me my paper" utos ko at itinuro ko pa kung saan ang papel.
Madali naman itong kinuha at ibinigay sa akin ni amy.
Tinignan ko ang papel kung may naka-schedule ba ako na gagawin ngayong araw bukod dito sa pananatili sa office ko rito sa café ko.
Sa pagbabasa ko sa schedule na hagilap ko ang nakasulat sa ikalawang schedule at huling schedule ko ngayong araw.
A party host by The House of Everly. The house of the Female lead.
What the fuck? Seriously?
BINABASA MO ANG
Operation, Save The Duke
FantasySamantha. The Independent college student who love to read inside her apartment. On the holiday she decided to read the best selling Historical, Fantasy and Romance Novel entitled as "Sunset with you". Continuing to read the story and reaching the m...