■Dedicated to LunarFtXtademry■
📕DIARY 17📕
Dear Diary 2.0,
Nagising ako kanina dahil may humahaplos sa akin na agad akong napaigtad at natakot ng sobra sabay nagtago sa ilalim ng kumot ko. Nagsimula akong umiyak at nagmamakaawa na huwag po. Niyakap niya ako at nakaramdam ako ng pagkaligtas ng marinig ang boses niya, ang boses na nagbibigay sa akin ng lakas.
Binaba ko ang kumot ko at nakumpirma ko na siya talaga, ang lalaking mahal na mahal ko. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, niyakap ko siya ng mahigpit at humahagulgol sa iyak. Labis itong nag-alala sa akin at pinatahan ako.
Kinuwento ko lahat sa kaniya ang nangyari, diring-diri na ako sa sarili ko. Pinagtatabuyan ko na siya na huwag na lang niya akong balikan pa, dahil hindi ang kagaya kong babae ang dapat sa kaniya, hindi ako karapatdapat sa kaniya. Maayos ang buhay at may pinag-aralan siya, samantalang ako, ito alipin lang. Tanging ang dangal lang ang hinahawakan ngunit kahit ito'y nawala na.
Napatigil ako sa pagtalak sa kaniya diary ng hinalikan niya ako, tinigil niya ang pagsasalita ko gamit ang mga labi niya, at sa mga oras na iyon para akong nahimasmasan at talagang nararamdaman ko ang tunay na pagmamahal.
Sinabihan niya akong tanggap niya pa rin kung ano ako. Na kahit ako ay hindi ito ginusto, kahit ano man ang mangyayari mananatili siya sa tabi ko, hindi niya ako iiwan at ipagpapalit kanino man. Laking pasasalamat ko diary na nandiyan siya, ang siyang nagbinigay sa akin ng lakas.
Kinabahan pa ako ng nadatnan kami ng kasambay na magkasama ni North, ngumiti lang ito at sinabihan akong alam nila ang tungkol sa amin at maasahan ko sila, hinding-hindi sila magsasalita laban sa amin, ang dapat naming problemahin ay ang makita kami ng mga tauhan ni Don Nath at mismong si Don Nath. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanila.
Inalagaan ako ng buong magdamag ni North, hindi siya umalis ng buong araw, nilinis at ginamot niya ang mga natatamong sugat ko, ang mga pasang nagkukulay ube na medyo mangitim-ngitim na. Siya ang nagpapakain sa akin, para bang ako ay may sakit na inaalagaan, inaalagaan ng may kasamang pagmamahal.
Hindo ako lumas ng kuwarto, maliban na nandito si North, hindi rin kami puwedeng lumabas sa kuwartong ito na magkasama dahil mula kanina pinababantayan na ako ni Don Nath sa kaniyang mga body guards, baka natakot magsumbong pfttt! Naintindihan naman nila ng kasambahay ni Don Nath kaya dinadalhan lang nila kami ng pagkain dito, at kung anong pagkain ang mga gusto ko.
Buong magdamag nakayakap lang ako kay North habang nanunuod kami ng pelikula, ang saya-saya lang para akong lumulutang sa ere, ganito pala ang pakiramdam ng pag-ibig nakakabaliw sa tuwa. Hindi ko namalayan ang mga problemang dala-dala ko, nakalimutan ko ito basta kasama ko ang taong mahal ko.
Bandang hapon ay kailangang umalis na naman si North dahil baka uuwi si Don Nath, mahirap na. Umaakyat lamang siya sa malaking punong mangga na nakalabas sa pader, tanging ang sanga nito ang nakaabot malapit sa bintana ko.
Ingat na ingat siya, buti na lang sa mga oras na 'yon diary ay nagmeryenda ang mga tauhan ni Don Nath, siyempre kakampi namin sila Aling Tessa ehh shh!
I hope hindi na mawawala ang pakiramdam kong ganito. Kung puwede lang habang buhay na magkasama kami ni North. Mahal na mahal kita, mag-ingat ka palagi mahal ko.
♡Mezzy
BINABASA MO ANG
MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|
Non-Fiction☆EPISTOLARY☆ COMPLETED ✔ Mezzy is a simple girl, na ang gusto lang ay magkaroon ng masayang pamilya. Mula bata pa si Mezzy ay hindi niya nararamdaman na kabilang siya sa kaniyang pamilya. Ginawang kawawang katulong at pinagbubuhatan ng kamay. Sakit...