📕DIARY 30📕

32 6 0
                                    

Dedicated to TheLostQueenOfGhana

📕DIARY 30📕

Dear Diary 2.0,

Diary para na akong lantang gulay na para bang wala ng kulay at buhay. Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko, nagdudurugo ang puso ko. Naramdaman ko na rin ang panghihina ko, sabog na sabog ang puso't isip ko. Nag-alala na ako ng sobra kay North, ilang araw ko na siyang hindi nakakausap, hindi ko na siya makontak. Oo diary, kahit sira at basag na ang cellphone na ibinigay niya sa akin, gumawa pa rin ako ng paraan, nanghiram ako kay Manang Kalode nang sa ganoon ay makontak ko siya, pero wala diary, wala ayaw niyang sagutin, kahit tinadtad ko na siya ng texts, nagpaliwanag na ako sa texts, nagmamakaawa na ako na kung puwede lang kausapin niya ako, sagutin niya ang mga tawag ko, pero wala, wala, ilang minuto, oras akong naghihintay pero wala, wala akong natanggap ni kahit isang text man lang galing sa kaniya, wala dahilan para mas lalong nanghihina ako at nawawalan na ng pag-asa pa. Diary wala na ba talaga kami? Ayaw na ba ni North sa akin? Ganoon na ba niya akong kinasusuklaman na kahit ang pagmamakaawa ko ay hindi na niya pansin, wala na siyang pakialam sa akin.

Hindi ko na alam diary kung ano ang gagawin ko, hindi ko na malaman kung ano ang dapat kong gagawin, wala na ang taong makakapitan pa, wala na ang taong tinanggap ako ng buong puso, ang taong magbibigay liwanag sa madilim kong mundo, naubos na ang kaniyang liwanag, bumalik na naman sa pagkakalugmok ang mundo ko.

Napasandal ako sa dingding habang iniinda ang mga sakit, pero balewala ang gutom at mga sugat sa pagdurusang nararamdaman ng puso ko. Para bang bawat segundo ay may humahampas sa puso ko, para bang ginawang punching bag sa kirot na nararamdaman ko. Diaryyy ayaw ko na, pagod na pagod na ako, wala ng rason pang mananatili sa buhay na ito na puro lang pagdurusa at sakit ang nararasanasan. Kung mananaig man ang kalungkutan, kung hindi man makakayanan ang poot na nararamdaman, kung hindi ko man magawang pangasiwaan ang pagdudurugo ng aking puso, diary hanggang dito na lang siguro ako.

Diary simula't sapul nandiyan ka para sa akin, nasaksihan mo ang bawat pahina ng aking buhay, alam mo kung gaano na ako kapagod, alam mo ang paghihirap na dinaranas ko, alam mo kung ano ang nangyayari sa akin. Tanging ikaw lang at ang Maykapal ang may alam kung ano ang mga naging karumaldumal na nangyayari sa akin. Kaya naman, walang hanggan at taos puso akong nagpapasalamat sa'yo, bilang palaging nandiyan para gumaan ang pakiramdam ko. Sana nga may human version mo diary, kung kaya't sa gayun ay magawa kong mayakap ka ng sobrang higpit. Sana kung kanino man ikaw mapupunta, sana aalagaan ka rin niya gaya ng pag-alaga ko sa sa'yo diary.

Siguro kahit wala naman kayong pakialam sa akin, kung may huling mensahe man ako para sa inyo, ma, pa, mga kapatid ko, 'yon ay nagpapasalamat ako sa mga oras na kinupkop niyo ako, salamat sa inyo dahil kayo ang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito. Huwag kayong mag-alala hindi ako magtatanim ng galit sa inyo, para saan pa diba? Ipapangako niyo lang na wala ng ibang taong dadanas sa karanasang naranasan ko sa inyo. Mag-ingat kayo palagi.

Para naman sa kabaitan niyo, pagsilbi at pagturong bilang kamag-anak niyo. Maraming salamat Manang Kalode at Aling Tessa, kung may magandang nangyari sa pagpunta ko rito, 'yon ay ang makilala kayo. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan. Maraming salamat din bilang number one fans sa amin ni North hayyyys. Magpakatatag kayo. Sa'yo naman Don Nathious, hindi ko alam kung magagalit ba ako sa'yo, dahil sa huling pagsasama natin ay masaya at nagkakaintindihan tayo. Pero hindi ko alam ang iisipin ko, kung kasabwat ka ba nila or ano hayyysss. Pero salamat sa pagpapatira mo sa akin dito, pagbibigay ng mga luho sa akin, at pagpaparamdam sa buhay na puno ng karangyaan. Sana dumating ang araw na magbago ka na. Maging stick to one ka at magpokos ka sa asawa mo.

And lastly, ang sakit mo sa dibdib North, parang may nakadagan ng mabigat sa dibdib ko dahil alam kong sa'yo ako mahihirapan, sa'yo ako nanghihinayang. Mahal siguro ayaw mo na talaga sa akin, nabasa mo naman siguro mga texts ko diba, tinawagan din kita kaso walang sumasagot. Mahal nag-alala na ako sa'yo sobra, sana nasa mabuting kalagayan ka ngayon, mahal huwag naman ganito, hindi ko kayang walang update galing sa iyo. Mahal buong puso na akong nagmamakaawa na sana man lang kahit sa mga oras na ito, kausapin mo ako, mahal kahit sa huling sandali ng buhay ko, pakiusap pakinggan mo ang aking pagsusumamo :(

Mahal hindi ko 'yon ginusto, mahal nalululong lang ako sa gamot na pinainom nila sa akin kaya ako naging ganoon. Kahit ako mahal nandidiri na sobra sa katawan ko, sobrang madumi na ang aking pagkatao. Mahal, mahal na mahal kita kaya hindinko magagawa ang ganoong klase na eksena, sa'yo lang ako, sayong sayo lang. Mahal maniwala ka naman sa akin, maniwala ka. Huwag kang magpapadala sa emosyon, sa galit mo, huwag pakiusap.

Mahal kung mananaig man ang kalungkutan ngayon,  sana isipin mo palagi na sobrang mahal na mahal kita at walang sinuman ang makakapantay niyan. Ikaw lang ang nag-iisang bumihag sa puso ko. Mahal salamat dahil nandiyan ka palagi, naging sandalan at naging lakas ko. Ikaw ang nag-iisang tao na kinukunan ko ng lakas para lumaban, ano na ang mangyayari sa akin kung pati ikaw tinatalikuran na ako. Mahal hinintay kita, hinintay kita mula pa kahapon, pero wala kang imik, walang signs na kakausapin mo ako. Siguro nga galit na galit ka pa rin sa akin, siguro nga ayaw mo na sa akin, ayaw mo na akong kausapin, tinapos mo na siguro ang salitang “tayo”. Hindi na kita pipilitan mahal, ikaw nandiyan, ako lang ito. Hindi mo deserve ang kagaya ko. Sana kung makakahanap ka man ng babae, sana kagaya ng aking tunay na pag-ibig ang kaniyang ipapadama sa'yo.

Mahal kung sakali mang mapagod na ako sa kakaantay sa'yo, kung mapagod man ako sa kakahintay ng pag-asa, sana mapatawad mo ako. Sana mapatawad mo kung ano ang ikinagagalit mo sa akin, malaman ko pa lang na galit ka sa akin para na akong mamatay. Nanghihina na ako sobra mahal, kailangan ko ang iyong lakas at mahigpit na yakap.

Mahal kung tuluyan man akong bumitaw, pasensya na kung ang ating mga pangarap na magkasama ay maglalaho. Mahal, mahal na mahal kita, ipangako mo na mag-iingat ka palagi. Maging successful ka. Ikaw lang ang huling taong mamahalin ko ng sobra at kung totoo man ang ikalawang yugto ng ating mga buhay, hahanapin kita kahit saang suloo pa man iyan, pangako.

Kung mamimiss mo naman ako, tumingala ka lang mahal, tumingin ka lang sa mga ulap at iisipin mong nandiyan lang ako nginingitian at ginagabayan ka. Huwag ka lang umiyak, dahil hindi ko na kayang punasan ang mga luhang umaagos sa pisngi mo, huwag kang magdamdam, palagi lang akong nasa tabi mo, ginagabayan ka at minamahal ng sobra.

Mahal palagi mong iisipin na mahal na mahal na mahal kita. Kahit ang salitang iyan hindi kayang ipaliwanag kung gaano kita kamahal. Ngumiti ka palagi dahil mas lalo kang pumupogi. Ingat mahal ko, paalam.

Grabe diary hindi ko nakayanan HUHUHUHUHU para na akong namamaalam na, para bang planado na ang lahat na wakasan na ang buhay ko. Sobrang sakit diary pero wala na akong pagpipilian pa. Wala na akong makakasama pa. Hindi naman din deserve ni North ang kagaya ko, hindi rin kami sasaya dahil uusugin kami ng mga tao, lalo na ang isyu ko ngayon. Maraming masama ang loob sa akin, habang si North ay tinatangala ng lahat.

Kung ito na ang huling sandali ng buhay ko sa mundong ito. Masaya ako dahil nararamdaman ko ang pakiramdam na ito. Mahirap man na iwan si North diary pero patuloy pa ba akong aasa sa kaniya, ayaw na nga sa akin ehh. Pero diary, maghihintay pa rin ako, maghihintay pa rin ako, hihintayin kita mahal ko kahit hindi ko alam na makakaya ko pa. Hihintayin kita hanggang sa huling hininga ko, mahal ko.

♡Mezzy

MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon