■Dedicated to adiriangg■
📕DIARY 23📕
Dear Diary 2.0,
Umaga pa lamang ay hinanda at inisip ko na talaga kung ano ang gagawin naming hakbang. Laking pasasalamat ko diary na sina Aling Tessa at Manang Kalode ulit ang naiwan para bantayan kami. Pasensya na talaga sa inyo kung may gagawin ako. Sasalbahin ko ang sarili ko.
Gamit ang maliit na bag ay inilagay ko doon ang mga importanteng bagay lalo na ikaw diary sinugarado ko talagang hindi ka maiiwan na naman. Dahil siguro sa tiwala nila, hindi nila ako binisita sa silid ko, natanaw ko si North na nasa labas na naghihintay sa akin, nasa puno na ito. Buwis buhay akong naglambitin sa sanga ng kahoy at nagpadausdos sa malalaking sanga nito. Kahit sobrang natatakot na ako ay hindi ko ito inaatupag dahil buo na ang desisyon kong lalayo sa buhay na ito.
Laking pasasalamat ko sa Diyos na ligtas akong nakababa mula sa kahoy, agad kaming tumakbo ni North sa kaniyang sasakyan at agad itong pinaharurot ng driver, ang kaniyang kaibigan.
Nagyakapan kami ng sobrang higpit ni North at nagsiiyakan sa mga oras na 'yon, naramdaman ko na talaga ang pagiging malaya ko. Sa wakas nakatakas na rin ako sa kanila, lalong-lalo na kay Don Nath.
Napasyahan ni North na mananatili ako sa condo niya habang wala siya, habang nasa internship siya. Labis na labis talaga ang tuwa na nararamdaman ko diary.
Huminto kami sa may plaza dahil sa para itong may kasiyahan, naaliw ako. Para nga isang fiesta dahil sobrang dami ng arcade. Napag-usapan namin ni North na makisaya kami, at ngayon naramdaman ko na ng tuloy ang kapayapaan at kalayaan.
Para kaming normal na tao lang, first time kong sumakay sa mga arcade, sobrang takot ko no'ng sa Ferris wheel na kami, pero hinawakan lang ni North ang kamay ko ng sobrang higpit, na kahit hindi niya sabihin, ito'y nagpapahiwatig na huwag kang mangamba, nandito lang ako palagi para sa'yo.
Pumunta rin kami sa food house, as in sobrang sa'yo ko, first time kong gumala kasama pa ang taong mahal ko. Sobrang saya naming dalawa, dahil sa wakas nakalabas na kami sa impyernong lugar na 'yon.
Napahirit pa si North na magkasal-kasalan kami dahil sa wedding booth, ang saya ko grabe parang totoo talaga, siguro sa mga nanood parang wala lang, pero para sa amin totoong-totoo ito. May singsing na kami sa isa't isa and we seal it with our kiss. Walang humpay sa kasiyahan ang nararamdan ko.
Okay na sana ang lahat, okay na sana diary ngunit may nakakita sa amin sa kasiyahan, isang tauhan ni Don Nath, sobrang takot ko ng hindinko mabilang kung gaano sila karami. Dinakip nila si North kaya lumuhod ako nakikiusap sa kanila na pakawalan nila ang mahal ko, sasama ako sa kanila ng buong puso.
Wala kaming nagawa ni North ng puwersahang hinablot ako ng isang tauhan ni Don Nath at kinarga na parang isang sakong bigas. Nagkausap ang aming mga mata ni North. Ngumiti ako para masiguro niya na okay lang ako.
Kaya 'ayon diary sobrang malas, failed na naman, nandito ulit ako sa silid, kinulong, ang bintana may lock na rin para akong taong preso na talag. Pinagbabawalan na rin ni Don Nath na makipag-usap sa akin sina Aling Tessa, magkalapit lang kami kapag hahatidan nila ako ng pagkain.
At gamit ang phone na iniwan ni North nag-usap kami, sinabi ko na okay lang ako huwag na siyang mag-alala. Nangako naman siya na after internship niya babalikan niya na ako at gagawin ang lahat para mabawi ako.
Kawawa naman talaga ang mahal ko, naipit tuloy siya sitwasyon, magagalit din mga magulang niya kapag tatalikuran niya ang pag-aaral, isang step naman lang din 'yan, papaso na siya sa stage. Sino ba naman ako para hadlangan ang isang bagay na hindi ko nararanasan. Sana nga pagtibayan pa ang aming mga damdamin at ng ito'y aming malalampasan hayyys diary :(
♡Mezzy
BINABASA MO ANG
MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|
Non-Fiction☆EPISTOLARY☆ COMPLETED ✔ Mezzy is a simple girl, na ang gusto lang ay magkaroon ng masayang pamilya. Mula bata pa si Mezzy ay hindi niya nararamdaman na kabilang siya sa kaniyang pamilya. Ginawang kawawang katulong at pinagbubuhatan ng kamay. Sakit...