📕DIARY 01📕

119 8 0
                                    

■Dedicated to Binibining_Shyne

📕DIARY 01📕

Dear Diary,

Hayyysss diary, paulit-ulit na lang tayo sa mga nasusulat ko rito eh, sabagay ano nga ba ang pagbabagong nangyari sa akin? Wala naman pshh. Hindi ko na talaga alam diary kung tama pa ba ang nangyayari ito, tama pa ba ang pinaggagawa nila sa akin, pero wala akong lakas ng loob na magsalita, natatakot ako diary baka hahatawin naman ako ni papa ng dos por dos na kahoy hayyyssss. Bakit kaya ganoon diary, kapag mga kapatid ko mahal na mahal nila mama't papa, bakit ako ganito nilang itrato? Nakakapanghina diary, ang sakit sakit sa loob, nakapabigat sa damdamin.

Kailan ba ito matatapos ang paghihirap ko? Simula pagkabata ko, wala pa akong natatandaan na may ginawa silang mabuti sa akin, trinato nila akong parang anak, para lang nila akong kasambahay na pinag-uutusan lang ng walang hanggan. Hindi ba sila naawa sa akin? Hindi ba nila ako mahal? Kasi ako mahal na mahal ko sila kahit ganito sila sa akin. Ang lambot ng puso ko diary, handa ko naman silang patawarin kung hihingi sila, handa kong gagawin ang lahat para sa kanila. Kailan kaya sila magbabago ano?

Kaninang umaga diary, inutusan ako ni mama na magwalis sa bakuran namin, nagwawalis na ako nang inutusan naman ako ni kuya na bumili muna sa tindahan, kaya sinunod ko muna siya. Nang nasa tindahan na ako diary, laking gulat ko nang matanaw si mama papunta sa direksyon ko na may dala-dalang walis tingting at kahit malayo pa siya, rinig na rinig ko na ang bunganga niya at ramdam na ramdam ko na kung gaano siya kagalit.

Kinakabahan ako na may halong pagtulo sa mga luha ko ng walang humpay sa paghataw sa akin gamit ang walis tingting. Wala akong nagawa kung hindi mahiya at maiyak, nahihiya ako sa mga taong nakatambay sa kanto na nakikita sa nangyayari, siyempre malaki at dalaga na ako kaya natural na makaramdam ako ng hiya. Habang ito si mama, hindi man lang nakiramdam sa paligid.  Ilang ulit nya ring ginawa ito sa akin, ang mapahiya sa maraming tao. Halos mamanhid ang mukha ko sa mga tinginan sa akin ng mga kapitbahay ko. Ano ba ang ginawa kong masama diary? Sinunod ko lang naman ang utos ng kuya ko, tatapusin ko na naman agad ang pagwawalis, bakit ganoon? Bakit ayaw nilang makinig sa akin, bakit wala akong karapatang magsalita at magreklamo? Ano ba ang gusto nila diary isaisahin ang mga utos nila tapos kapag hindi ko nagawa bubugbugin na naman nila ako hayyyssss nakakapanglumo diary, naiiyak na naman tuloy ako.

Ang hapdi ng mga paa ko diary, ang daming bakat ng walis tingting, may pasa pa nga ako kahapon, nadagdagan naman ngayon. Kailan kaya magbabago ito diary? Matutulog na naman akong may mabigat na loob, umiiyak hanggang sa makatulog. Sanay na sanay ako sa ganito pero masakit kasi na ang umasa ka na sana isang araw magbago rin ang lahat pero hanggang kailan ako aasa na mangyayari 'yan? Hayyyyyysss.

Bago ako pipikit, lagi akong nagdadasal na sana pagmulat ng aking mga mata kinaumagahan, may pagbabago na, na may magandang bumungad na sa akin.

♡MEZZY



MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon