📕DIARY 10📕

31 6 0
                                    

Dedicated to Hadlee_Zircon

📕DIARY 10📕

Dear Diary 2.0

Hello diary, I miss you my old diary, napaluha talaga ako nang napagtanto kong naiwan ko ang original kong sinusulatan sa'yo diary hayyysss.

It's been three days diary, oo tatlong araw na ang lumipas mula nang huli kong pagtatala sa'yo and during those days hindi ko naman alam kung ano ang nangyari sa akin dahil wala akong malay.

Oo 'yong huli kong pagtala sa'yo diary, kinabukasan nagising na lamang ako na nakahiga na sa hospital bed, may nakakabit na mga dextrose at may isang tao na nasa tabi ko. How I wish na siya, si North 'yon pero hindi, siya si Don Nath ang magiging asawa ko raw.

Sinabi niya sa akin na natulog daw ako ng dalawang araw, ngayon lang ako nagising and gladly okay na ako, sabi raw ng doctor dahil daw sa over fatigue and hard work kaya naging ganoon daw ang nangyari sa akin.

Sabi niya, noong nakaraang araw, bibisita na raw siya ulit sa amin para isama na ako, kaso biglang tumawag daw ang ang papa ko na dinala nila ako sa hospital kasi raw nag-aapoy ako sa lagnat at anong oras na hindi pa rin ako gumising. Kaya pala siya ang nadatnan ko kasi ibinilin na ako nga mga magulang ko or sabihin na lang natin na tuluyang ibinigay na nila ako sa kaniya hayyss.

Mabait naman siya, siya ang nag-alaga sa akin, at siyempre siya rin nagbayad ng mga bills ko. At heto nga, inuwi na niya sa ako at ngayon nandito na ako sa bahay niya or should I say mansyon dahil sa sobrang laki ng bahay na ito. May sarili akong silid, hindi kagaya ng bodega kung hindi 'yong tipong kuwarto na nakikita ko sa palabas.

Kinakabahan talaga ako sobra dahil baka anong gawin niya, tinanggap ko na talaga ang kapalaran ko at bilang pasasalamat na rin sa pag-aruga niya, pero wala mula kaninang tanghali hanggang ngayong gabi na ay di pa kami nagkikita ulit. Hindi na rin ako nagmamatigas pang hindi sumama sa kaniya, wala naman din akong patutunguhan, mga pamilya ko na halos ipanglandakan ako sa iba at ang lalaki kong akala ko na ang magliligtas sa akin ay nawala na para bang bula hayyyss.

Kung sa bahay namin para akong maid, dito para akong prinsesa, ganito pala pakiramdam na may nag-aasikaso sa'yo, upo, higa, pagulong-gulong sa malambot na kama lang ang ginagawa. Malaki rin ang silid ko, may sariling banyo, kahit banyo malaki pa sa silid doon sa bahay namin at sobrang bongga ng mga gamit, halatang pangyayamanin.

Ang pinakapaborito ko talaga ay ang mini-library rito sa loob ng silid ko. Maraming mga novels, hindi man ako nakapag-aral ng malalaking antas, marunong ako magbasa at umintindi ng ingles, dahil na rin siguro sa impluwensya ng selpon ko. Kaya nga may nahanap akong notebook at ballpen dito kaya nakapagtala ako sa'yo diary, ito na muna talaan ko sa'yo hanggat hindi ko pa nakukuha 'yong isa.

Sana hindi nila iyon makita roon at sana makikita ko pa 'yon. Sayang din kasi mula pa 'yon last years hayyyss. Marami pa rin akong diary roon na ilang years na pero di nila 'yon makikita kung hindi nila hahangkutin mga gamit ko doon.

Sana nga diary maging okay ang pagtira ko rito. Sana makabangon na ako mula sa pagkalugmok ko, sana liwanag na naman ang matatamasa ko, sana nga. Sana nga diary.

♡Mezzy

MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon