📕DIARY 06📕

40 6 0
                                    

■Dedicated to carmela022

📕DIARY 06📕

Dear Diary,

Diary sa daming nangyari sa akin kahapon at noong nakaraang araw nakalimutan ko ng humawak ng selpon ko. Laking gulat ko ng tadtad naman ako nga mga mensahe niya, nag-alala na raw siya sa akin kung bakit daw ako hindi naka-online. Diary hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng lalaking ito. Binalewala niya ang mga tanong ko sa kaniya kung sino ba talaga siya? Dahil alam niyang naririto ako sa bodega hindi malabong alam niya ang nangyayari sa akin. Halos naman lahat dito sa amin, may alam ngunit wala silang lakas magsumbong kasi nga malaki ang ranggo ng tatay ko sa polisya ammmp.

Nag-reply muna ako sa kaniya na okay lang ako, huwag siyang mag-alala. Pagkatapos ay nag-out na agad ako para naman sa panibagong pagsubok na haharapin.

Hindi nga ako nagkakamali dahil sandamakmak ang aking huhugasin lahat ng mga nagamit kahapon. Mag dekorasyon at iba pang mga bagay hayyyyss. Wala akong nadatnan sa loob ng bahay kung hindi si Aling Tisay na siyang katulong noon nina mama. Nagtaka naman ako kung bakit siya narito agad, at sabi niya pinabalik na nila siya dahil malapit naman daw akong mawala. Ouch naman.

At kahit nandiyan siya ay di niya ginalaw, hindi siya naglinis, hinayaan niya lang, ang tanging gagawin niya lamang ay magluluto muna habang ako ay naririto pa. Binaalaan kasi siya nina papa kapag malalaman nilang tinulungan niya ako, tiyak na malilintakan siya.

Aling Tisay: Pasensya ka na Mezzy ha, kung di kita matutulungan ayaw ko rin na may mangyaring masama sa akin, alam mo na medyo may edad na.

Ako: Okay lang 'yon, sanay na ako. Ako pa ba, kayang-kaya ko 'to.

Aling Tisay: Napakabait mong bata, hindi ko alam kung bakit inaalila ka nila, dapat nga maging proud sila na mayroon silang kagaya mo, isang masunurin, mabait at masipag na anak. Isa pa may maamong mukha.

Ako: Naku Aling Tisay buti ka pa na-appreciate mo ako.

Sa mga oras na 'yon diary parang piniga ang puso ko, mabuti pa ang ibang tao nakikita pa nila ang halaga ko. Umiwas na lamang ako sa kaniya at nagsimula ng maglinis ng buong bahay, kahit sobrang pagod ko na, laban pa rin.

Bandang tanghali, siguro dahil sa pagod hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sofa, hindi biro ang paglilinis ko ang daming kalat at ang daming aayusin. Nagising na lamang ako dahil sa isang malamig na tubig ang tumama sa mukha ko, sigaw ako nang sigaw dahil sa sobrang lamig parang namamanhid ang aking mukha. Pagkatanaw ko kung sino ang salarin ang kapatid ko pa lang nasa abroad,  ang kapatid kong babae. Kaya pala wala sila mama dahil sinundo nila ito. Another kontrabida na naman sa buhay ko ang dumagdag pa.

Umiwas na lang ako ng tingin at tinatagan ang loob ko. Tinapon ko na ang mga basura saka ako lumabas sa bahay para magsimulang maghugas. Inabutan ako ni Aling Tisay ng pagkain kaya agad ko itong nilantakan dahil anong oras na rin. Pagkatapos saka ako naghugas mula mga kaldero hanggang sa mga kubyertos na nagamit.

Siguro nakatulog ako ng mga dalawang oras. Sabi ni Aling Tisay gigisingin niya sana ako kaso ramdam niya kung gaano ako napagod kaya hinayaan niya lang ako. Humingi nga siya ng patawad sa sinapit ko, hindi niya raw kasi inaasahan na kahit ang ate ko ay ganoon ang trato sa akin. Ngumiti lamang ako sa kaniya at sinabi na wala siyang kasalanan.

Pagkagabi na ay hinatidan ako ng pagkain dito ni Aling Tisay sa bodega. Nagpapahinga ako habang binubuksan ang selpon ko, nagkausap kami ng konti ni North at sabi niya para raw masagot ang mga tanong ko magkita raw kami bukas. Sabi ko, hindi ko alam, kahit na gugustuhin ko, hindi pa rin ako makakalabas. At ang sabi niya naman, siya raw ang bahala, siya ang gagawa ng paraan.

Diary ganito ba ka lambot ang puso ko para makaramdam ng ganito agad sa taong ito? Magaan ang loob ko sa kaniya diary, para bang may parte ng puso ko na nabubuhayan. Sana nga hindi 'to mali ang pinasok ko diary.

♡ Mezzy

MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon