■Dedicated to radiant_renne■
📕DIARY 08📕
Dear Diary,
Diary kung gaano ako kasaya kahapon, ganoon din ako kalungkot :(
Napasarap ako sa pagtulog kanina diary, hindi ako nakagising ng maaga, siguro nga dahil anong oras na ako natulog natulog kagabi, pinasok ako ni mama at binuhasan ako ng isang balde na tubig. Habol na habol ko ang aking hininga dahil sa nalalagyan ng tubig ang aking ilong, mabuti na lamang at nahimasmasan ako at naagapan ko pa.
Mas masakit pa ay para itong walang emosyon, ni walang bahid na pag-alala ang kaniyang mukha nang pinapanood lamang niya akong nahihirapan sa paghinga. Ganiyan na ba sila kawalang konsensya diary? Tama nga siguro ang sabi ni North kagabi, na kung may pagbabago pa na mangyayari, sana matagal na nilang ginawa, huwag na raw ako magtiis pa, pero diary hindi ko rin kaya na mawalay sa kanila kahit na ginaganito nila ako, umaasa pa rin kasi ako na balang araw magbabago rin ang lahat hayyys.
Hinablot ako ni mama palabasa sa bodega at parang baboy niya akong pinaliguan, pinaglalaruan niya ako sa hose na dala-dala niya, parang nagdidilig lang siya ng halaman habang ako ito lumuluha na yumuyuko. Kaya ko pa ba diary?
Pagkatapos niya akong basain, ibinilad niya ako sa araw ng ilang oras. Hindi ko na talaga maintindihan bakit ba nila ito ginagawa sa akin. Ano ba ang nagawa kong mali sa kanila?
Me: MAAA PARANG AWA NIYO NA TAMA NA PO, ANO BA ANG NAGING KASALAN KO SA INYO? ANO BA ANG NAGAWA KO PARA IPADANAS ANG MGA GANITO? GINAWA KO NAMAN LAHAT MGA GUSTO NIYO AHH, KUNG AYAW NIYO SA AKIN, HAYAAN NIYO NA LAMANG AKONG MAKAWALA SA KADENANG BUHAY NA ITO, PAGOD NA PAGOD NA AKO MAAAA, MAHAL NA MAHAL KO KAYO PERO AKO NI KATITING WALA KAYONG AWA SA AKIN HUHUHUHU
Hindi ko alam diary kung bakit biglang nagkaroon ako ng lakas na loob, nagkaroon ako ng boses na magsalita kay mama. Nagbago bigla ang emosyon ni mama ng ilang segundi lamang at bumalik naman ito agad sa mala-tigre niyang awra.
Mama: DAHIL MALAS KA, MALAS KANG BABAE KA, SANA NGA HINDI NA LANG KITA NAGING ANAK. ITATAK MO SA UTAK MO NA WALANG LALAKING MAGMAMAHAL NG KAGAYA MO, WALAAAAAAA!
'Yan na yan talaga ang sinabi ni mama sa akin kanina diary, lahat ng sakit na aking dinanas ay wala 'yon sa mga salitang narinig ko galing kay mama, triple ang sakit. Sobrang sakit sa dibdib, nakakapanlumo, nakakawalang ganang mabuhay sa mundong ito na puros na lang sakit.
Pagkatapos sabihin ni mama 'yon ay umalis ito, alam na magsusugal na naman 'yon. Mabuti na lamang wala siyang inutos sa akin kaya para akong basang sisiw na umiiyak sa gitna ng mainit na panahon. Tumayo ako sa pagkakalugmok, at bumalik sa bodega at ng akoy makabihis. Kahit gustohin ko mang mamatay ngayon, hindi pa puwede dahil may maraming bagay pa akong gustong gawin.
Iyak ako nang iyak, dinibdib ko lahat ng sakit at poot na sinabi ni mama sa akin. Walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko. Binuksan ko ang selpon ko para may mapagsabihan ng nararamdaman ko pero laking gulat ko nang hindi na ako makapag-chat kay North, “This person is unavailable on Messenger” ano'ng ibig sabihin nito? Bakit di ko siya makontak? Na-block ba ako?
Mas lumala pa ang sakit na dinaranas ko diary, ang iisang tao na akala ko handang dumamay sa akin ay nawala, bakit ganoon? Bakit diary? Parang binibiyak ang puso ko sa sakit at hapdi? Diaryyyyy bakitttt?????
Diaryyyyyy help meee😭😭😭
♡Mezzy
BINABASA MO ANG
MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|
Non-Fiction☆EPISTOLARY☆ COMPLETED ✔ Mezzy is a simple girl, na ang gusto lang ay magkaroon ng masayang pamilya. Mula bata pa si Mezzy ay hindi niya nararamdaman na kabilang siya sa kaniyang pamilya. Ginawang kawawang katulong at pinagbubuhatan ng kamay. Sakit...