📕DIARY 03📕

52 6 0
                                    

Dedicated to Introvertfires

📕DIARY 03📕

Dear Diary,

Hello Diary, magandang gabi sa'yo, tanungin mo naman ako diary kung maganda ba gabi ko chars hahaha. Diary alam mo naman diba kung gaano ko gustong mag-aral, kung gaano ko pinapangarap ang makatungtong sa school, makasalamuha ng ibat-ibang tao, magkakaroon ng mga friends. Hindi ko talaga naiwasang maiyak kanina nang makita ko ang mga kapatid ko na pinaghandaan ni mama ng breakfast, inasikaso at inalagaan dahil papasok na sila sa school, habang ako naluluhang nakatanaw sa kanila habang pinupunasan ang aming glass na bintana. Sana lahat diba ganiyan, ano kaya ang mayroon sa kanila na wala ako? Bakit sila nandiyan, habang ako ito ganito lamang.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko noon diary, umaktong parang walang nangyari, walang inggit at sakit na nangyari nang matanaw ko si papa papasok sa kusina, naka-uniporme na ito. Si papa ay isang general ng mga police sa bayan namin. Maraming takot sa kaniya sa lugar namin kaya walang sinuman ang babangga sa kaniya.

Napayuko na lamang ako at tinuon na lamang ang pansin ko sa sahig at ginawa ng maayos ang trabaho ko. Nang makaalis na si papa, si mama at ako na lang ang natitira sa bahay. Si mama ay housewife lamang at minsay ay nagbuburda. Napaupo ako sa upuan kasi nga sobrang pagod ko na, at saka isa pa kumakalam na ang aking sikmura, kailangan ko ng makakain.

Nakakita ako ng mga pagkain sa lamesa kay natakam ako agad, nagrerebelde na ang mga bulate sa tiyan ko. Naghugas ako ng kamay at kumuha ng mga pagkain, sarap na sarap ako sa bawat pagsubo, napapaiyak na lamang ako habang kumakain ng sagad. Miss na miss ko na ang ganito, makakain ng walang limit at makakain ka hanggang mabusog ka. Halos lahat ng klaseng pagkain sa lamesa ay tinikman at kinain ko. Napadinghay ako ng malakas, hindi ko na alam kung kailan 'yong huli kong dinghay tanda na nabusog talaga ako.

Maganda na sana ang lahat nang nakita ako ni mama na nakaupo tandang-tanda na kumain ako. Nagsisigaw ito at sinabunutan niya ako dahil hindi raw sa akin ang pagkain na 'yon, hindi raw bagay sa akin ang ganoong klaseng mga pagkain, dapat naghintay ako ng mga tira-tira nila.

Pinalayas niya ako sa bahay at kinulong sa bodega, dahil daw sa nangyari, hindi na raw ako kakain ng tanghali at hapunan, bukas pa raw ulit. Kaya naman diary walang humpay sa pag-agos ang mga luha ko habang nakasandal sa dingding. Diary may mali ba ako? Siguro nga mali ako dahil kinain ko ang hindi sa akin, siguro nga mali dahil hindi ako nagpaalam pero gutom na ako ehhh, humingi naman ako ng tawad kay mama ngunit wala, walang nangyari.

Binuksan ko ang selpon ko na luma na, pinahiran ang mga luha, sa di malamang dahilan napaiyak ako dahil ang lalaki kagabi hinintay akong mag-online at tinadtad niya ako ng mga mensahe. Siguro naman ay mabait itong tao, wala naman siguro siyang masamang intensyon sa akin diba, kaya diary naglabas ako ng sama ng loob sa kaniya, wala na akong pakialam kung ano ang iisipin niya basta't ang point ko lang ay maipalabas ang sama at bigat kong nararamdaman.

Mas naiyak ako diary ng dinamayan niya ako, binigyan niya ako ng mga salita, nagbigay siya sa akin nga mga advices at first time 'yon diary na mahy nag-comfort sa akin, may nakinig at nag-cheer up sa akin. Kaya diary sobrang saya ko talaga at lubos na nagpapasalamat kung sino man ang taong nasa likod ng dummy account na 'yon, binigyan niya ako ng rason na dapat lumaban pa hanggat kaya pa. Fight, fight lang. FIGHTTTTT!!!!

♡Mezzy

MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon