■Dedicated to micamusica_■
📕DIARY 18📕
Dear Diary 2.0,
Diary walang katulad ang saya ko ngayon, para akong nabunutan ng tinik ng malaman kong wala si Don Nath ng iilang araw dahil may aasikasuhinbdaw ito sa malayo, nagpadala siya ng isang bouquet ng bulaklak sa akin na may kasamang sulat. Humingi siya ng tawad sa nagawa niya, sadyang wala raw ito sa katinuan dahil lasing ito. Babawi raw siya kapag nakauwi na siya. Mas mabuti nga sana matagalan siya ayttt.
So kapag wala si Don Nath it means that puwede mamalagi si North yieeeeee, gaya nga ng inaasahan ko namalagi si North dito buong magdamag, hanggang ngayon diary nasa kama ko siya natutulog ngayon ng mahimbing, ang pogi talaga ng mahal ko. Napagod yata kanina, naghampasan ba naman ng unan, hayyyssss ang saya ko sobraaa.
Kaninang tanghali, nagpaalam munanakonkay North na lalabas ako sa kuwarto para magluto ng mga pagkain para sa amin, at para na rin sa kaniya, matikman niya naman ang mga luto ko. Pagbaba ko ay bumungad sa akin ang maraming tauhan ni Don Nath sa sala, nananghalian. Trinato rin nila ako na para bang amo nila. Hinayaan ko na lamang sila. Kailangan talaga namin mag-ingat ni North.
Nagluto lamang ako ng iilang putahe, kumuha ako ng ice cream at cake na nasa loob ng ref at dinala ko ito sa itaas. Laking gulat ko ng pagbukas ko sa pintuan ay may nakahandang set-up na para bang isang date. Tinulungan ako ni North sa pagbitbit nga mga pagkain at nilapag sa maliit na lamesa sa gitna, sobrang saya ko and it is my first time na makaranas ng ganito, kinikilig ako na ewan ackkkk!
We started eating with full of happiness and love, sinubuan niya ako at sinusubuan ko rin siya, para kaming mag-asawa na sobrang saya kahit simple lang ang pamumuhay namin diary. Mahal na mahal ko talaga ang taong ito.
After namin kumain, saktong may tumugtog na musikong soft. Inaya niya akong tumayo at sumayaw, hindi naman ako nagpaligoy-ligoy pa na tanggapin ito dahil alam ko sa puso ko na gustong-gusto ko rin ito.
Hinawakan niya ang baywang ko ng may pag-iingat habang nakatingin kami dalawa sa isa't isa, mata sa mata. Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya at nagsimula kaming gumalaw. Sa una ay hindi ko pa kabisado kung paano, kaya naman tinuruan niya ako hanggang sa nasanay at nakuha ko na rin ito. Sumasayaw kami habang nakatingin sa isa't isa na ang mababasa lang sa mata ay ang wagas na pag-ibig at kasiyahan.
At sa mga oras na rin niyon diary ay ang pag-alay niya sa akin ng pag-ibig. Sinabi niya na mahal na mahal niya rin ako, gusto niya akong makasama habang buhay, gusto niya na sa bawat paggising niya sa umaga ay ako palagi ang nasisilayan niya sa kaniyang tabi. Siyempre hindi ko hinayaan na mawala pa ang opportunidad na ito, inalay ko rin ang pag-ibig ko sa kaniya na handa akong lumaban para sa amin, handa akong sumama sa kaniya kahit saan. Pagkatapos ay naging opisyal na kami na, me and him are now officially lovers. And we seal it witg ourt sweet and sincere kiss.
Ngayon diary matutulog na ako na masaya, matutulog ako na mayakap-yakap ang lalaking mahal na mahal ko, matutulog ako sa mga bisig niya. Ganito pala talaga ang pakiramdam ng umiibig, nag-uumapaw sa saya na para bang nasa ere lumulutang sa tuwa. Diary ikaw ang saksi sa aming pagmamahalan.
♡Mezzy
BINABASA MO ANG
MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|
Non-Fiction☆EPISTOLARY☆ COMPLETED ✔ Mezzy is a simple girl, na ang gusto lang ay magkaroon ng masayang pamilya. Mula bata pa si Mezzy ay hindi niya nararamdaman na kabilang siya sa kaniyang pamilya. Ginawang kawawang katulong at pinagbubuhatan ng kamay. Sakit...