📕Diary 27📕

21 6 0
                                    

Dedicated to girl_in_ur_dream

📕Diary 27📕

Dear Diary 2.0,

Naalimpungatan ako kanina diary dahil sa hapding nararamdaman ko, pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa akin si Manang Kalode na ginagamot ang mga natatamo kong mga gasgas at kalmot sa asawa ni Don Nathious. Nakahiga na rin ako ng maayos sa kama, nakabihis na rin ako. Sabi ni Manang Kalode galit na galit daw si Don Nathious sa asawa niya nang malaman niya ang ipinagagawa nito sa akin. Sumugod daw ito agad sa kaniyang asawa, nag-alala naman ako ng lubos diary baka may mangyaring masama or masira sila dahil sa akin hayyyys.

Pagkatapos akong magamot ni Manang Kalode, pumasok naman si Aling Tessa at may dala-dala itong mga pagkain na sari-sari, sobrang dami nito. May mga prutas na mas lalo pang kumalam ang sikmura ko, napa-excite na lang ako paglapit ni Aling Tessa, natatakam ako sobra.

Paglapag pa lang niya sa pagkain ay agad ko itong sinunggaban, inaya ko silang kumain pero ayaw nila, tapos na raw sila. Si Don Nathious daw ang nag-utos sa kanila na dalhan daw ako ng maraming putahe at mga prutas dahil alam niyang sobrang gutom na gutom na ako, akalain mo 'yon isang araw akong humihingi ng tulong, buti na lang daw at naglakas loob sila Aling Tessa na tumawag kay Don Nathious kahit binalaan sila ng kaniyang asawa na huwag silang makialam, ibinuwis nila ang kanilang trabaho para lang matulungan ako, kaya naman hindi ko naiwasang maiyak at niyakap sila ng sobrang higpit.

Habang kumakain ako, nagpaalam sila na lumabas muna para makapag-fucos ako sa pagkain. Takam na takam na akong kumain diary ng tumawag sa akin si North, pagkasagot ko ay bumungad agad ang galit na expression nito, mga tanong, hindi ako makapagsalita dahil halos lamunin niya ang selpon niya sa kakadada.

Tinawag ko siya ng kalma, bigla kong narinig ang paghikbi niya. Sobrang nag-alala na raw siya sa akin dahil isang araw hindi niya ako nakontak, isang araw siyang nagpigil na pasukin ako ulit, kung malapit lang siya raw ay susugurin niya ako, pinakalma ko naman siya. Sinabi ko na okay lang ako, pasensya na hindi ko nasasagot mga tawag mo, ang dami ko kasing ginawa tapos nawala ko ang charger. Kahit sobrang ewan ng palusot ko, bahala na basta hindi na siya mag-alala sa akin. Pasensya na mahal kung nagsisinungaling na naman ako sa tunay kong kalagayan ayaw ko lang na dagdag iisipin mo pa.

Bandang alas dos ng hapon diary, dumating si Don Nath at nakipag-usap sa akin. Humingi ito ng tawad at comfirm asawa nga niya, pero asawa lang sa papel hindi niya raw ito mahal. Unang beses kong nakita siya na umiyak habang humihingi ng tawad. Inamin niya ang kaniyang lahat na kamalian, simula't sapul na kaniyang nagawa sa akin, humingi siya ng tawad, naantig naman ng sobra ang puso ko. Sino ba naman ako para hindi magpatawad diba.

Sabi niya, bilang kapalit ay papalayain na niya ako mula sa kaniyang mga kamay, pero bago 'yan, gusto muna niyang bumawi sa akin. Dadalhin daw niya ako bukas ng gabi sa party ng kaniyang mga kilala. Isasama niya ako, para naman bago maghihiwalay ang landas namin may magandang pangyayari akong maalala sa aming pagtatagpo.

Napaiyak naman ako sa pagtugon sa kaniya, nagpasalamat ako sa kaniya. Mabilis akong yumakap sa kaniya, naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa aking likuran. Ilang kembot na lang, ilang hakbang na lang, makakawala rin tayo sa madilim na hawlang ito.

Ibinahagi ko naman ito kay North ang masayang balita na nagpapasaya sa nararamdaman ko. Nararamdaman ko na talaga diary ang pagiging malaya, makakasama na rin kita mahal ko ng walang pagtatago. Parang hindi yata ako makakaidlip ngayon diary kyahhhhhh, sobrang saya ko talagaaa. Thank you so muchhhhh Oh Lordddd!!!!

♡MEZZY

MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon