📕DIARY 05📕

37 6 0
                                    

Dedicated to Penpoint143

📕DIARY 05📕

Dear Diary,

Diary kailan pa ba matatapos ang lahat ng ito? Panibagong pagsubok naman ang dumating sa buhay ko. Grabe hindi ko inakala na ganoon lang pala ang halaga ko sa kanila? Ano'ng tingin nila sa akin isang bagay lang na puwedeng ipangbayad.

Lahat ng galit, inis o sakit na naramdaman ko sa kanila ay nawala na parang bula, nakalimutan ko agad. Nang kaninang umaga inayusan ako nila mama ng magagarang at naggagandahang damit, pinagandahan at trinato na para bang hindi ako naiiba sa kanila, sobrang saya ko diary lagpas hanggang langit ang ngiti ko at labis ko iyong pinapasalamatan sa panginoon.

Walang labis ang aking saya ng pinaupo nila ako sa loob ng bahay, sa sala namin kung saan halatang may mamahaling okasyon dahil sa maraming nakahain sa lamesa ng iba't ibang masasarap at classy na mga pagkain. Kumpleto rin lahat kami, at may tatlong upuan na bakante sa katabi ko, tiyak na may bisita nga kami at sabi sa akin kahapon may bisita raw ako, sino kaya? Kahit na sobrang saya ko diary, hindi ko pa rin maiwasang magtaka at kabahan sa hindi ko malamang dahilan.

Ilang minuto ang lumipas, napatingin kami sa tatlong lalaking papasok sa bahay namin. Tumayo si papa at mama para salubungin ang mga dumating. Ang isa na nagpapaagaw pansin ay ang nasa gitna, isa itong matanda na malaki ang tiyan na nakasumbrero at makikita mo ang pagbusilak ng mga gintong alahas na suot niya. Ngumiti ito, namangha ako dahil ang mga ngipin niya sa harap ay may mga ginto rin. Mararamdaman mo talaga ang awra nito na sobrang yaman niya, nalaman namin na siya pala ay Don Nathious at  'yong dalawa na kasama niya ay kaniyang mga tauhan lamang. Lakas ng name niya Don Nathious in short Don Nath as in Donut ammmp HAHAHAHA.

Kumakain kami habang nag-uusap sila diary, ako nakikinig lamang sa kanila habang takam na takam sa pagkain. Napaatras ang pagsubo ko, nawala ang dating saya na nararamadaman ko, nabilaukan ako dahil sa gulat at agad akong uminom ng tubig. Nagtataka akong tumingin sa kanila na kahit anong oras ay maiiyak na.

Don Nath: Ohh akala ko ba alam na niya?

Papa: Oo naman matagal na niyang alam Don, nagulat lang 'yan.

Mama: Oo nga, nagulat lang 'yan dahil di niya lubos isipin na magiging asawa niya ang kagaya niyo

Kuya: Oo po, pero deep inside naglulundag 'yan sa tuwa

Sa mga oras na 'yon diary gusto kong maglaho na lang, lamunin man ako ng lupa, gusto kong umiyak at magsalita pero naramdaman ko ang paghawak ng mahigpit ni papa sa hita ko dahilan para ngumiti na lang ako.

Nagsinungaling sila sa akin, ginulat nila ako, kahit kailan wala silang sinabi sa akin na mangyayari ito na may asawa na pala ako, sa kagaya niya pa shoot! Si mama kasi noon sobrang adik sa sugal lalo na 'yang majong na 'yan, malaki ang utang niya noon pa 'yon pero no issue na 'yon dahil sabi nabayaran na nila, oo nga nabayaran na dahil ako ang binayad nila, diary ano'ng gagawin ko HUHUHUHUHU

Halos hihimatayin ako sa takot ng sabihin ni Don Nath na sasama na raw ako sa kaniya, nagmamakaawa talaga ako na huwaggg, puwede bang sa susunod na lang muna, umiyak talaga ako ng sobra sa harap nila. Laking pasasalamat ko na pumayag ito, sa susunod niyang pagbabalik ay isasama niya na raw ako. Habang itong pamilya ko galit na galit sa akin ang tingin. Napakaarte ko raw baka raw mag-back out si Don Nath, grabe naman wala na ba talaga silang pakialam sa akin?

Diary sana huwag ng bumalik ang lalaki na 'yon, mas gustuhin ko pang maging alila ng pamilya ko kaysa ibang tao, isa pa ayaw ko pa ng asawa, hindi ganoon ang realization ko sa pag-aasawa, hindiiiiii.

Diary please help meee 😭💔

♡Mezzy

MY DARKNESS FIREFLY: MEZZY DIARY ✔ EPISTOLARY |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon