■Dedicated to sheluvsrain■
📕DEAR MEZZY📕
Dear Mezzy,
Hello mahal ko, kumusta ka diyan? Sana napalagay ka na ng maayos. Kahit isang taon na mula nang ikaw ay nawala pero ang sakit pa rin mahal, sobrang presko pa rin sa puso, sirang-sira pa rin ito. Today is your first death anniversary mahal, nandito ako ngayon sa tabi ng puntod mo, sana man lang mahal haplusin mo ako para maramdaman ko ulit ang presensiya mo.
Mahal, ngayon lang ako naglakas loob na magsulat sa diary mo, ewan bigla ko na lang naisip ngayon na what if susulat rin ako sa diary mo para naman kung totoo ang reincarnation, may mababasa tayo. Huwag kang mag-alala mahal dahil ang diary mo ay hawak-hawak ko. Hayysss ang sakit mahal nang mabasa ko ang mga sinusulat mo, hindi ko alam kung paano mo 'yon nakayanan, sobrang strong mo talaga mahal hayyyss.
Mahal hanggang ngayon hindi ko matanggap na wala ka na, mahal ko namimiss na naman kita, kagaya ng sinabi mo, nakatingala lang ako sa langit habang iniisip na ngumingiti ka pa rin sa akin. Mahal ko sana mapawatad mo ako sa aking nagawa, sinisi ko ng lubos ang aking sarili sa 'yong pagkawala, pinabayaan kita, pinairal ko ang aking naramdamang galit, buong akala ko kasi, haysss pasensya na mahal kung hinusgahan kita agad. Mahal, patawarin mo akooo HUHUHUHU.
Hindi totoo na pinabayaan kita, hindi ko alam, hindi ko alam ang nangyayari. Mahal pagkatapos kong makita ang viral scandal worse ang babaeng mahal ko pa ang bida, nag-alburoto ako sa galit na halos basagin ko lahat ng bagay na makikita ko. Tawag ako nang tawag sa'yo dahil gusto ko maliwan, pero ayaw mong sagutin. Hanggang sa ikaw ang tumawag sa akin, sa mga oras na 'yon mahal nakainom ako, nagpakalasing ako dahil gusto kong mawala ang bigat sa pakiramdam ko kaya nasabihan kita ng mga salitang hindi ko na naiisip dahil sa galit ko. Agad kitang pinatayan at pinatay ang cellphone ko dahil ayaw kitang makausap. Pumunta ako ng bar para mag-inom, napabayaan ko ang internship ko pero pinagalitan ako ng wasto ng aking mga magulang, natuwid ko at sa maniwala ka sa hindi, araw-araw kitang gustong makausap pero nahihiya ako. Kaya tiniis ko na lang ang iilang araw ng graduation ko, para sa ganoon makasama na kita habang buhay.
Sa loob ng isang taon mahal, para akong mabaliw, ginawa ko ang lahat sa internship mahal para pag-uwi ko, itatakas kita at para makapagsimula tayo ng mapayapang buhay. Maglalakas loob na ako mahal, plinano ko lahat mahal, plinano ko ang hakbang na gagawin ko para makuha kita, sana naman mahal hinintay mo ko, sana mahal hindi ka sumuko agad, sana mahal hindi mo ko iniwan agad.
Hayyssss ito na naman ang mga luhang nag-uunahang tumulo hayyysss, para paring kinakalmot-kalmot ang puso ko sa paglisan mo mahal, halos hindi ko kinaya, gusto ko na ring sumunod sa'yo, gusto kong masilayan muli ang mga ngiti mo, mayakap ka ng mahigpit at mahagkan ka, miss na miss na kita mahal kooooo:(
Mahal naalala ko noon, before ng internship namin, 'yung dinukot ka ng mga tauhan niya habang nagsasaya tayo. Hindi na ako mapakali noon, agad akong nakipag-cooperate sa mga pulis, humingi ako ng tulong sa angkan ko, nagpaliwanag ako, halos lumuhod ako sa kanila na tulungan nila akong iligtas ka, dahil alam kong hindi basta-basta na kalaban si Don Nathious. Sobrang saya ko nang pumayag sila pero after internship muna. Sobrang saya ko, hindi ko na pinaalam sa'yo dahil gusto kong surpresahin kita, pero ako ang sinurpesa mo mahallll😭
Naalala ko after graduation namin, sobrang saya ko dahil ikaw na naman ang aatupagin ko kasama mga magulang ko. Masayang-masaya akong ibabalita sa iyo na ito na ang mahal mo, engineer na, mabubuhay ko na ang pamilyang mabubuo natin. Oo mahal, kukunin na sana kita pero nagulat na lamang ako ng naglakas loob ako na tawagan ka pero hindi ka na makontak, nag-alala ako ng sobra kaya agad akong tumawag kay Manang Kalode, hindi ko nakayanan ang sinabi niya. Kaya kahit hindi pa tapos ang graduation ceremony, nagpunta ako sa demonyong lugar na 'yon, wala na akong pakialam na masaktan ako. Wala na akong pakialam kung hindi na ligtas, basta makita lang kita mahal ko.
Pagkarating ko mahal, napaluhod ako sa damo nang masilayan kong nasa stretcher ka na, tinabunan ng puting tela, bitbit ng mga rescuers, nagpapasalamat ako dahil gumawa na rin ng action sina Aling Tessa naglakas loob magsumbong sa mga police kaya nakuha nila ang katawan mo mahal. Para akong pinapatay ng makita kong isinakay ka na sa ambulance, mabilis naman akong sumugod at sumakay rin para mayakap ka.
Wala silang magawa ng umiyak ako ng lubos habang niyayakap ka. Mahal ko, bakit mo ko iniwan? Mahal ko bakit hindi mo ko nahintay? Mahal ko bakit naman tayo hahantong sa ganito? Mga salitang paulit-ulit kong sinisigaw. Sa mga oras na 'yon mahal ang daming realizations na tumatakbo sa utak ko. Sana hindi na lang ako umalis, sana matagal na akong nagplano, sana maaga pa akong kumilos, mahal ko hindi ko kayaaaa, hindi ko kayang mawala kaaaaaa!
Pagkasilip ko sa loob ng tela ay kasabay ng pagkawatak ng puso ko, hindi ko mawari kung bakit nagkaganoon ka, sobrang payat mo, nag-iba ang kulay mo. Nakayakap ka pa sa diary mo mahal na agad nakaramdam ako ng iilang saksak sa puso ko. Kukunin ko sana ang diary mo kaso sabi huwag muna ngayon dahil may imbestigasyon pa at they assured me naman na sa akin mapupunta 'yon pagkatapos.
Hayyyss mahal naman, para na akong timang dito umiiyak habang nagsusulat hayyyyssss, miss na miss na kita mahal ko, magparamdam ka naman oh. Gusto ko nga matulog na lang palagi, dahil nandoon ka ehh, palaging ikaw ang panaginip ko hayyysss.
After ng libing mo, halos mabaliw ako, halos gusto ko na rito lang ako sa puntod mo, dahil pakiramdam ko nandiyan ka lang eh. After ng imbestigasyon, binalik sa akin ang ang diary. May nakalap sila ng impormasyon sa insidente. Kaya pala wala kang anumang sign na galing ka sa suicide, walang laslas wala ring lubid sa leeg mo. Ang talino mo naman mahal, iba ang technique na ginamit mo. Ginamit mo ang isang malaking cellphone at ang fire extinguisher. Paano mo naisip 'yon mahal ko? First time incident daw ang ganoon pangyayari, ang talino mo raw mahal ko, kung saan wala ka na, saka pa nila ma-appreciate hayyysss never mind.
Mahal, huwag kang mag-alala ang gumawa sa'yo nasa lalagyan na, nakulong ito. Pati na rin si Don Nathious nakakulong din ito, nawala ang kaso sa'yo dahil sinabi mo roon na okay kayo, pero nalaman na siya ang matagal ng hinahanap sa human trafficking issues sa bansa, kaya salamat sa diary mo, marami kang naligtas.
Pagkabasa ko lahat ng nasa diary mo ay galit na galit ako sa aking sarili, na para bang ako ang nagtulak na gawin mo 'yon. Hayysss wala na akong magagawa pa mahal kung hindi ang umiyak at magwala. Muntik na rin akong magpakamatay, pero hindi 'yon hinayaan nila na mangyari, siguro dahil may rason kung bakit nabubuhay pa ako ngayon. I really miss you so bad, my Mezzy.
Ang mga magulang mo, nang malaman ng wala ka, grabe ang iyakan at pagsisi nila pero wala silang magagawa na. Kakasuhan din sana sila, pero sinabihan ko na lang na huwag na, dahil alam kong ayaw mong mangyari 'yon.
Sina Aling Tessa at Manang Kalode, matutuwa ka mahal dahil nasa bahay natin sila. Doon na sila mananatili, hindi bilang kasambahay ngunit bilang parte ng ating pamilya. Oo mahal kahit wala ka na, may isang bahay akong pinatayo na magiging bahay natin, at sa bahay na 'yon, kahit saang sulok nandoon ang mga larawan niyo. Dahil sa paraang iyon, nararamdaman ko na nandiyan ka lang sa tabi ko.
Mahal huwag kang mag-alala hindi na ako iibig pang muli, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko rin. Bukas mag-aaral ako ng simenaryo, magiging pari na lang ako. Ayaw ko ng magmahal ulit, ikaw lang ang mamahalin ko. Kung totoo rin ang ikawalawang yugto ng buhay natin, ikaw at ikaw pa rin ang aking hahanapin mahal, ang nag-iisang Mezzy ng buhay ko.
Hihintayin mo ko diyan mahal, balang araw magtatagpo rin ulit ang ating mga landas. Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huling sandali ng buhay ko.
♡North
|END |
BINABASA MO ANG
MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|
Não Ficção☆EPISTOLARY☆ COMPLETED ✔ Mezzy is a simple girl, na ang gusto lang ay magkaroon ng masayang pamilya. Mula bata pa si Mezzy ay hindi niya nararamdaman na kabilang siya sa kaniyang pamilya. Ginawang kawawang katulong at pinagbubuhatan ng kamay. Sakit...