CHAPTER 2

324 14 1
                                    

(A/N: Edited)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/N: Edited)

დდდ

[Samantha/Sabrina Point of View]

Halos mang-iyak ako dahil iniisip ko pa lang na mapuputol ang ulo ko ay napapangiwi na ko.

Hinawakan ko ang leeg ko dahil feeling ko ano mang oras ay mapuputol ito.

Dahil nasa katawan ako ngayon ni Sabrina Anately, ang villainess ng nobelang ito.

Sa dinami dami ng katawan na pwede puntahan bakit nasa katawan pa ni Sabrina.

Bakit?

"My lady, okay lang po ba kayo" Nagaalalang sambit ng babaeng katulong na alam kong kanina pa nahihiwagaan sa galaw ko.

Sa itsura pa lang nito kilala ko na kung sinong karakter ito at ano ito sa nobela.

Ito lang naman ang isa sa loyal na tauhan ni Sabrina. Si Amy ang personal maid ni sabrina at ang babaeng nag-aalaga kay Sabrina tsaka gumagawa ng pinag-uutos ni Sabrina mapa-mabuti o masama man iyan.

Ini-imagine ko palang na papatay ito ng tao dahil sa utos ni Sabrina ay natatakot na ko sa babaeng ito.

Elegante rin ang kilos nito dahil iyon ang nais ni Sabrina. Ayaw nito sa clumsy at tatanga-tanga.

Si Sabrina ang isa sa villainess ng nobelang ito kaya napapaisip at nangi-ngiyak ako kung bakit sa dinami-rami ng karakter sa nobelang ito bakit ako pa ang napunta sa katawang ito.

Hindi si Sabrina ang main villainess actually kasi wala naman siyang ginawa kundi maging parang asong sunod sunuran sa lalaking gusto niya.

Ayaw sa tanga pero nagmumukhang tanga kakahabol sa taong di siya gusto, sus.

Basta talaga ang tanga ay galit sa kapwa tanga.

Alam ko lahat ng iyon dahil ang mismong duke ang gusto ng gaga.

Si Sabrina rin ang nagiisang tunay na anak na babae ng Marquess sa legal nitong asawa. Mayroon siyang kapatid, dalawang lalake at isang babae.

Ang kapatid niyang babae ay anak sa labas ng tatay nila pero mas pumapabor ang lahat dito kahit hindi ito anak ng legal na asawa.

Kaya nagiging aso kasi kulang sa aruga, kawawang Sabrina.

Tsaka si Amy lang din ang pinagkakatiwalaan ng gagang ito at wala ng iba pa.

So sad for her kaya tama talaga sinabi nila eh.

Villain are not born— they are made.

Pero hindi ko talaga tanggap kung bakit sa katawan pa niya, pero teka hindi ba sabi ni amy ay nahulog ako?

I mean si Sabrina, ang orihinal na Sabrina kung ganon nasaan ang orihinal kung ano ang nasa katawan nito?

"Amy" tawag ko rito.

Nasaan kaya si Sabrina?

"Yes my lady" tugon nito kaya lumingon ako rito.

"Anong nangyari, bakit ako na hulog? Tell me and make it detailed" tanong at utos ko kay amy kaya agad naman itong tumango at sinunod ang utos ko.

Agad na itong nagsimulang mag-kuwento sa mga nangyari ng araw na iyon.

"Nasa party tayo noon my lady at nakita niyo ang Grand Duke na si Duke Samuel kaya sinundan niyo ito, pero iba po ang itsura niyo nang bumalik po kayo at noong umuwi po tayo rito dumiretso po kayo sa may garden at narinig na lang namin ang tunog ng tubig mula sa lawa na para pong may tumalon ron at nakita ka na lang namin doon my lady" kuwento nito kaya napatango na lang ako.

Naalala ko na ang scene na iyon, yung nalunod si Sabrina dahil nakatulog ito sa kakaiyak.

Ang dahilan lang naman n'yon ay ang rason na tinanggihan at itinaboy siya ng lalaking mahal niya, pero ngayon hindi na mangyayari na magmamakaawa siya kasi hindi siya ang nasa katawang ito kung hindi ako.

"Sige lumabas ka muna amy. Gusto ko pa magpahinga at mapag-isa" utos ko rito, na agad namang sinunod ni Amy.

Kaya siguro siya ang pinagkakatiwalaan ng gagang ito, masunurin e.

Iyan ang gusto ko masunurin.

Pinagmasdan ko ang itsura ni Sabrina. Ang ganda niya sa totoo lang at masasabi ko na sa lahat ng character o kahit sa female lead ng nobelang ito ay walang panama sa ganda ng babaeng ito.

Kulay pink ang buhok nito na straight sa taas at pa-wavy naman sa bandang baba ng buhok.

Ang parang Heart na hugis ng labi nito na parang sarap papakin dahil mukhang malambot

Mukha ring naka-lipstick ang labi nito dahil sa kulay nito na kasing kulay ng pulang rosas.

Ang mga mata nito na kulay mala-abo, ilong nitong matangos at ang shape ng mukha nito na katamtaman ay bumagay sa mukha niya.

Kaya hindi ko alam bakit siya nagkakandarapa sa kakahabol sa isang lalaki.

Pero teka?

Ang lalaking hinahabol niya ay si Duke Samuel hindi ba? Ang Grand Duke?

Right, It's good din naman pala na rito sa katawan na ito ako napunta at least may rason ako bakit ako lumalapit sa duke.

Lalong lalo pa't naalala ko kung bakit ako napunta sa mundo ng nobelang ito tsaka okay na rin naman dahil makikita ko ang favorite na male lead ko, kahit alam kong ayaw niya sa babae kung nasaan ako ngayon.

Tsaka may mga plano na akong nabuo at kailangan ko na lang ay gampanan ito.

Sana naman mapagtagumpayan ko ito para makabalik na rin ako baka akalain ng mga tao ron na binangungot ako at hindi na nagising sa pagkakatulog.


Mga babaeng may edaran na at ka-edaran ko rin na naniniwala sa paniniwala about sa mga ganon.

Tsaka may midterm exam pa kami at re-reviewhin ko pa si yna na tamad mag-review.

May second sem pa, sayang naman ang oras at panahon na ginugugol ko sa pag-aaral kung hindi ako maka-graduate.

Sayang yung pagpupuyat ko kakatapos sa isang plate na biglaang ina-announce ni Professor Salazar.

Sayang stress ko sa lahat at sayang ang scholarship ko sa mundo ko.

Pero who cares? At least mayaman ako sa mundong ito, pwede ko gawin ang mga nais kong gawin at walang makakapigil sa akin.

Pwede ko rin makita ang male lead na si Duke Samuel at since ako ang narito posible ko rin na mabihag siya.

Uso naman mangarap ng gising sa mundo ko eh.

Pero sana malagpasan ko ang kahihiyan na gagawin ko at hindi maputol ang magandang ulo ko.

Sayang ang lahi at ganda ni Sabrina kung hindi maipagpapatuloy ang lahi.

Operation, Save The DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon