📕DIARY 21📕

22 6 0
                                    

Dedicated to TheLegendOfMidSol

Dear Diary 2.0,

Diary nagising ako dahil may humahaplos sa akin, nahimigan ako, hinayaan ko lamang, maagang-maaga pa ang likot na ng kamay ng mahal ko. Ngunit sa pagdilat ng aking mata ay muntik na akong sumigaw sa gulat dahil hindi si North iyon, kung hindi ay si Don Nath diary, kung nakauwi na siya, nasaan si North? Katabi ko siya kagabi? Huwag mong sabihin? May goshhhh! Walang katumbas ang takot at pangamba ko para kay North diary dahil baka may mangyaring masama na baka nadatnan kami ni Don Nath na magkatabi.

Napasinghap ako ng hinalik-halikan niya ako sa aking kamay papunta sa aking leeg. Nanatili akong nakataob dahil iniisip ko pa rin si North. Nagulat ako ng nagbago ang anyo ni Don Nath, naging mapangahas naman ito at galit na galit na tumingin sa akin.

Don Nath: Kating-kati ka na ba talaga Mezzy para hindi mo ko mahintay? Akala mo hindi ko alam ang pinaggagawa mo? Akala mo hindi ko alam na may lalaki kang kasama rito noong wala ako, alam ko, alam na alam ko Mezzy. PERO WALA MAS NAG-E-ENJOY AKO TUWING MASAYA KANG NAKIPAGLANDIAN SA KANIYA, MAS MAGANDA PALA TALAGA TINGNAN NA MAY PUMAPASOK SA'YO NA IBA HAHAHAHAHAHAHAHA

Sobrang takot ko diary dahil sa sinabi niya. Malaki ang posibilidad na may nangyaring masama nha kay North dahil alam niya, paano? Napahiyaw ako ng puwersahang hinubad niya ang ibabang damit ko at naghubad din siya. Galit na galit itong inangkin ang katawan ko na nagpapahiyaw sa akin ng sobra dahil nasasaktan ako sa paggalaw niya. Tinali niya ang mga kamay para hindi ako makagalaw, wala siyang pakialam kung nagsisigaw ako dahil unang-una, sound proof ito. Walang ibang maririnig sa bawat sulok ng silid na ito kung hindi paghiyaw at pag-iyak ko na dulot ng sakit.

Ilang beses niya akong inangkin na parang hayop lamang, na kahit ang hayop ay nakakaramdam ng sakit at panghihina. Pagkatapos niyang magsawa sa katawan ko, sinampal niya ang ako ng pera sa mukha ko. Hindi ko kailangan ang pera niya, hindi ko kailangan.

Lantay na lantay ako ng lumabas na ito sa silid. Iyak ako nang iyak habang nakaubob, hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang hapdi sa ibaba ko. Hayyyssss talagang may kabayaran ang bawat kasiyahan ng kalungkutan.

Nabuhayan ako ng loob ng may gumalaw sa loob ng closet at lumabas doon si North na pulang-pula ang mga mata, nanghihina itong umiiyak palapit sa akin. Niyakap niya ako ng sobrang higpit, ganoon na rin ako. Nasaksihan niya, nasaksihan niya mismo ang pagpapangahas sa akin, narinig niya ang bawat hiyaw ko at kitang-kita niya kung gaano ako nilampastangan ng lalaking iyon.

Niintindihan ko kung bakit hindi niya ako nagawang tulungan dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati siya ay madamay dahil sa akin. Okay na na ako ang malagay sa peligro, huwag lang ang taong mahal ko.

Nang matunogan nina Aling Tessa ang pagdating ni Don Nath ay agad daw itong pumunta sa silid ko para balaan kami, nagising si North kaya agad ito nagtago sa loob ng closet. Kahit sa kabila ng nangyari, nagpapasalamat pa rin ako na ligtas siya.

Isa lang ang na-realize ko ngayong araw na ito, hindi mo masusukat talaga kung hanggang kailan ka masaya, hindi mo alam kung saan ito mapapalitan ng kalungkutan. Habang may oras pa, sulitin mo talaga ang oras na kasama mo ang taong mahal mo dahil hindi mo alam kung kailan ito matatapos.

♡Mezzy

MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon