■Dedicated to JihaHeart■
📕DIARY 09📕
Dear Diary,
Hello diary ang sama ng pakiramdam ko ngayon, hindi ko maintindahan kung ano ang nangayayari sa akin, parang hihimatayin ako or ano, ang sakit ng ulo ko pero pinipilit ko pa ring maging okay ako dahil kailangan.
Kanina pagkagising ko sobrang nilalamig talaga ako, nag-aapoy ako sa init at ang sakit ng ulo ko. Para akong lumulutang sa hangin. Para bang wala ako sa huwisyo. Siguro dahil ito sa nangyari kahapon. Ikaw ba naman, halos matuyo ang basa mong damit sa katawan mo, lalagnatin ka talaga.
Nakailang ulit na rin ako sa paghatsing at nangangati na rin ang lalamunan ko, hanggang ngayon inubo't sinipon na ako. Akala ko ba naman hindi na ako tatablan ng sakit, pero heto ako ngayon halos balutin na ang buong katawan ko sa sobrang lamig habang nagtatala sa'yo diary.
Pero kahit masama ang pakiramdam ko kanina, bumangon pa rin ako at hindi na ito ininda pa, ginawa ko palagi ang ginawa ko. Nagwawalis sa bakuran namin na kahit anong oras ay puwede akong mahimatay pero tinatagan ko talaga ang loob ko.
Hindi na ako kinausap ni mama mula kahapong umalis siya, nagkita kami kanina pero tinitigan niya lamang ako, wala siyang inutos din, hindi niya ako kinausap. Kahit na wala siyang pakialam, humingi pa rin ako ng tawad sa kaniya, sa pagtaas ko ng boses sa kaniya kahapon.
Naalala ko na naman ang mga sinabi niya sa akin kahapon, nagluksa talaga rin ako kagabi, ang sakit lang kasi, iba talaga kapag sinabi talaga sa'yo diba tagos hanggang sa buto 'yon, nakakabara 'yon sa puso hayyyss.
Heto na naman tayo sa pag-iyak, hayyyyssss diary wala pa ring pagbabago sa account ni North, wala na siyang paramdam, wala na siyang account. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali kung bakit biglang may ganito? Sa kakaalam ko kasi naghiwalay kami nang gabing 'yon na masaya kaming dalawa. Parang binabaliktad-baliktad ang puso ko dahil sa kirot na nararamdaman ko.
Ngayon ko rin napagtanto diary na nahulog na ng tuluyan ang puso ko sa kaniya, hinahanap ko na ang presensiya niya. Akala ko talaga masusundan ang pagkikita namin, akala ko dadalawin niya ulit ako, akala ko makakapag-chat na kami ng maayos.
Lalong bumibigat ang loob ko dahil sa pagkawala niya hayyyss diary alam ko namang wala ako sa lugar umakto ng ganito, ang rupok naman ng pusong ito. Nagpakita kasi siya ng motibo na parang special ako sa kaniyang sa paraan ng pagnanakaw niya ng sulyap sa akin, mga paraan ng pagtitig niya sa akin nababasa ko sa mga mata kung gaano siya ka sinsero pero hayysss siguro imagination ko lamang ang mga iyon, baka sobrang assuming ko lang 'yan aytt HHAHAHHAH ano ka Mezzy, tigil-tigilan mo na 'yang magdrama diyan, pagtuonan mo ng pansin 'yang kalagayan mo. Kalimutan mo muna 'yan si North na akala mo siya na ang alitaptap ng buhay mo, ang alitaptap na magbibigay liwanag sa madilim mong mundo, ang liwanag na magliligtas sa'yo hayysss.
Sige na diary tama na siguro ito, ang bigat ng pakiramdam ko sobra, may ubo't sipon pa. Para akong lantang-lanta na gulay na di mahanap ang lakas.
Iinom muna ako ng gamot at sana kinabukasan magiging okay na ang pakiramdam ko. Wish me to get well tomorrow diary mwaaa (^ム^)
♡Mezzy
BINABASA MO ANG
MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|
Non-Fiction☆EPISTOLARY☆ COMPLETED ✔ Mezzy is a simple girl, na ang gusto lang ay magkaroon ng masayang pamilya. Mula bata pa si Mezzy ay hindi niya nararamdaman na kabilang siya sa kaniyang pamilya. Ginawang kawawang katulong at pinagbubuhatan ng kamay. Sakit...