Chapter 19: Fate
8 years later
Sa mga taon na lumipas, nakatatak pa rin sa aking isipin ang nangyari nung araw na tuluyan na kaming iniwan ni mommy, after nang nagyari yun, nawala kaming dalawa ni Valrian na parang bula, no one knew where we are that time except Jarick and his one friend but after few months, I never saw Jarick again.
I don't know what happened to both of them. Masyadong mabilis ang nangyari sa kanilang dalawa.
"Miss Montessori, naandito po ngayon si Mr. Valdez," napatingin ako sa aking assistant nang pumasok siya, "na naman?" Hindi ko maiwasang mairita dahil naandito na naman si Mr. Valdez or should I say Nigel.
"Oho e," nakangiwi nitong tugon sa akin, "papasukin mo," wala na akong nagawa kundi magpakita sa lalaking yun. Pinapasok na nga niya at pumasok ang isang matangkad at chinito na lalaki sa loob.
"Hi sweet heart," nakangiti niyang bungad sa akin, inirapan ko lang siya. Hindi ko ba alam kung bakit hindi siya nag sasawa na kulitin ako.
Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na wala siyang pag asa sa akin, dahil hindi ko priority ang love life, I only need myself and to become stronger, dahil hanggang ngayon hindi pa natatapos ang laban na tumapos sa buhay ng aking ina.
Ayaw ko munang mag tiwala sa mga taong dumarating sa aking buhay, mahirap na at baka maulit pa ang nangyari noong walong taon na nakaraan.
"Ano na naman?" Irita kong tanong sa kanya at umupo siya sa upuan na nasa harapan ko.
"Kailan off mo?" Tanong sa akin ni Nigel, "Stop this nonsense Nigel, how many times do I've told you that I don't like you," mariin kong sambit sa kanya, ang kanina niyang mga ngiti ay napaltan nang seryosong mukha.
"I don't care, even you kill me I won't stop liking you." Napabuntong hininga nalang ako sa kanya, sobrang kulit niya talaga.
"Marami pa akong appointment na dadaanan, saka busy ako ngayon," sinabi ko nalang sa kanya para tigilan na niya ako.
"Okay fine, but I will call you later my architect," binato ko siya ng ballpen, natatawang lumabas ito sa aking office.
Biglang nag ring ang aking selpon kaya naman sinagot ko ito, "Yes?" I uttered, inilapag ko ang aking selpon at ini on ang speaker dahil marami pa akong kailangan i check na documents, ang dami kasi naming client.
May isa pa ngang tatlong taon na ang kontrata sa akin ngunit ni isang beses ay hindi ko pa ito nakikita kahit yung plano niya para sa kanyang ipapagawa ay wala pa rin akong idea dahil hindi pa kami nagkakausap.
"Are you Ar. Valentine Montessori?" Tanong nito sa akin, hindi ko kilala ang boses na ito kaya't napag alaman ko na isa siya sa aking client.
"Yes sir, how may I help you?" I uttered.
"Wait a minute miss, I will handed the phone to my boss so you two could talk about the building," napa 'oo" ako sa kanya, medyo matagal siya bago sumagot ang kanyang boss kaya nag focus muna ako sa aking tinitingnan na document.
Maya-maya pa ay hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba na marinig ang boses ng isang tao na matagal ko nang gustong kalimutan, "I want to meet you right now, I'm your client 3 years ago who couldn't meet you because I'm busy," sobrang bilis ng tibok ng aking puso, why do I feel that it was him?
Hindi agad ako nakaimik sa mga oras na iyon, tila pinoproseso pa ng aking utak at tenga kung tama ba ang aking narinig na boses dahil umaasa ako na hindi sana siya, dahil hanggang ngayon galit pa rin ako sa kanya kung siya nga ito baka wala sa oras ako makapatay.
BINABASA MO ANG
Who Series 2: Maybe, He's The One
RomanceWho Series 2: Maybe, He's The One (also known as That Girl) COMPLETED Valentine Montessori is need to hide her identity because her family is one of the most powerful in the world. Yet her parents didn't want her to be part of. Later on, Her dad le...