📕DIARY 12📕

26 6 0
                                    

■Dedicated to Meira_eimra

📕DIARY 12📕

Dear Diary 2.0,

Diary HUHUHUHU nanginginig pa rin ako sa tuwing naalala ko ang nangyari kanina, kahit ano pa man ang iyak at pagluluksa ko, hindi na mababalik pa, hindi na mababago pa HUHUHUHU!

Diary kaninang madaling araw, ginising ako ni Don Nath, ginising niya ako dahil gusto niyang makipagtalik, nabitin daw siya at gusto niyang ibuntong sa akin. Wala akong magawa ng hawak-hawakan at halik-halikan niya ako. Sa una napaiyak pa ako dahil sa pagtutol ko. Pero hanggang kailan ba ako tatakas kung ito naman talaga ang nakatakdang mangyari sa akin.

At kanina nga, nakuha na niya ang aking pagkababae, nakuha na niyang walang pag-alinlangan at nabigay ko itong walang ibang pagpipilian. Pagkatapos niya akong galawin, nag-iwan siya ng malaking pera para sa akin bago umalis sa silid.

Pagkalabas niya diary, doon ako umiyak nang umiyak, doon ko naramdaman ang paghapdi ng ari ko, doon ko naramdaman ang sakit lalo na't ganito, lalo na't ang turing sa akin parang babaeng bayaran, pagkatapos angkinin, babayaran. Diary hindi ganito ang gusto ko sa buhay, hindi ko kailan man hiniling na maging ganito ang papel ko sa buhay.

Pero okay na rin 'yon, at least ngayon nabayaran na ang utang nila mama, sa wakas nakatulong na rin ako sa aking pamilya kapalit ng aking dangal. Kahit ano pa ang pagsisi na gagawin ko, hinding-hindi na maibabalik pa, hinding-hindi na. Sana nga paggising ko ma-okay na ang lahat, hanggang kailan pa ba hayyyssss :(

Mula nang may mangyari sa amin, hindi na ako lumabas sa silid pa, hiyang-hiya ako sa sarili ko, ibang-iba na ang tingin ko sa katawan ko, pakiramdam ko ay ang dumi ko na na babae, ang dumi ko na nagpaangkin nang walang kasiguraduhan.

Diary HUHUHUHU ganito pala ang pakiramdam, siguro masasanay na rin ako hayyyss. Iiyak ko muna lahat ang mga ito, pagkatapos matatanggap ko na rin ito ng lubusan pa. May lalaki pa bang tatanggap sa akin kapag malalaman niyang ganito na lamang ako? Hayyyyssss.

Naalala ko naman si North hayyysss, nasaan na kaya siya? Hinahanap niya rin kaya ako? Asa pa Mezzy iniwan ka nga sa ere tapos iisipin mo pa na may pakialam siya sa'yo. Magkikita pa kaya kami ulit? Hindi niya alam ang tungkol dito, hindi niya alam ang pagbibigay ng pamilya ko sa akin dito. Kung sakali bang babalik siya,  matatanggap kaya niya parin ako? Hayyyssss, siguro ibaon ko na rin siya sa limot, ibaon ko na lang ang feelings na ito mula sa araw na hindi na siya nagparamdam. Kakalimutan ko na siya kahit tutol ang puso ko.

Kinagabihan, hinatidan ako ni Aling Tessa ng pagkain, nag-alala na sila kung bakit di ako lumabas mula kanina, kaya hinatidan niya na lang ako ng pagkain. Hindi ko pinahalata sa kaniya na hindi ako okay. Ngumiti na lamang ako at nagpasalamat sa kaniya. Buti pa sila nag-alala sa akin kung tutuusin hindi ko naman sila kaanu-ano, totoo nga na ang pamilya ay hindi basehan ang naglalantay niyong dugo, kung hindi sa puso.

Pagkaalis niya ay kumain ako agad na halos lantakan ko lahat ang pagkain na dala niya dahil sa kumakalam ko na sikmura. Laking pasasalamat ko talaga sa kaniya. Pagkatapos saka ako nagtatala sa iyo diary. Sana nga bukas, matatanggap ko na agad ang nangyari sa akin ngayon diary. Be with me diary HUHUHUHU!

♡Mezzy

MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon