📕DIARY 02📕

81 7 0
                                    

■Dedicated to KeshaSanchi

📕DIARY 02📕

Dear Diary,

Nandito na naman ako nakikipag-usap sa'yo, ikaw lang kasi ang mapagsasabihan ng mga nararamdaman ko, at saka nakasaksi ka rin lahat ng aking karanasan, kaya nga sobrang special mo sa akin. Sana may human version mo diary 'no para maman kapag maglalabas ako ng sama ng loob, may magsasabi sa akin ng mga payo para naman kahit papaano gagaan ang pakiramdam ko. Maraming salamat talaga sa'yo diary.

So 'yon nga diary, nandito na naman ako sa maliit kong higaaan, pinagkakasya ko na lang ang sarili ko sa bodega namin, kasama ang mga luma at sira-sirang mga gamit pero kahit na ganoon suwerte pa rin ako dahil may maayos akong silid na mapapahingahan.

Matagal ko ng nilunok diary na hindi na talaga ako kailan man makakaapak sa bahay namin bilang isa sa mga may-ari kung hindi bilang isang katulong lamang. Alam mo diary tanggap ko naman na ganito na lang ako, mamatay akong ganito, pero sana bago man ako mawala makapiling ko naman ang buong pamilya ko na masayang-masaya at maramdaman ko na ang pakiramdam na ituturing bilang anak.

Pasalamat nga ako dahil ngayong araw wala akong natamo na mga sugat at mga sakit galing sa kanila, tanging pagsakit lang ng aking balikat, likuran at baywang. Buong araw kasi akong naglalaba diary, mula alas singko ng umaga hanggang alas sais ng hapon, medyo sanay na rin. Ang sakit ng likuran ko sa kakakusot at kakaigib ng tubig, ganiyan naman talaga kapag ako ang maglalaba hindi nila pinapagamit ang washing machine at tubig kesyo baka raw masira ko at lalaki raw ang bill ng tubig namin. Ang sakit kaya sigawan ka ng nanay mo ng,  “WALA KA NA NGANG AMBAG SA PAMAMAHAY NA ITO, PALALAKIHIN MO PA ANG BILL NG TUBIG NATIN, KAYA DOON KA MAG-IGIB KA.” Oo wala nga akong ambag na pinansyal, pero lahat ng pinamimigay nila, pagkain, damit, tuluyan at iba pa ay pinagtatrabahuan ko naman hayyyyssss, pero kahit na ganiyan si mama mahal na mahal ko pa rin 'yan ^_^

Alam mo diary, nagtaka talaga ako kung sinong makulit na nag-add sa facebook ko at chat nang chat sa akin. Matagal-tagal na rin mula nang nawala ang pagkahilig ko sa pag-chat. Tiningnan ko profile niya, anime lang tas wala rin siyang mga post na iba.  Pangalan niya ay North, ang weird lang diba. Hindi ko sana papansinin pero, chat ito nang chat na snobber daw ako, kaya ayon wala naman sigurong mawawala kong mag-reply ako. So ganito nga ang nangyari;

North: Hi Mezzy, kumusta ka?

Me:

North: Grabe naman 'yan, nangamusta lang eh, mang-seen pa sakit naman ouch

Me:

North: Woyyy reply naman diyan

Me:

North: Woyyyy

Me: Bakit ba?

North: Taray naman, wala yata sa mood

Me: Oo wala ako sa mood, sino ka ba? Bakit ganiyan picture mo?

North: Ayy weww interested ka agad sa akin yieee

Me: Woahhh baliw, bahala ka nga diyan, marami pa akong gagawin bukas, bye.

Ayon nag-log out na ako at hinanap ka na diary para itala na naman ang mga nangyayari sa buhay ko. Pero kahit gagaano napangiti ako sa kausap ko kanina, para bang ang ganda niyang pagtripan pfttt. Basta diary, antok na si ako. So much for this long day, sana bukas ganito pa rin.

Goodnight Diary.

♡MEZZY

MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon