■Dedicated to You4hia■
📕DIARY 26📕
Dear Diary 2.0,
Diary para na akong ulol na aso ng hiyaw nang hiyaw, tawag nang tawag mula sa labas, sobrang kumakalam na ang aking sikmura, gusto ko ng kumain ngunit hindi maaari dahil may pad lock, kinulong ako ng babae na asawang legal ni Don Nath, pagkatapos niya akong kinandaduhan, ay umalis ito agad dito dala-dala ang susi. Kahit sina Aling Tessa ay gumagawa na ng paraan para mabuksan pero ayaw pa rin, babae lang din sila na medyo may edad na wala ng sapat na lakas para makapagbukas hayyyss.
Oras-oras ay tumatawag si North sa akin, palagi ko na lang sinasabi na okay lang ako. Pasensya na mahal kung magsisinungaling ako sa'yo, ayaw ko lang na alalahanin mo ako, ayaw kong maapektuhan ka diyan, fucos ka lang.
Hindi ko alam kung alam na ba ito ni Don Nath hayyss 'yan na nga ba sinasabi ko ehh, bakit pa kasi may mga taong hindi makuntento sa isa lang. Kung physical ang pagbabasehan, walang-wala ako sa asawa niya, sobrang ganda nito, halatang lumaki na may pera dahil sa kutis nitong sobrang kininis ang balat. Kaya ayaw kong lumaban sa kaniya dahil nakakahiya kalmutin ang maganda niyang balat. Isa pa, kasalanan ko naman siguro dahil nga asawa siya, ako isa lang sa mga laruan niya.
Hayyssss anong oras na ba diary, alas tres na ng hapon, heto ako nakasandal sa dingding habang nakatulala minsan, na nagtatala sa'yo, dudugtungan ko na lang ito mamaya. Diary sakit na ng tiyan ko, umiiyak na ang aking mga bulate, sana naman magawa nila ng paraan na mabuksan ito para makalaman naman aking sikmura.
Bakit kaya ganoon diary ang buhay ko? Bakit kaya ganito? Kung saan okay na, at saka pa may dadating na naman na bagong problema, may sisira talaga sa kasiyahan ko. Kung saan bumalik ulit sa akin si North, sobrang saya ko dahil may tao na ulit akong malalabasan ng sama ng loob, ang taong nandiyan para sa akin, at saka pa nagkaganito ang buhay ko. Kung saan medyo okay na kami ni Don Nath, saka naman susugod ang asawa njya raw. Grabe namang buhay ito kahit saan magpunta palagi na lang sinusundan ng problema. Kakambal ko yata ang malas at paghihirap.
Diary hanggang kailan pa ba ito matapos? Sobrang pagod na pagod na ako, gusto ko na mag-taym pers muna, gusto ko muna ng break, napapagod naman din ako diary ehh, hindi naman ako bato, may puso rin ako. Hindi rin ako robot na walang emosyon, walang pakiramdam, diary tao rin ako, tao rin akong nagdudurugo ang puso sa bawat paghihinagpis.
Laban ako nang laban sa buhay diary, alam mo 'yan, kahit pagod na, lumalaban pa rin. Dahil nga naniniwala ako na mga hamon lang ito na kailangang talunin upang malagpasan. Kaso diary, malalagpasan ko nga, may papalit na namang panibagong pagsubok na darating, para bang wala ng katapusan hayyys. Pagod na pagod na ako, gusto ko munang magpahinga sa mga problema.
Tanging si North na lang ang nagiging inspirasyon ko sa buhay, siya na lang ang dahilan kung bakit pinipilit kong lumaban dahil gusto ko pa siyang makasama habang buhay, gusto ko siyang alagaan, gusto kong ibigay lahat sa kaniya, dahil siya ang nagsisilbing liwanag sa madilim kong mundo. Mahal na mahal na mahal na mahal kita mahal ko, mag-ingat ikaw palagi diyan, lalaban ako para sa'yo. Hihintayin kita, mwaaaa.
♡Mezzy
BINABASA MO ANG
MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|
Phi Hư Cấu☆EPISTOLARY☆ COMPLETED ✔ Mezzy is a simple girl, na ang gusto lang ay magkaroon ng masayang pamilya. Mula bata pa si Mezzy ay hindi niya nararamdaman na kabilang siya sa kaniyang pamilya. Ginawang kawawang katulong at pinagbubuhatan ng kamay. Sakit...