CHAPTER 22

1.4K 34 1
                                    

Edited

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Edited. May nabasa akong comment na nagbigay sakin ng idea hahaha, well thanks sa idea. Happy Reading!
-----

Samantha/ Sabrina's Point of View

Asar pa rin ako hanggang ngayon dahil sa walanghiyang duke na iyon.

Pinagtripan ba naman ako. Tamo makakaganti rin ako sa kanya tapos ang ganti ko mas malala pa.

Argh! Nakakainis! Nakakaasar siya! Walang hiyang duke na yon.

Nakasimangot na inaasikasu ko ang mga papeles sa opisina ko rito sa café.

Infernes asinsado na ang café na ito kaya kahit lumayas ako sa manor, hindi na ako magagamba sa future ko o sa buhay ko kasi ang kita pa lang ng café ko kaya na akong buhayin hanggang sa magtanda ako.

Ang kaso kapag lumayas naman ako, papahanapin naman ako. Lalong lalo pa't ang mapapangasawa ko kuno o ang fiance ko ay ang Grand Duke ng lugar na ito, na kahit ang mismong royal family members ng ibang emperyo ay takot sa kanya.

Kaya siya grand duke dahil sa aga na ipinasa ng magulang niya ang pamamahala sa kanya, dahil siguro gusto ng mga ito na enjoyin ang buhay na di nila nagawa at dahil nga nasa tamang edad na ang duke kaya ipinasa na ito sa coming of age nito.

Tsk, alam na alam ko no? Syempre siya ang favorite na character ko noon sa Sunset with You pero noon yon! Pero ngayon hindi na.

Never na, never again nakakainis siya.

"My lady, nais niyo na po bang mamahinga?" Tanong ni amy sa'kin kaya tinignan ko ito.

"Why are you asking me that question?" Tanong ko rito kaya napakamot naman ito sa batok nito at hilaw na ngumiti sakin.

"Mukha na po kasi kayong pagod tsaka po halata na po na bored na bored kayo sa ginagawa niyo" saad ni amy at yumuko ito pagkatapos.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Nakataas kilay na tanong ko ulit dito at tinignan na naman ako nito ngunit hindi diretso sa mata ko. Mukhang natakot.

"Nakasimangot na po kasi kayo tas biglang ngunguso tsaka naka-kunot po ang iyong noo my lady" diretsang sagot niya sa'kin.

Kinuha ko ang salamin at nakita ko ang repleksyon ko na naka-kunot nga ang noo ko kaya napa-bumuntong hininga na lang ako.

"Okay lang ako amy" saad ko at inilapag ang salamin sa mesa tsaka kinuha ko ang isang papel upang basahin ito.

"Gusto niyo po ba ng maiinom my lady?" Tanong nito.

Tumango ako at sinagot ko ito. "A tea will do" saad ko at tumalima naman agad ito.

Nang makalabas ito ay inilapag ko ang papel sa mesa tsaka ako napahawak sa noo ko.

Hays! Pati rito sa trabaho nadadala ko ang emosyon ko. Walang hiya kasing duke yon kung alam ko lang talaga na ganito niya papakuluin ang dugo ko, edi sana di ako humiling.

Operation, Save The DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon