■Dedicated to maxieloveyoo■
📕DIARY 11📕
Dear Diary 2.0,
Diary, malaki talaga ang kaibahan sa naging buhay ko doon at dito. Doon hindi ako puwedeng matulog kung anong oras, dapat gigising ng maaga pa, gigising para sa mga gawain, pero samantalang dito, habol na habol ko nag pagkaba ng dibdib ko nang magising ako nang alas diyes na ng umaga, muntik na mag-alas onse, unang beses na nangyari sa'kin 'yon diary. Pero imbes na makakuha ako ng sakit, inasikaso pa nila ako, nakakahiya.
May dalawang kasambahay lamang si Don Nath dito kahit na sobrang laki at malawak nitong bahay nila, sila sina Aling Tessa and Manang Kalode. Sila ang nakakausap ko kanina at sobrang bait nila, tinutulongan ko rin sila sa mga gawain bahay, nababagot kasi ako. Ako ang nagluto kanina ng pananghalian at tsaka hapunan, sobrang saya ko dahil hinahayaan lang ako sa kusina, hindi tulad doon sa amin bawal akong humawak ng kung anu-anong bagay baka masira ko.
Nilibot ko rin ang buong bahay, grabe sobrang laki talaga. Lumabas din ako at nagtungo sa mini garden nila na sobrang ganda. Wala kasi si Don Nath, may inaasikaso at madalang lang din daw ito umuuwi rito madami kasi siyang appointment sa kaniyang buha. Mmmm?
Hindi ko pa rin siya nakakausap, gusto kong malinawan na sa kung anong gagawin ko para maisalba ang utang nila mama sa kaniya. Kahit may clue na ako kung ano iyon, pero gusto kong malaman mula sa kaniya. Siguro wala na akong pagpipilian pa kung hindi sumabay na lang sa agos ng buhay.
Kanina bandang alas siyete ng gabi, nagbabasa ako ng libro rito sa loob ng silid ko nang may biglang kumatok, pagbukas ko si Don Nath pala, kahit na nanginginig ako nakuha ko pa ring ngumiti sa kaniya at pinapasok siya sa loob.
Maayos naman siyang humarap at nakikipag-usap sa akin. Tinanong niya ako kung kumusta ang pananatili ko rito? Kung may mga kailangan daw ako sabihin ko lang sa mga kasambahay, kung kailangan ko ng pera at mga gusto kong bibilhin may credit card siyang pinagawa para sa akin. At kanina rin diary binigyan nga niya ako ng credit card.
Tama nga ako, tama nga ako sa kabayaran. Ibibigay niya raw lahat ng mga luho at gusto ko, basta't ibibigay ko rin kung ano ang gusto niya. Gusto niya na walang ibang lalaki sa buhay ko kung hindi siya lamang, siya lang ang magmamay-ari ng katawan ko at lalong susundin ko lahat ng mga pinagsasabi niya sa akin.
Gusto niya na, magiging babae niya ako, maging babae na magpupuno sa kaniyang kaligayahan, in short gusto niya ako making s*x partner, kapalit lahat ng mga ibibigay niya sa akin ay ang aking dangal na iniingatan.
Wala akong nagawa kanina kung hindi nakikinig lang sa lahat niyang sinasabi, nagiging open minded ako ang tinanggap ang lahat na ito na ang aking kapalaran. Wala naman din akong rason para lalayas pa rito? Wala na ang taong pinaasa na lamang ako, wala rin akong pamilyang maasahan dahil sila mismo ang naglagay sa akin ng sitwasyon ito.
Nararamdaman ko pa rin ang panginginig ko diary nang gusto niyang makipagtal*k sa akin kanina. Hinahalikan na niya ako sa leeg pero hindi ako pa ako handa, hindi pa ako kumportable. Napansin niya yata na hindi sang-ayon ang katawan ko, tinigilan niya ito saka lumabas ng aking silid.
Hayysss hindi ko alam kung galit ba siya sa akin, basta't ang alam ko hindi pa ako handa, dadating din tayo roon acckkkkkk, gaya nga ng sabi ko, tatanggapin ko na lang na ito ang kapalaran ko sa buhay diary.
♡Mezzy
BINABASA MO ANG
MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|
Non-Fiction☆EPISTOLARY☆ COMPLETED ✔ Mezzy is a simple girl, na ang gusto lang ay magkaroon ng masayang pamilya. Mula bata pa si Mezzy ay hindi niya nararamdaman na kabilang siya sa kaniyang pamilya. Ginawang kawawang katulong at pinagbubuhatan ng kamay. Sakit...