Chapter 13

7 3 8
                                    

Chapter 13: Suspended

After that night,  I barely saw him in class, I don't know but I felt hurt. Akala ko kapag inilayo ko ang aking sarili sa kanya, makikilimutan ko siya ngunit parang nagkamali ata ako.

Nasaktan ako, nasaktan ako dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang kanyang pakay sa akin, sabi niya huwag ko siyang iwan ngunit nung sinabi kong ayaw ko nang makita ang kanyang mukha ay ginawa naman niya.

Oo alam kong 'yon ang aking nais ngunit bakit ganun? Umasa ako na hahabulin pa rin niya ako o papansinin ako. Hindi ba kapag mahal mo ang isang tao, kahit ipagtaboyan mo siya hahabulin at hahabulin mo pa rin siya dahil mahal mo siya, ngunit biglang pumasok sa aking isipan na hindi naman niya sinabing mahal niya ako ang tanging sinabi niya ay huwag ko lang siya iwan pero hindi ba magkapareho lang din naman yun ng kahulugan? O yun lang talaga ang pagkakaintindi ko.

"Look at that girl, she's lonely," napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Alisha, iyan na naman siya. Akala ko tuluyan na niya akong tinigilan nung araw na nakita ni Valrian ang kanyang ginawa ngunit hindi pala.

Dahil muli na naman siyang nagparamdam sa akin, tila naghintay lang siya nang ilang buwan para guluhin muli ang aking buhay.

"Huwag mo akong simulan Alisha," mariin at wala kong emosyon na sambit sa kanya habang ang aking mga tingin sa kanya ay parang kakainin ko na siya.

Ngunit hindi man lang siya natinag sa aking boses at tingin, "Huwag ka ngang umaktong matapang e alam naman nating lahat na mahina ka," pinipigilan kong hindi magalit o maglaban dahil ayaw ko ng gulo, ngunit nang tuluyan niya akong lapitan at biglang ablutin ang aking buhok upang sabunutan ay tila hindi na ako nakapag pigil at nilabanan na siya.

"Nag titimpi lang talaga ako sayong babaita ka!" Inis kong saad sa kanya habang sinasabunutan ko siya, nagkumpulan ang mga studyante sa amin upang panoorin kami.

"Ah ganun!" Lalo niya akong sinabunutan, napadaing naman ako. Kung sabunutan ay talo niya ako pwes itong gagawin ko sa kanya ay tiyak panalo ako. Initaas ko ang kanan kong paa para tagyakan ang kanyang isang hita dahilan upang mabitawan niya ang aking buhok.

Napaatras siya at napadaing, "The heck girl!" Inis niyang sambit sa akin habang hawak hawak niya ang kanyang isang hita na aking tinagyakan.

I just smirked at her, "You can't defeat me with this," dahil sa kanyang inis ay sumugod ulit siya sa akin at akmang susuntukin niya ako ay nakaiwas ako.

Inis niya akong tiningnan, tiningnan ko siyang naghahamon kaya hindi siya nagpatalo, gumawa ulit siya ng moves ngunit nailagan ko pa rin siya.

"My turn," I said it in cold voice, and then I punched her in her stomach so she fell in the floor, hindi pa ako nakuntento at sinampal ko siya nung lumuhod ako sa kanyang harapan.

Sobrang lakas nito kaya napasinghap ang mga studyanteng nanonood sa amin, bigla silang nagbulungan dahil sa aking ginawa, hindi sila makapaniwala sa aking nagawa.

Nagkaroon ng samu't saring bulungan sa paligid, "What's happening here?!" Biglang dumating si Valrian kasama ang principal. Napalunok ako dahil sa takot, gulat na nakatingin sa akin si Valrian at Mrs. Miranda even Jeremy.

Lahat sila nakatingin lang sa akin habang hawak hawak ko ang kwelo ni Alisha habang namumula ang mukha nito. Bigla ko itong nabitawan ay napatayo nang maayos.

"Valentine Montessori! What do you think your doing?" Ngayon lang ako natakot kay Mrs. Miranda, ngayon ko lang siya kasi narinig at makitang galit at sa akin pa talaga.

Ilang beses akong napalunok, "Siya ang nauna at hindi ako," sagot ko rito at tiningnan si Valrian ngunit ang kanyang mga mata ay galit at hindi makapaniwala. Hindi ba siya naniniwala sa kanyang kapatid?

Who Series 2: Maybe, He's The One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon