📕DIARY 13📕

27 6 0
                                    

Dedicated to hanbiyeol

📕DIARY 13📕

Dear Diary 2.0,

DIARY HINDI PA BA SAPAT? HINDI PA BA SAPAT NA NAIBIGAY KO NA ANG AKING KATAWAN NA BUONG-BUO SA KANIYA? HINDI PA BA SAPAT NA NAKUHA NIYA NA ANG GUSTO SA AKIN? HAYYSSSS AKALA KO BA KAPAG BINIGAY KO ANG LAHAT, MAGIGING OKAY NA, PERO BAKIT GANOON PA RIN DIARY? PARA BANG WALANG PAGBABAGO? HAYYYSSSSS WALA NA BA TALAGANG KATAPUSAN ANG PAGDURUSANG MARARANASAN KO? KAHIT SANA KONTING PANAHON LANG MAGING MAGANDA NAMAN ANG BUHAY KO. GUSTO KO LANG NAMAN MAGPAHINGA MUNA, NAGSABI NAMAN AKO SA KANIYA NG DAHAN-DAHAN PERO SINAMA NIYA.

Naalala ko kanina diary okay na okay na ang takbo ng araw ko, sa wakas nahanap ko na rin ang sarili ko, nahanap ko ang confidence na lumabas sa silid at tinanggap ko na ang katotohanang hindi na ako v*rgin pa at hindi ko 'yon pinagsisihan dahil ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng utang nina mama.

Lumabas ako ng maganda ang mood at nakipagsabayan kina Aling Tessa. Tuwang-tuwa akong nakipagsabayan sa pagtatanim nila ng mga halaman sa garden, alam mo 'yong pakiramdam na belong na belong ka talaga sa pagsasamahan, 'yong tipong na-acknowledge rin ang buhay mo, at sobrang saya ko dahil sa wakas nararamdaman ko rin ang ganitong pakiramdam na minsan ay hindi ko naramdaman noon.

Buong araw kaming nanatili sa hardin habang nag-uusap usap ng kahit anumang bagay. Para nila akong matagal na nakilala, labis nila akong pinahahalagahan at binibigyan ng respeto, mga bagay na bumuo sa araw ko.

Pagkatapos naming maghapunan, ay umakyat na ako sa kuwarto ko. Umalis daw si Don Nath kaya okay na rin 'yon, dahil hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap sa kaniya dahil nahihiya ako sobra.

Dahil hindi pa ako dinalaw ng antok kanina, nagpatuloy ako sa pagbasa ng story na binasa ko kagabi. Habang nasa climax na ako sa binabasa ko, sobrang intense na ng pangyayari, 'yong tipong mararamdaman mo talagang to crave more chapters.

Nawala ang excitement ko ng may biglang humalik sa leeg ko at amoy na amoy ko ang baho ng alak. Dahil siguro nasa libro nakatuon ang atensiyon ko, hindi ko napansin ang pagpasok niya. Ang excitement na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng pangamba. Ayaw ko munang mangyari ulit ang kagabi dahil medyo masakit pa ang ibaba ko, kung maaari ayaw ko munang maulit.

Nagpupumiglas ako sa kaniya at kanina, tiniklop ko ang mga labi ko nang hinalikan niya ako na nagpapahiwatig na ayaw ko muna. Naging marahas siya at dinidiinan niya ang pagkahawak sa akin. Sa hindi ko alam na dahilan bakit nagawa ko siyang sampalin na nagpapatigil sa kaniya at tumingin sa akin ng nag-aapoy ang mga mata.

Napatunganga ako nang sampalin niya rin ako, naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang singsing sa pisngi ko, sinabihan niya akong kay bago pa lamang ko raw marunong na agad akong sumuway sa mga gusto niya. Wala akong ibang nagawa kanina diary kung hindi ang umiiyak habang inaangkin niya ang katawan ko, sarap na sarap ito sa kaniyang ginawa habang akoy namimilipit na sa sakit dahil sa paraan ng pakikipagniig niya, ang harass, ibang-iba kagabi, para siyang naging lion sa bangis. Kahit naramdaman niyang nasasaktan ako patuloy pa rin ito sa kaniyang ginagawa, hindi man lang nakiramdam ng awa.

Diary akala ko itong bagong buhay ko ang magiging liwanag ko sa mapait kong karanasan, mali pala ako dahil dadagdan pa nito ang mapait at poot kong karanasan at maaaring mas higitan pa ang aking nakaraan sa pait at paghihinagpis :(

♡Mezzy

MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon